Rika's Point of View
"Please...wake up. Hindi ikaw 'yan..."
"There's still hope, maniwala ka..."
"Kaya naman... hayaan mong tulungan ka namin------"
Napatingin naman ako sa bato na hawak ko at sa kanila. Yung mga nakita ko.... anong ibig sabihin nun? May masama bang mangyayari sa hinaharap?
"Uhmm.. John. 'wag mo masyadong isipin 'yun. B-baka hindi lang nascan ng maayos yung powers mo o kaya naman ano-- uhmm hindi pa nagigising? Diba 'noh, Austin?" Sabi ni Kaz kay Arc. Agad namang umakbay si Austin kay Arc habang naglalakad.
"Tama! Tama! Baka ganun nga! Sinabi rin ni sir yung possibility ng late bloomers diba? Kaya wag kanang ma'down dyan." Tinignan ko naman si Arc.
"Lumayo na kayo sa akin... habang may pagkakataon pa."
Napahigpit naman ang hawak ko sa bato. Sa pagkakataon na 'to. Sana. Sana mali ang nakita ko.
"Alam mo Arc," tumingin naman siya. Sa ngayon, titignan ko muna ang mga mangyayari. Kailangan ko rin dagdagan ang kaalaman, lalo't ngayong hindi pala Clairvoyance ang kapangyarihan ko kung hindi apoy.
"Hindi bagay sayong mag-drama. Lagi ka namang walang pake at natutulog lang diba? Kung gusto mong magkaroon ng kung ano 'yang kinadadrama mo, paghirapan mo. Work twice as much kumpara sa aming meron na. Kung gusto mo talaga." Sabi ko na lang at iniwan sila. Makapunta nga sa library ng lugar na 'to. Malamang sa malamang may mga malalaman ako doon.
************************************
Bumuntong hininga naman ako at tinignan ang paligid ko. Jusko! Bakit ba kasi nakalimutan kong hindi ko papala gamay ang lugar na 'to. Tsk. Dapat kasi humingi ako ng mapa 'don kay pambukas ng lata o kaya naman hinila ko si Kas, para kahit papaano hindi ako mag-isang naliligaw.
"Nasaan na ba ako? Anong lugar---" bigla naman akong napatigil.
"Tumingin ka nga si dinaraanan mo, Stultus!" Napatingin naman ako doon sa kabilang dako. May isang babae may brown na buhok ang nakasalampak sa sahig at mayroong nagkalat na mga libro sa palig niya. Tapos may babae namang blonde nakapamewang at may iritableng ekspresyon sa mukha niya. Cliche naman masyado.
"Hindi naman kita binangga. Ikaw 'tong humarang sa daan! Atsaka hindi ako stultus! baka ikaw 'yon!" Aba-aba palaban 'yung babae. Akala ko ba naman papaapi siya.
Tumingin naman ako sa paligid at nag-hanap ng mauupuan. Maka-upo nga muna at panoorin 'tong dalawang'to.
"Anong sabi mo?! Ikaw nga itong inops na nakapasok lang dahil pamilya mo!" Sabi nung blonde. Tumayo naman'yung brunette at tinulak pababa 'yung blonde.
"Bawiin mo 'yang sinabi mo! Hindi totoo 'yan!" Galit na sabi nung brunette habang sinasabunutan yung blonde. Sayang wala 'yung tatlo dito. Pustahan sana kami kung sino 'yung mananalo.
"Bakit? T-totoo naman talaga! Wala kang kapangyarihan pero nakapasok ka sa Etherious! Itong sayo!" Sinampal naman nung blonde 'yung brunette. Oh... Masakit 'yun.
Pero tama ba yung narinig ko? Wala siyang kapangyarihan pero nakapasok siya? Hindi ba sabi ni Canary the best 'tong school nila? Atsaka sigurado akong hindi rin basta-basta ang test niya.
" Binibining Bellini! " Napatingin naman ako sa sumisigaw. Ngayon naman isang lalaki na brunette din. Agad namang hinila nung lalaki yung babaeng brunette palayo 'dun sa blonde at agad tinignan yung brunette.

BINABASA MO ANG
4 no Densetsu
FantasiFour students who discovered a portal going to a mystical world where anything happens.