John Arcadia's Point of View
Nagpatuloy ang mga araw na hindi ko kasama ang mga kaibigan ko. Pagnagkakasalubong kami ay hindi na nila ako nilalapitan upang kamustahin o batiin man lang ako. Alam kong dapat kahit paaano ay masakit iyon pero wala. I choose to isolate myself.
"Lagi lang siyang mag-isa 'noh?"
"Pano tinaboy niya kasi yung mga kaibigan niya."
"Siya rin ang may gusto niyan"
"Tignan mo nga, naririnig tayo niya pero walang reaksyon"
"Parang statwa"
"Yelo"
"Manhid."
By now I should be pissed off what on they're saying but I'm totally fine. Like being a cold hearted person is totally fine with me.
Tinalikuran ko ang mga kaibigan ko. Tinalikuran ko ang sarili ko. Nakakatakot talaga.. yung wala kang maramdaman. Yung magiging manhid ka na lang.
Naramdaman ko namang may gumulong sa paa ko.
"Ah.. john, sorry." Kinuha ko naman ang bola na gumulong sa paa ko at tinignan silang tatlo.
Hindi. Kung itong bola nga naramdaman ko. Ibig sabihin may pag-asa pa ako. Hindi pa ako tunay na manhid.
"Pasa mo na sa amin pre." Sabi ni Austin.
"Sali ka na rin." Sabi naman ni Rika.
Unti-unti ko namang naramdamn ang sarili kong ngumingiti. Naalala ko na. This is just a test.
"Sige!" And as soon as I realized that. I find myself shining in a middle of a room.
"Binabati kita. Nagtagumpay ka."
Mahina naman akong napatawa. Test nga lang yung lahat na 'yun. Akala ko talaga nangyayari yun. Napakakapanipaniwala kasi.
"Kape?" Nakita ko namang naka-upo sa isang sofa si Rika.
"Nauna ka?" Tanong ko at umupo sa couch at isinandal ang likod ko. Hindi ko alam bakit pero medyo pagod ako.
"Obvious naman diba?" Sabi niya at uminom ng kape. Pilosopo talaga.
"Gusto mo bang i-explain ko yung nangyari sa loob?" Tanong niya habang naka-tingin sa isang kwarto na nagliliwanag. Si Austin siguro,nakakawala na siya dun sa ilusyon.
"Nah. Mamaya na lang pagkumpleto na tayo atsaka matutulog ako." Tango lang ang nakita kong sagot niya bago ko isara ang mata ko upang matulog.
***************
Austin's POV
Tinignan ko ang paligid ko. Nagbago ulit ito. Nasa gitna na ako ng maraming tao. Karamihan sa kanila ay ang mga taong pinahahalagahan ko.
"Hahahaha oo nga e!"
"Truely!"
"Grabe naman kayo!"
Nasa gitna ako ng mga tao pero dinadaan daanan lang nila ako. Na parang hindi nila ako nakikita.
"Talaga? May bagong update na? Hindi ko pa nabasa!" Sinundan ko naman ng tingin ang nagsalita. Si Kazumi yun . Nasa harapan ko siya at naglalakad patungo sa direksyon ko, kasama niya rin si Rika.
"Oo. Nakakatuwa nga yung--oh ayan pala siya e." Nakangiting tumingin naman sila sa direksyon ko.
Napangiti naman ako. Tama. Hindi na ako naalala ng mga magulang o kapatid ko at mga kaibigan kong iba. Pero nandito pa rin sila. Hindi pa rin ako mag-isa.

BINABASA MO ANG
4 no Densetsu
FantasyFour students who discovered a portal going to a mystical world where anything happens.