3 years ago...
" HINDI KA NA NIYA BABALIKAN! HINDI MO BA YUN NA IINTINDIHAN SAM? HA? " sigaw ni miko kay sam.
Nasa airport sila ngayon, Palaging ginagawa ni sam na pumunta sa airport para hintayin si Symon. Pero kahit ni anino ni symon wala siyang makita. halos dito na natutulog si sam para lang hintayin si symon. halos hindi na siya kumakain. Palaging mugto ang mga mata ni Sam. Palagi siyang umaasa na babalikan siya ni Symon na uuwi si symon para sakanya.
" Sam... ginagawa mo lang tanga yung sarili mo.. " naawang sabi ni Miko nito. Napatayo si Sam sa inuupuan niya at tumingin ito kay miko at nagsimulang pumatak ang mga luha nang dalaga.
" Oo miko, ang tanga ko. ang tanga tanga ko.. kasi umaasa akong babalikan niya ako.. kasi ang assuming ko na mahal niya pa ako.. kasi naniniwala ako na babalik siya dahil mahal niya ako.. kahit ang sakit sakit na naghihintay parin ako at umaasa na uuwi siya.. pero kahit na palagi akong nasasaktan? umaasa pa din ako... kase handa akong maging tanga... para sa taong mahal ko.. " At pinunasan ni Sam ang kanyang luha.
" Alam ko babalikan niya ako... kase alam ko, mahal niya pa ako.. " Yun ang huling sinabi ni sam kay miko at umalis na ito sa harap niya. Napayuko nalang si Miko at sinuntok suntok ang pader. Nagalit siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa para kay Sam. Para bumalik ang sam na masayahin. yung hindi nasasaktan..
~~~~~
ZIARA'S POV
Taas noo ako naglakad sa Opisina ko. Well, Pinapunta ko lang si Sam dito sa companya ko, sakto lang din kasi naghahanap ako ng bago na secretary, ayun. Fired nanaman yung bago ko ang tanga kase eh! puros cellphone yung inaatupag may iyak iyak effect pa kung nagaaway sila nang potang boyfriend niya. Ew!
Si sam yung kukunin ko na secretarya ko, Naghahanap din kase siya nang Trabaho dahil may pinagsamahan naman kami tutulungan ko siya. Tinulungan niya din naman ako noon, ngayon masusuklian ko na yun pero sana hindi siya mag bobobohan at tanga tangahan kase ayaw ko nun. Tsk
Wala namang nangyari kahapon, hindi ko napatay yung bruhang Martha na yun dahil nag out of town daw kasama si Jolo. Well, siguro naglalandian yung dalawa. Pina erase ko na din yung scandal video na kumakalat sa social media na ako daw yun ULOL! nalaman din naman nang inutusan ko na hindi ako yun dahil nalaman din na edited yung video. Gumagawa nanga ng kaguluhan yung gaga mabubunyag naman yung katotohanan. Boba talaga!Magugulat talaga siya sa paguwi niya. May pinost ako na siya yung kumalat sa video na yun at isang malaking HATER KO siya pinalabas ko na din na isang dancer siya sa club noon. Nakakahiya naman sa mga Cole, ngayon alam na nila yung totoong nakaraan ni Martha, yung Malanding at maduming Martha. Kung ako siya? magtatago nalang siya sa kahihiyan, siya itong una na manggugulo ngayon naman, ako yung manggugulo. Besides, Totoo naman yung kinalat ko.
Maraming ng comments ang tungkol sa pinost ko about kay Martha Cole. may ibang Cole na din ang nakakaalam tungkol nito, may mga questions sila sakin pero binalewala ko. may iba naman hindi naniniwala sakin baka lang daw sa galit ko naghihigante lang ako, OO maghihigante talaga ako. sa ginawa ba naman nila sakin? Bwesit talaga sila. Hinding hindi ko makakalimutan paano nila sinira at pinaikot ikot ang ulo ko. Tangina!
Basta sa ngayon? Masaya ako. dahil malapit ko na silang MASIRA.
Wawasakin ko sila gaya nang pagwasak nila sakin..
WASAK NA WASAK...
(evil laugh)
BINABASA MO ANG
MS. REVENGE (Short story)
Short StoryPaano kung ang dating mabait at simpleng babae ay tuluyan mabago? Ako si ZIARA BIANCA OLIVAR, at handa na akong maghiganti. (evil grin)