Prologue

96 4 2
                                    

3rd Person's Point of View

"Class, remember this formula. This will be.."


"Kailan ba matatapos 'tong Math? Wala na akong naiintindihan. Ang boring." Bagot na saad ni Austin Minoru habang nagd-drawing sa likod ng notebook niya.

"Kelan ba naging enjoy ang Math? Buti na lang talaga nakakabasa ako ng Manga dito." Saad naman ni Rika Miles Visscher habang patagong nagbabasa ng Manga sa kanyang cellphone.

"Sabagay, eto ngang katabi ko wagas makatulog.." pagtukoy ni Austin sa kaibigan niyang si John Frost na pasimpleng natutulog.

"Si Kaz petiks lang, nags-soundtrip." Tinignan naman niya ang kaibigan niyang si Kazumi Delevigne na akala mo'y nakikinig sa guro pero pasimple rin siyang hindi nakikinig dito dahil sa nakasapak sa tenga niya na earphone.

"Okay, kayong nasa dulo. Basahin niyo yung definition." Napatanga naman silang dalawa dahil sa hindi inaasahang pagtawag sa kanila ng guro.

"A-ahh.. ano sir." Kunwari namang alam ni Austin ang hinaganap niya sa libro. Habang si Rika naman ay pilit itinatago ang cellphone niya sa kanyang palda.

"Sinasabi ko na nga ba! Hindi kayo nakikinig na apat kayo! Lumabas kayo!" Walang kaalam-alam namang nagtanggal ng earphones si Kazumi dahil napansin niya ang pagsigaw ng guro.

"Ano daw?" Tanong ni Kazumi na ikinalingon ng mga kaklase nila. Lalo namang namula sa galit ang kanilang guro dahil sa tanong na ito.

"Kayong apat! Gusto kong makita kayo sa faculty bago mag-uwian. Sa ngayon, LUMABAS KAYO!"

"Ang ingay na--" Aangal sana si John sa sigaw ng kanilang guro. Pero agad din niya itong binawi ng makita niya ang galit nito.

"Kupal tara na nga." At hinila nila si John Frost na walang kamalay- malay din sa pangyayari.

Tamad na naglakad ang apat papuntang faculty.

"Sayang yung dinodrawing ko kanina. Bwisit na teacher yan" pag agal ni Austin

"Ikaw nga yang dinodrawing mo lang. E ako? Ang ganda na nung part na binabasa ko nabitin pa" sabi ni Rika habang nakatingin lamang sa manga na binabasa nya

"Pero on the other hand. Mas okay na rin pala. Mas makakapagbasa ako ng mas mahaba" natawa pa sya pagkasabi nya nun.

"Kayo wala kayong angal?" Tanong ni Austin sa dalawa pa nilang kasama.

Si John ay nagkibit balikat lang at tumingin silang tatlo kay Kazumi na nag mimini head bang pa.
Mukhang napansin nya iyon kaya tinanggal nya ang isang peice ng earphone

"Ano?" Tanong nya sa tatlo.

Napabuntong hininga lang si Austin at Rika at nagpatuloy na ulit sila sa paglalakad.

Makalipas ang ilang oras ay dumating ang teacher nila

"The four of you I'm very disa---" hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil napansin nya na ang kausap nya ay hindi nakikinig sa kanya

"THE FOUR OF YOU" napitlag ang tatlo na sila Austin Rika at John. Habang si Kazumi ay nagtanggal lang ng earphone at tumingin lang sa teacher na pulang pula na sa galit.

"Sa Library. Maglinis kayo dun" sigaw nitong muli sa kanilang apat.

Hinatid sila ng teacher nila sa Library at paulit ulit silang pinapagalitan tungkol sa hindi pakikinig ng apat. Ang tatlo lang ang nakikinig dahil si Kazumi ay ganun parin nakikinig sa earphone nya

"Etong part na to wag nyong papasukin. Kahit anong mangyare wag na wag nyong papasukin. Hala sige babalik ako at maglilinis na kayo" ng makaalis ang teacher nila ay naupo lang si Austin sa isang silya at nagdrawing na lang. Habang si Rika ay nagpatuloy sa binabasa nya na malapit ng matapos si John naman ay nanduon lamang sa isang tabi at pinapanood ang mga kasama nyang may iba ibang mundo. Nakuha ni Kazumi ang atensyon ni John. Dahil para itong walang pakialam na tumitingin tingin ng libro. Mas lalong nakuha ni Kazumi ang atensyon ni John ng tumigil ito sa tapat ng pinto kung saan sinabe ng teacher nila na huwag papasukin

"HUWAG" napasigaw si John kay Kazumi ng buksan ito ni Kazumi.

Nakuha ni John ang pansin ni Rika at Austin. Tatlo silang sumunod kay Kazumi na pumasok sa loob ng silid kung saan sila pinagbawalan pumasok.

Hinila ni Rika si Kazumi ng makapasok sila sa loob.
Hinaltak nito ang earphone sa tenga ni Kazumi kaya napukaw nya ang atensyon nito

"Ano?" Tanong ni Kazumi

"Bakit ka pumasok dto Kaz? Lalo tayong papagalitan e" naiinis na sabi ni Rika kay Kazumi

"Hindi ko alam. Sorry" sabi nito.

Napalingon silang apat ng biglang magsara ang pinto ng silid.

Sabay sabay silang napatakbo sa pintuan at pilit itong buksan. Pero hindi nila magawa

"Maybe we should find something here. Yung makakatulong para maibukas tong pinto" sabi ni Rika

"Tara" sabi ni Kazumi

Kanya kanyang ikot sila ng mapansin ni Rika ang isang libro.

Iba ito sa lahat ng librong nasa silid.
lahat ng libro sa silid na iyon ay puro luma na. Habang ang isang iyon ay parang bagong bago ngunit luma ang pagkakadisenyo

"Maghanap daw ng gagamitin pero libro ang tinitignan" pangaasar sa kanya ni Austin.

Lumapit ito kay Rika at nakuha din ang atensyon nya ng librong iyon

Para bang nahipnotismo silang dalawa ng librong iyon.

Hanggang sa napansin ni Kazumi na nakatingin lang ang dalawa nilang kasama sa libro.

"John" tamang lakas lang ang pagkakatawag nya

"Ano?" Naiinis na tanong ni John kay Kazumi dahil naistorbo sya nito sa paghahanap. Imwinestra nya ang dalawa nilang kasama

Kaya nilapitan nilang dalawa. Gaya ng naunang dalawa para nahipnotismo din sila ng nasabing libro.

Marahang hinaplos ni Kazumi ang libro

" Etherious portius" pagbasa ni Austin sa titolo ng librong hinaplos ni Kazumi.

Kusa itong nagbukas.

Nagliwanag ang librong ito at unti unting nagkaukit ng mga salita

" Conjuro te portal , Is qui ad te Etherion . Hic venit et accersi mea !" Sabay sabay nilang binigkas

Kasabay ng pagsara ng libro ay pagbukas ng isang liwanag na humatak sa kanila at dinala sila sa isang di pamilyar na lugar.

4 no DensetsuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon