Kazumi Delevigne Point of View
Tahimik lang kaming sumunod sa lalaking tumulong sa amin ng biglang may itinanong si Austin.
"Nga pala. Ano pa lang panglan mo? Sino ka? Mamaya, sunod kami ng sunod sayo masama ka palang tao." Tinignan naman namin yung lalaki. Kasi tumigil rin siya ng tumigil kami.
"Wag kayong mag-alala. Wala akong planong masama para sa inyo. At isa pa, dapat kanina ko pa ginawa at hindi ko na dapat kayo sinasamahan papuntang--" natigil naman siya ng sumingit si Rika.
"Oo na oo na. Sabihin mo na lang pangalan mo. Parang tanga, ang daming satsat." Inis na saad ni Rika. Gutom na ata kaya ganyan. Natawa naman yung lalaki at nagpatuloy sa paglakad kaya ganun din kami.
"Dretroit Canary. Pwede niyo akong tawagin sa kahit anong gusto niyo." Sabi niya
Sosyalin naman pala ee! Sabagay pogi naman sya e.
"Ayun na yung labasan sa gubat, tara." Sabi ni Mr.Canary. Mabilis naman kaming naglakad sa labasan at..
"Woah!"
I can't help not to be awed by the sight.
"Ang ganda! School lang ba talaga 'to?" Tanong ko. Dumating naman si Mr.Canary.
"Hindi lang siya basta-bastang iskwelahan. Sa Etherious Academy kasi, kinakailangan ng mga estudyanteng manirahan dito. Kaya naman may mga dormitoryo kaming ginawa at mga pamilihan para sa pangangailangan ng mga estudyante." Paliwanag niya. Kaya naman pala. Pero malaki pa rin 'to para sa isang Academy.
"Tara na, malamang ay marami kayong gustong itanong." Sabi ni Mr.Canary kaya sinundan namin siya papuntang Etherious Academy.
*********
"Ma-upo kayo." Mabilis naman kaming nagsi-upuan. Grabe nakakapagod 'yun ah! Bago kami pumunta dito ay inikot-ikot niya muna kami dito sa Academy, at napaka-lawak ng lugar na 'to!
"Nauuhaw na ako.." Sabi ni Austin.
"Nagugutom na rin ako." Kailangan ko na ng pagkain.
"Inaantok ako.. pwede bang matulog?" Tanong ni John at bahagyang iniunat ang braso niya.
"Tsk. Manahimik nga muna kayo. Pare-parehas lang tayo nauuhaw,nagugutom at inaantok. Sino ba namang hindi diba? Nakakapagod kayang maglakad. To think na yung pagkawala lang natin ng malay yung pahinga natin!" Bulyaw ni Rika sa amin.
"Kalma! Beastmode ka na niyan?" Natatawang saad ni Austin.
"Lul." Masamamang titig naman ang binigay ni Rika kay Mr.Canary matapos niyang batukan si Austin.
"At ikaw, magsimula ka nang magsalita. Pagkatapos mong magsalita, siyaka kami mag-tatanong." Sabi ni Rika. Tinignan naman siya ni Mr.Canary at bumumtong hininga.
"Katulad nga ng sinabi ko kanina, napadpad kayo sa mundong ito na tinatawag na Etherious sa pamamagitan ng librong hawak niyo, ang Etherious Portious. Dinala ko kayo dito sa Academy, kung saan lahat ng mga taong pinagkalooban ng kapangyarihan ay tinuturuan kung paano ito gamitin ng wasto." Tumigil naman siya ng magtaas si John ng kamay.
"So? Paano kami makakabalik sa mundo namin?" Tanong ni John. Oo nga 'noh?
"Sheeeet! Anong oras na?" Tinignan ko naman ang relos ko.
8 pm na? Omaygosh! Malilintikan ako kay Mama nito!"Mr.Canary! Kailangan na po naming umuwi! Paano po kami makaka-uwi?" Tanong ko. Dapat pala kanina pa namin tinanong! Grabe naman kasi! Napaka-impossible kasi ng mga nangyayari! To the point na maiisip kong panaginip 'to. Pero hindi siya panaginip!!
"I am afraid na hindi na 'yon posible, ija." Huh? Ano daw?
"Huh? Teka hahanapin na kami ng mga magulang namin pag--" natigil naman si Austin ng magsalita ulit si Mr.Canary
"Wala ng maghahanap sa inyo sa mundong pinagmulan niyo." Sabi niya.
"Huh? Niloloko mo ba kami? Bakit naman wala. May mga magulang kami na mag-aalala sa amin." Tama si John. Kahit anong mangyari, magr-react at magr-react ang mga magulang namin pagwala kami.
"Simula ng mapapadpad kayo dito. Ang existance niyo sa kabilang mundo... ay wala na. At kahit maalala pa nila kayo, hindi na kayo makakabalik. Kasi walang portal ang makakapagpabalik pa sa inyo sa kinalakihan niyong mundo." Hindi ko alam pero parang mas dumoble yung pagod na nadarama ko kanina pa. Seryoso ba 'to?
"So? Pwede bang dito na kami? Tutal ikaw ang unang nakakita sa amin. Bear the resposibility. Nakikita ko naman na mataas ang estado mo dito at kayang-kaya mo kaming apat na ipasok sa academia na to." Sabi ni Rika. Eh? Teka. Wait. Sandali.
"At bakit ko naman gagawin yun?" Nakangising tanong ni Mr.Canary.
"Co'z I said so." Matapang na saad ni Rika at nakipag- eye to eye kay Mr.Canary.
"Kung ganoon ay sige, ako ng bahala." Wait? Seryoso?
Kumuha naman si Mr.Canary ng susi sa drawer ng desk niya.
"Sa ngayon ay magpahinga na kayo. Bukas ko na kayo papaliwanagan pa. Sa ngayon kasi ay parang may papatay sa akin pagpinagpatuloy ko pa ang paguusap na ito." Sabi ni Mr.Canary at tinignan si Rika na nakacross arm na at nagtatapik ng sapatos.
"Ito, susi niyo. Sa West wing ang dorm ng lalaki at sa East wing naman ang dorm ng babae." Binigay naman sa akin ni Mr.Canary yung susi na isa at yung isa naman ay kay John.
"Pumunta na lang kayo dito bukas." Nauna namang lumabas si Rika kaya sumunod na lang kaming apat. Wala 'to. Gutom na gutom na. Sabagay ako rin naman.
*******
Rika Miles Visscher Point of View
Bwiset! Naiinis ako! Nagugutom ako! Inaantok! Gusto ko ng matulog! Ansakit pa ng paa ko. Bwiset yung Canary na yun! Ipambubukas ko siya ng lata makita niya lang! Argh!
"Beastmode." Rinig kong sabi ni Austin.
"Hahaha marinig ka niyan, batok abot mo." Si Arc naman.
"Huy. Wag niyo na inisin." Si Kaz naman.
Itong mga 'to! Wala bang mas-care free sa mga kaibigan ko? Sabihin niyo nga! Oh well okay lang naman sa aking hindi umuwi, since nakalimutan naman na rin nila ako. Pero yung mga importanteng bagay ko nasa bahay! Maski charger ko! Ugh! The worst!
"Oh dito na yung daan papuntang west wing." Sabi ni John. Hindi ko sila pinansin at tumuloy lang papuntang East Wing.
Pero siguro may charger naman sila dito 'no? Kung titignang mabuti 'tong school na to. They are actually pretty techy. Hindi lang halata kasi madilim. Idagdag mo pa na may modern english dito. Si Pambukas nga ng lata (Canary) ay nakakaintindi ng Englisn e. Ah basta! Bukas ko na siya tatanungin. Halata namang may nalalaman pa siya sa nangyari ngayong araw, impossibleng yun lang.
"Rika, dito na yung room natin oh. Saan ka pupunta!?"
"Ahh shit." Lumagpas ako.
--------------------------
Note! Happy New Year Guys! Whoot! Btw collaborated story po 'to namin nila itsmekathyya, ako na si OhimeRika, at ang may ari ng account na ito na si John_Frost!
If you have spare time, please do check out itsmekathyya's stories and mine (Ohimerika) So that's all! Nagsimpleng plug lang ako

BINABASA MO ANG
4 no Densetsu
FantasiFour students who discovered a portal going to a mystical world where anything happens.