Kazumi's Point of View
Unti-unti ko namang binuksan ang mata ko.
"Nasaan---" tinignan ko naman ang paligid ko. Teka.. nasaan ba ako? pagkakaalala ko nasa office kami ni Mr.Canary. Bigla namang may lumabas na hologram ni Mr.Canary sa tapat ko.
"Maligayang pagdating sa Silid ng Salamin." Nakangiting sabi niya sa aking.
"H-huh?" Silid ng ano daw? Salamin? Silid ng Salamin?
"Dito malalaman kung maaari ba kayong makapasok sa Etherious Academy."
Bigla naman nawala yung hologram at may mga salamin ang pumalibot sa akin. Pa-ikot-ikot ito sa akin ng dahan-dahan. Kita ko bawat repleksyon ko sa mga ito.Na parang hinuhusgahan ako. Pinapakita na kung ano ako. Buong pagkatao ko,pakiramdam ko nakikita ko sa mga salamin.
Huminto naman ito sa pag-ikot at unti-unting nawala. Agad naman akong nanghina. Hindi ko alam. Parang napaka-hopeless ko bigla? Siguro kasi dahil sa mga naisip ko. Yung mga imperfections at flaws ko. Naisip ko lahat yun habang tinitignan ko ang mga repleksyon ko sa salamin.
"Ngayon,pumasok kayo sa pintuan na una niyong makikita." Ini-angat ko naman ang ulo ko at isang kulay asul na pintuan ang nakita ko.
Unti-unti naman akong tumayo at ngayon ko lang napansin na nasa isang hallway na pala ako na puro pinto. Kahit saan ako tumingin puro pinto ang nandito. Magkakaiba ng kulay at ng laki. Pero sabi unang pinto na makikita ko. So itong blue?
Marahan ko namang hinawakan ang door knob at pinihit ito.
"uhh.. hello?" Sabi ko ng mabuksan ko ito. Pag-pasok ko ay may narinig akong pamilyar na boses.
"T-teka lang..p-pag-usapan naman natin 'to--"
M-mama? Tinignan ko naman si Mama habang pinipigilan niya sa pag-alis...si P-papa?
"Ayoko na. Hindi na kita--"tinakpan ko naman agad ang tenga ko. Hindi..Hindi.. Alam ko 'to. Katulad lang 'to ng dati. Papa..Please..
"Papa..." Bigkas ko pero tila walang boses na lumalabas sa bibig ko. Teka lang. Wag kang umalis Papa. Wag mo kaming iwan..wag mo akong iwan..ulit..
************************
Austin's Point of View
"hahahaha oo nga! Grabe kaya yun!"
Tinignan ko naman silang tatlo. Nagising ako sa sobrang ingay nila. Mga hapon na din. Pagkaa-alala ko talaga kanina may sinabi si Detroit tungol sa test. Pero wala naman siya dito.May pinuntahan daw sabi nitong tatlo.
"oy ano bang pinag-uusapan niyo?"Sabi ko sa kanila pero tinignan lang ako ng blanko ni Rika habang si Kaz naman ay tumatawa parin. Si Arc naman ay may hawak lang na inumin na parang hindi niya ako na rinig.
"Bakit nanaman apat mata?" Pang-aasar ko.
"Hindi dapat nakikisali ang isang tulad mo sa amin." Sabi niya sa akin at bumalik sa pag-uusap nila. Ano daw?
" maka " isang katulad mo" naman ikaw. Kala mo naman ibang tao ako sa inyo Hahahah! Diba no p're?" Sabi ko kay Arc at tinapik ang balikat niya. Tinignan naman niya ako tapos ay ang kamay ko.
"Sino ka ba sa buhay ko?" Sabi niya matapos tanggalin ang kamay ko sa balikat niya. Pinagtitripan nanaman ako ng mga 'to. Si Arc siguro may pakana nito. Kupal talaga 'tong tao na 'to e.
"Ako lang naman yung pogi mong kaibigan HAHAHA--" Tinignan naman nila ako na parang ako na yung pinaka nakakadiring taong nakita nila. Ano bang problema ng--
"Kaibigan ka namin?" H-huh? Ano daw?
"Hahaha A-anong sinabi mo Kaz---"
"Hindi ka namin kaibigan." Hindi ko alam kung anong nangyari pero biglang unti-unti na silang nawala sa kawalan,sa dilim,kinukuha sila ng dilim.
Mag-isa na lang ako sa madilim na lugar..
*****************************
John Arcadia's Point of View
"Pre ano bang problema mo?" Tinignan ko naman si Austin. Umiling lang ako at yumuko.
"Okay ka lang ba?" Tanong naman ni Kazumi. Hindi ko siya pinansin.
"Alam mo, kung gusto mo mapag-isa o ayaw mo na kaming kasama. Sabihin mo lang. Hindi yung papahabulin mo pa kami sayo." Hindi ko pinansin yung sinabi ni Rika.
Gusto kong gumalaw. Mag-react. Mag-salita. Pero hindi ko magawa. Ano bang nangyayari? Kanina lang parang kakapasok ko lang dito sa kwarto na 'to. Tapos ganto na bigla? Ano bang nangyayari.
"Ganun ba 'yun pre? Gusto mong mapag-isa?" Tanong ni Austin. Pero hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ko man lang magawang gumalaw. Para na akong napako sa pwesto ko. Paralisdo. Manhid.
"Ah..haha..sige. kung gusto mong mag-isa.. aalis na kami.." sabi naman ni Kazumi. Narinig ko naman ang bawat yabag nila. Papuntang pintuan. Pagbukas ng pintuan at ang pag-alis nila. Pero kahit ganun. Kahit alam kong dapat nalulungkot ako. Hindi ko magawa. Wala na akong nararamdaman.
*************
Rika's Point of View
Tinignan ko naman yung tatlo habang nasa loob sila ng salamin. Umiiyak. Blanko. Tahimik. Takot.
"Sa loob ng Silid ng Salamin. Makikita mo ang sarili mong repleksyon. Hindi lang panlabas mong anyo kundi buong pagkatao mo makikita. Kahit ang mga tinatago mong kahinaan o takot. Na gagamitin ng salamin para subukin ka." Paliwanag ni Canary habang nakatingin sa tatlo. Ako ang unang naka-labas. Kailangan may marealize ka lang sa loob ng salamin. Na makakapag-balik sayo papuntang realidad mula sa ilusyon na mga nakikita mo. Na ikaw rin mismo ang gumawa gamit ang repleksyon ng salamin.
"That room is scary. Because you can see your monster inside." Sabi ko at humigop ng kape.
Kahit papaano, alam kong kaya nila yan.
"Ms. Visscher, anong nakita mo sa loob ng salamin?" Tanong niya.
"Wala." Kumunot naman ang noo niya.
"Wala akong sasabihin sayo kasi hindi kita pinagkakatiwalaan." Sabi ko at tinignan siya. Hindi ko alam pero parang nagsinungaling siya sa sagot niya kanina. Pero ramdam ko rin naman na hindi siya magsisinungaling. Naguguluhan ako kaya hindi ko siya kayang pagkatiwalaan kahit tinutulungan niya kami.
"Ganun mo ba ako kinakamuhian?" Tanong niya. Inilapag ko naman ang tasa na hawak ko.
"I don't hate you. I just don't trust you." Seryoso kong saad. Bigla namang nagliwanag sa parte ni Arc. Ibig sabihin ay naka-kawala na siya sa ilusyon.At kita ko sa dalawa na makakawala na rin sila.
"Masaya na ako sa ganun." Sabi ni Canary ng makatayo siya upang salubungin si Arc. Anong ibig sabihin nun?
--------------------------
NOTE! yessss! Naka-pagupdate diiin! Whoot! Whoot! Imma so proud! SALAMAT dun sa moral support ng co-author ko na si John_frost. Wengya kalamo reader na lang siya e. De jk nagssuggest naman yan. Si itsmekathyya okay lang naman kasi busy siya huehue (favoritism be like)Anddd yess! Nagpalit po kami ng cover at ng characters huehue. You can see the pictures in multimedia. Tho hindi buo kasi kuripot sa space si picsart.
Credits to the resources we used to create the potrayers of the character. We don't anything except our very own creativity.
And lastly! Don't forget to leave a vote and comment!
BINABASA MO ANG
4 no Densetsu
FantasíaFour students who discovered a portal going to a mystical world where anything happens.