Chapter 1

49 5 1
                                    

John Arcadia Frost POV

"Arc, gising.."

"Ugghh.. ano ba.. natutulog yung tao e." Sabi ko habang unti-unting tumatayo.

"Tanga, hindi ka natulog. Nawalan ka ng malay." Pagdilat ko. Si Rika agad ang nakita ko habang tumitingin-tingin sa paligid. Kaya ayun din ang ginawa ko.

Gubat? Teka? Nasaan kami.

"Nasaan tayo?" Tanong ko at umupo. Nakita ko naman si Austin at Kazumi na wala ring malay.

"Hindi ko alam. Pero as far as I can remember. Pinarusahan tayong linisin yung library, then pumasok si Kaz sa isang part ng library na hindin natin pwedeng pasukin. Na-lock tayo dun then nakakita tayo ng book at tapos ay--" tumingin naman siya sa akin.

"Tapos nandito na tayo dahil sa liwanag na nanggaling dun sa libro!" Unti-unti naman akong tumango ng maalala ko yung mga sinabi niya.

"Ackkk.. Rika? John?" Napatingin nama kami kay Kazumi na unti-unting umuupo galing pagkakahiga habang hawak ang ulo niya.

"Kaz, buti gising ka na.." lumapit naman si Rika kay Kazumi at tinulungan ito. Iniikot ko naman ang paningin ko sa paligid. Nasa gitna kami ng gubat. Lumubog na ang araw pero maliwanag pa rin dahil sa mga alitaptap na nasa paligid. Ngayon ko lang napansin pero..

"Ang ganda.." sabi ni Kazumi habang naglalakad at tinitignan ang mga alitaptap na nagsisilbing ilaw namin.

"Pero teka? Nasaan tayo? Diba nasa Library tayo kanina?" Tanong ni Kazumi. Bumuntong hininga naman si Rika.

"Hindi rin namin alam." Huminto naman si Rika at huminga ng malalim.

"Pero kahit ganoon ay kailangan nating umalis dito. Kahit walang umatake sa atin kanina ay gubat pa rin to. Kaya maraming---" napatakip naman kami ng tainga ng may malakas na tunog kaming narinig.

"A-ano yun?" Tanong ni Kazumi.

"Parang oso yun ah." Nagkatinginan naman kaming tatlo.

"AUSTIN!" Sigaw naming tatlo at sinipa siya.

"Aray naman!" Sigaw niya sa sakit at agad napaupo ng diretso.

"RAAAWWRRRRRR!!!" Lumabas naman ang isang malaking oso.

"TAKBO!" Sigaw ni Austin at tumakbo. Tinignan ko naman si Rika na nakatingin kay Kazumi na kasunod na tumakbo ni Austin.

"Tara na!" Sigaw ko at tumakbo. Ganun din naman ang ginawa niya at sumunod sa akin.

Habang tumatakbo, rinig na rinig namin ang pagkasira ng mga puno. Siguro narin dahil sa nasasagasaan ito ng oso.

"Shit! Ano bang nangyari?" Tanong ni Austin habang tumatakbo.

"Aba malay ba namin? Pare-parehas lang naman tayong walang alam!" Sigaw ni Kazumi. Lumingon naman ako para makita yung oso. Pero wrong choice. Nakakatakot. Ang laki nung oso. As ing malaki talaga na kaya niyang sirain yung limang puno ng walang kahirap-hirap.

"Tang'na. Napapagod na ako." Sabi ni Rika habang nakasuporta sa salamin niya para hindi matanggal.

"Guys! Tignan niyo 'yun oh!" Sigaw ni Kazumi. Napatingin naman kami sa malayo at may nakita kaming liwanag.

"Baka tao 'yun! Baka matulungan nila tayo!" Sabi ni Kazumi.

Tinignan naman namin ito at habang tumatagal nakikita namin ito ng tuluyan. Lalaking nakasakay sa kabayo.

"Tuloonngg!!" Sigaw namin. Napatingin naman ito sa amin at sa likod namin. Mabilis naman itong bumaba sa kabayo niya.

"Tulong po! Hinahabol kami ng oso!"

"Nakikita ko nga ija. Saglit at humanap kayo ng lugar na mapagtataguan." Sabi niya sa amin. Napatingin naman ako sa kanya. Ganda ng get up ah? Black robe?

"Salamat po!"

Naghiwa-hiwalay naman kami at humanap ng lugar na mapagtataguan. Si Kazumi at Rika ang magkasama sa likod ng isang puno at kasama ko naman si Austin.

"Pre, tignan mo..." sumilip naman kami at tinignan yung lalaki. May kinuha naman siya sa loob ng robe niya at..

"Woah.."

Sa isang iglap lang ay napatumba niya yung oso.

Nagtinginan naman kaming apat.

"Napasok ba tayo sa libro?" Tanong ko.

"Si-siguro?" Sagot ni Kazumi.

"Pfftt.. Imposible!" Sabi ni Austin at humawak sa balikat ko.

"Pero malay natin diba? After all yung libro na yun ang huli nating nakita." Pero kung napasok nga kami sa libro? Bakit?

"Okay lang ba kayo mga ijo at ija?" Tanong ng lalaki.

"Opo.." sabay-sabay naming sagot.

"Pero yung oso po, paano niyo agad napatumba?" Tanong ko. Kung hindi ako ng kakamali,May kinuha siya sa robe niya tapos may lumiwanag.

"Kayo.. hindi kayo nagmula dito. Tama ba?" Tanong niya. Nagsitahimikan naman kami.

"Duh? Obvious ba?" Pagbasag ni Rika sa katahimikan.

"Ano?" Kunot na tanong nung lalaki.

"Ang ibig kong sabihin ay, oo tama ka. Hindi kami galing dito." Sabi niya tapos ay may kinuha siya sa likod niya.

"Napunta kami dito dahil sa lugar na 'to. Matapos naming magbanggit ng ilang kataga. At matapos makita ang ginawa mo. Masasabi kong hindi kami napasok sa libro at hindi kami nasa karaniwang lugar. " mahabang sabi ni Rika habang binubuklat yung libro. Hindi naman namin makita yung reaction nung lalaki kasi nga madilim dagdag mo pa yung robe niya.

Malakas namang sinara ni Rika yung libro.

"Magic ang ginawa mo diba? Bumanggit ka ng spell kanina. And assuming na ikaw ang una naming nakita dito sa gubat na mukhang hindi papasukin ng basta-bastang tao ay naramdaman mo ang presensya nitong libro. Sabihin mo nga? May kinalaman ka ba kung bakit kami napunta dito sa mundo niyo?" Napatingin naman ako sa kanya. Sinasabi niya ba na nasa iba kaming mundo? At anong magic?

Natigil naman kami sa pagtatanong sa mga sarili namin ng biglang tumawa yung lalaki habang tinatanggal ang hood niya.

"Magaling ija. Halos lahat sa sinabi mo ay tama." Sabi niya at iniayos ang sarili niya.

"Tss." Umirap naman si Rika at nagcross arm.

"Unang una sa lahat, hindi kayo nasa pangmaraniwang lugar o mas magandang sabihin na nasa ibang mundo kayo. Mundo ito kung saan ang mga tao ay gumagamit ng mahika sa pang-araw araw na buhay. Pangalawa, dinala kayo ng libro dito at wala akong kinalaman dito. Sa katunayan ay pumunta lang ako dito dahil tulad ng sinabi mo, dahil sa presensya ng libro na iyan. At tama ka rin. Hindi basta-basta papasukin ng pangkaraniwang tao ang lugar na ito, dahil sa mababangis na hayop." Paliwanag niya habang kinukuha ang kabayo niya.

"Sa ngayon, bilang dayo sa mundong ito at bilang ang unang taga-etherion na nakakita sa inyo. Ay dadalhin ko kayo sa ligtas na lugar." Sabi niya sa amin ng makasakay siya.

"At saan naman 'yun?" Tanong ko.

"Sa Etherious Academy."

-----

4 no DensetsuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon