ZIARA'S POV
Papunta ako ngayon sa Companya sa fvcking ex ko. Sino pa ba? edi si Jolo Cole. May meeting kase kami ulit tungkol dun sa project na sinasabi niya. Pepermahan ko yung papels na AYOKO sa project niya. Matagal na din yun at tapos na sila sa project na yun, icoconfirm ko lang na hindi ako nagbigay nang malaking halaga para dun. Tsk.
Nang bumukas na ang elevator ay agad akong binati nang secretarya ni Jolo na nakahintay sakin sa tapat nang elevator tinignan ko lang siya ulo hanggang paa at nilagpasan ko lang siya at naglakad na papunta sa meeting room pero naramdaman ko parin na sumusunod yung secretarya ni Jolo.
" Good day maam. may i help you? "Nakangiting bati sakin nang secretarya niya habang hinahabol ako napahinto naman ako dahil naiirita na ako sa kakahabol nitong babaeng ito.
" Walang GOOD sa day ko at hindi mo na kailangan tulungan ako kase hindi ako bobo. " mataray kong sabi, napayuko nalang siya at nagpatuloy na akong maglakad papunta sa meeting room.
--
Pagpasok ko sa loob ay agad ko nakita ang galit na mukha ni Martha at Nakakunot noong mukha nang fvcking ex ko. Ngumiti ako sakanila, ngiting nakakaasar hahahaha
" WALANG HIYAA KAA! " sigaw niya, susugod sana sya sakin pero pinigilan siya ni Jolo.napatawa nalang ako sa reaskyon nya. mas nainis siya sa pagtawa ko.well, kasalanan niya naman lahat nang ito eh, sino ba ang nagsimula? sino yung punot dulo nito kung bakit ko ginagawa ang mga ito? hahahahaha
" patawa tawa kapa talaga? bwesit ka! " Susugod nanaman ulit sana sya nang pinigilan sya ulit ni Jolo, " TAMA NA MARTHA! " sigaw ni Jolo sakanya. lumaki naman ang mata niya pagkasigaw ni jolo. tumingin sakin si jolo na may halong galit sa mga mata niya.
" Ziara! bakit mo yun kinalat? bakit mo yun ginawa? " di niya mapaliwanag na sabi sakin.
Ngumiti ako bago nagsalita, " Mr. Cole, una sa lahat hindi ako ang nagsimula nang lahat ng ito, hindi ako una ang gumawa ng kalokohan, at higit sa lahat hindi ako ang gumagawa ng mga bagay bagay na hindi naman totoo. " Cool kong sabi na may ngiti sa labi na hinding hindi nila talaga malalampasan, " kundi yang putang inang malandi mong Asawa. "
" Try mo kayang tanongin sakanya kung anong kagagahan ang ginagawa niyang pangsisira sakin? Hindi kaba updated sa mga kalokohan nang asawa mo? Tsktsk. puro ka kasi trabaho eh, kaya ayon tuloy! napapabayaan mo ng mabaliw ang asawa mo sa kasisira sakin. " at nagsmirk ako. Nagugulohan ang expression nang mukha ni Jolo. para talagang wala siyang alam sa sinasabi ko, si Martha naman ay Galit na galit padin ang mukha niyang nakatingin sakin.
Tumingin si jolo kay martha na parang nagsasabing ' what is happening? ' Tumawa ako nang nakita ko ang expression nilang dalawa, " nangsisira ka na nga hindi pa totoo, tssss ang slow mo talaga. " sabay ngiti ko. Tumalikod na ako at lumabas sa meeting room. Pagkalabas ko ay may narinig ako agad na sigaw..
" HOY ZIARA!!! PESTE KA! MAMATAY KANA SANA! " Lumingon ako salikod, nakita kong pinipigilan siya ni Jolo kasi nagwawala na siya, galit na galit siya sakin. Nginitian ko lang siya na nangaasar, tsk tsk kahit kailan talaga scadalista ang babaeng yan. Kawawa naman si Jolo hahahahahahaa
" Hindi pa ako mamamatay Martha, dba sabi mo hindi pa tayo tapos? Hahahahaha, Hinding hindi pa talaga. Nagsisimula pa tayo, wag kang magmadali, aabot din tayo sa Ending. " Nakakaasar kong sabi. May mga ngiti sa labi ko nang tinalikuran ko na siya. Naririnig ko parin ang pagwawala niya.
Sorry Martha..
Pero mali ka yata nang kinakalaban ...
---
[A/N]
helloooo guys! sorry late ako mag UD pagod kase palagi galing school kaya minsan lang maka update huhu sana maintidihan niyo po.
Hihihi. any questions? comment lang po sa ibaba. Mwaaaaaaaa :***
bhiancaxoxo
BINABASA MO ANG
MS. REVENGE (Short story)
Short StoryPaano kung ang dating mabait at simpleng babae ay tuluyan mabago? Ako si ZIARA BIANCA OLIVAR, at handa na akong maghiganti. (evil grin)