KABANTA 10

14 0 0
                                    

ZIARA'S POV

Dahil wala naman akong magawa bukas, bukas na ako makikipagkita kay Sam. Medjo excited akong makita siya. Nagtext siya kanina sakin at umo-o na ako. Boring din naman dito sa condo ko bukas. Sa isang mayaman at magandang babae na katulad ko ay dapat nagshoshopping at ineenjoy buhay mayaman.

Biglang tumunog ang cellphone ko habang nagmamaneho ako, Nyla calling...

  " Oh ano? " sagot ko.

" we need to talk.. "


" Pauwi na ako nyla, pwedi ne-- "

" hindi pwede. this is important Ziara! " pasigaw na niyang sabi


" what ever " at pinindot ko na yung end. Bumalik ako nang daan. bwesit! ano ba kasing meron? ano ba kasing paguusapan namin? Pagod na ako.


--


Nasa loob na ako nang resto ni nyla, halos ang mga customers at tao sa loob ay naka tingin sakin at yung iba nagbulong bulongan well, hindi ko nalang sila pinansin. tinanong ko sa isang receptionist niya kung saan siya nasa loob pa daw nang kitchen, Pinatawag ko nalang sakanya si Nyla at nagmamadali na siyang pumunta sa kitchen dahil galit akong nagutos sakanya.


eh sinong hindi magagalit dun no? yung pinapunta ka tapos wala pa pala dito busy pa dun sa mga ginagawa niyang iba sa kitchen. nakakabwesit lang talaga.


" Ziara! " bungad niya sakin. May halong galit na tono yung pagkasabi niya sa pangalan ko.


tinaasan ko lang siya nang kilay at bored akong nag cross arms.


" ano yung kumakalat about sayo ? " kunot noo niyang tanong sakin. anong kumalat? Naguguluhan ako sa tanong nya ah.


"Huh?like what? yung ganda ko? ay oo nga pala hindi na ako magugulat kung kumalat yung kagandahan ko. totoo nam-- " napatigil ako nang tinignan niya ako nang masama.



" What?? " halos mapasigaw kong sabihin iyon. Ano ba kasing problema nitong gagang to? Nagugulhan na talaga ako!



" Seryoso to zi-- "



" oo seryoso din ako sa sinasabi ko, dba totoo naman na maga-- "



" ziara! kumakalat na may scandal kayo ni Jolo! at ang masaklap pa ay nasa Social media na! " halos mapasigaw ni Nyla ang pagkasabi nya nun.


Nagulat ako sa sinabi niya, nalaglag ang panga ko. Tumingin ako sa palibot nang resto. Halos lahat nang tao ay nagbulong bulongan at tumitingin sakin, may iba naman parang nandidiri  nang tingin sakin. Kaya pala pagpasok ko ay naka tingin silang lahat sakin, wtf! this cant be happening.


Wala kaming scandal ni Jolo, Virgin pa ako. fresh pa ako. walang nangyari samin ni Jolo pero bakit may scandal kami? naguguluhang tumingin ako kay Nyla. Pati din siya parang naguguluhan.


" Wala kaming scandal. " Yun lang ang lumabas sa bibig ko.


" Pero ano yun? ano yung kumakalat na ngayon sa social media? "


" so mas naniniwala kasa mga kumakalat na scandal kesa sakin? The heck nyla! Kilala mo ako. Mas kilala mo ako kesa sa sarili ko, tapos wala kaman lang tiwala sakin kasi agad kang naniwala sa lecheng scandal na kumakalat ngayon sa social media? " galit kong sabi sakanya



" wala akong sinabi na hindi ako naniniwala sayo. alam ko ziara na wala kang nagawang masama at alam kong hindi ikaw yun. alam kong may sumisira lang sayo. Hindi ka ganun na babae, nagulat lang ako dahil nandun ang mukha mo sa video na yun. syempre nagalit ako atfirst kasi baka ikaw nga yun pero may nagsasabi sakin na hindi ikaw yun, may nagbubulong sakin na hindi ikaw at alam ko hindi nga ikaw yun. "



natahimik ako sa sinabi ni nyla. bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko, " naniniwala ako sayo.. "



" Alam ko sinong gumawa nito.. alam kong siya lang ang gumawa nito.. " galit kong sabi.


Tumayo ako at kinuha yung bag ko. Inirapan ko lang yung mga tao sa resto na hindi parin umaalis ang tingin sakin.


" Ziara san ka pupunta? " rinig kong sigaw ni Nyla pero hindi ko siya nilingon, patuloy lang akong naglakad hanggang nakalabas ako sa resto niya. May ibang taong tumititig sakin, may iba nagbulong bulongan pero inirapan ko lang silang lahat.


Taas noo parin akong naglakad. Alam ko siya lang ang maygawa nito sakin, Humanda talaga siya.




" anong sabi niya? hindi pa kami tapos? Pwes! Hindi pa talaga! " bulong ko sa sarili ko.






Makikita mo talaga ngayon ang isang





Ziara Bianca Olivar





humanda ka martha.. "

MS. REVENGE (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon