KABANATA 17

6 0 0
                                    

ZIARA'S POV

Nasa resto ako ngayon ni Nyla, hindi ko alam anong gagawin ko. Apat na araw nalang ay dadating na si Daddy, ano ang sasabihin ko sakanya? wala pa akong new updates sa Companya. Sht! Kasalanan to lahat ng bruhang yun eh! Pero okay lang, basta nakapagganti naman ako sa sarili ko.


" So anong gagawin mo? " tanong ni Nyla.


" Hello? sa tingin mo alam ko anong gagawin ko? pupunta ba ako dito kung may alam ako? common sense nga! " rolling eyes kong sabi.


" Kung sasabihin mo nalang kaya ang totoo? I mean, sasabihin mo sakanya na may naninira sayo.. sabihin mo na m-- "


" Nagiisip kaba talaga? o sadyang boba kalang? Mas lalong magagalit si daddy sakin nyan, Alam mo naman yun mas naniniwala siya sa sinasabi ng iba. At mas lalong magagalit siya dahil kumalat pa iyon sa social media. "


" Eh baka nakita nya sa social media kaya uuwi sya? " sabi nya.



" Hindi, bago pa ito kumalat sa ibang bansa ay pinadelete ko na ito bago kumalat pa doon. "


Sht! Bakit ba kase wala na akong new updates sa companya ko? hindi naman sa nalulugi pero wala na akong bago pang updates galing sa iba kong  business partners, hindi na sila nagpaparamdam sakin at nagpapadala nang ibang papelis tungkol sa companya na ito. Tae! wag naman sana nilang sabihin na hihinto na sila at babawiin na nila yung kalahati nilang halaga sa companya ko, No way! hinding hindi ko talaga iibigay kahit idemanda pa nila ako. Wala akong pake.



SAM'S POV


pauwi na ako ngayon. Medjo pagod sa trabaho pero okay lang, ako kase lahat inutusan ni Ziara na permahan yung hindi naman kaimportanteng mga papelis. Ginawa ko naman dahil sabi niya may lakad muna sya.


" Oh Sam, ngayon kapa? ginabi ka ata ah! " Bungad sakin ni Kuya chris na nang pagpasok ko sa bahay. Nanonoud pa siya ng TV.


" Ah may ginawa lang po ako sa opisina, san po si Riley? " Tanong ko.



" Ayon, hindi pa din nakauwi. Kumain kana ba? "


Tumango lang ako, " akyat na muna po ako. " sabi ko, tumango lang si Kuya chris at umakyat na ako papunta sa kwarto ko. nang pagdating ko sa kwarto ko ay humiga ako agad sa Kama ko, ang sarap sa feeling na nakauwi kana. kanina pa ako gusto ng humiga. Pero napabangon ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.


Miko<3 Calling...



Hindi ko alam pero biglang nawala ang pagod sa aking katawan ng nakita ko ang pangalan nya. agad ko itong sinagot, namiss ko sya.

[ Boo? ]


" Booooo! "


[ Namiss kita. ]



" ako din. " naaiyak kong sabi.



[ okay lang yan boo ko magkikita din tayo soon. ]

" Alam ko, wag kang magaalala uuwi ako jan next month. okay? Mahal na mahal kita boo. "  unting unti tumulo ang mga luha ko.



[ Boo, kung uuwi ka sana hindi ka magagalit ah? sana kung mawala man ako sa buhay mo ako parin ang boo na mahal mo.. ] malungot nyang sabi.



" Ano kaba! bakit? iiwan mo na ba ako? kainis ka naman eh! " umiyak na nga ako. Tsk, ano ba kase ang pinagsasabi niya?




[ Shhhhh, hinding hindi ako mawawala okay? Taha na! sorry boo. mahal na mahal kita lagi mo yang tatandaan.. ]



" Mahal na mahal din kita boo. walang iwanan okay? "



[opo.. ---]


*toot toot toot*



Biglang na off yung cellphone ko. Punyeta naman oh! Battery low na ako. Okay lang yun, atleast nakausap ko siya. Pinunsan ko yung luha ko at kinuha ko yung powerbank ko para icharge yung cellphone ko. Pumunta ako sa bathroom at nag shower.



Pagkatapos kong magshower ay inopen ko yung Laptop ko, May one message akong natanggap galing sa skype.




From: Sysymonss

Sorry...



Biglang uminit ang ulo ko sa nabasa ko. Hindi ba talaga sya nahihiya? Hindi na nga sya nahihiya magpakita ulit sakin tapos ganun lang? Magchachat pa siya na Sorry? Bakit? Sa sorry ba ay mawawala lahat ng sakit at galit dito sa puso ko? Bakit? Sa sorry ba ay nabubura lahat ng kasalanan niya sakin? Ang kapal talaga ng mukha nya!




Hindi ko sya nireplyan, inoff ko na yung laptop ko at humiga sa Kama ko. Kahit kailan hinding hindi ko siya mapapatawad...




KAHIT KAILAN....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MS. REVENGE (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon