Chapter 3

37 2 1
                                    

Rika's Point of View

Maaga naman akong bumangon sa higaan ko. Dahil na rin sa bwiset na kumakatok sa pintuan.

"ANO?!" Sigaw ko habang nagkukusot ng mata.

"A-ah.. pinadadala po ni Sir Canary.." sabi nitong patpating bata at may iniabot na dalawang uniform. Kinuha ko naman ito at agad sinarhan siya ng pinto. Bwiset. Dahil lang dito naistorbo ako.

Pumunta naman ulit ako sa side ng kama ko at dun lang inihagis yung uniform na ibinigay sa akin kanina. Ang ikli naman ng palda? Gusto ba niyang makita kaluluwa namin dito? Wengya naman oh. Makaligo na nga.

"Psst. Kaz! Maliligo na ako. Bumangon ka na d'yan ah." Sabi ko habang naghahanap ng tuwalya dito sa aparador ng kwartong titirhan namin simula ngayon. Pambihira, sana naman may shampoo sila at conditioner dito. Maappreciate ko din kung may toothbrush na bago at toothpaste.

***

"Kazumi! Bumangon ka na dyan!" Sigaw ko sa kanya at hinagis yung unan ko. Nakaligo na ako, nagkapagsipilyo at nakapagbihis. Hindi pa rin siya gising. Oo nga naman o! Buti na lang at may toothbrush at toothpaste akong nakita

"Aray naman.." Sabi niya habang inaantok-antok pa.

"Kaz, paghindi ka pa bumangon dyan. Babatukan na kita. Isa!" Sigaw ko. Mukha namang nagising na siya at dali-daling tumayo.

Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. Nice, maganda na sana. Ang anime tignan. Kaso ang ikli naman! Bwisit!

Nadako naman ang tingin ko sa pinto ng may kumatok ulit.

"Ano?" Bungad ko pagkabukas ko ng pinto.

"Ang init naman ng ulo mo. Ang aga-aga." Sabi ni Austin.

"Psh. Ba't ka nandito? Si Arc nasaan?" Tanong ko na lang.

"Natutulog pa. Ayaw magpagising eh. Nagising naman ako ng maaga kaya nilibot ko 'tong buong academy. Mas maganda pala 'tong lugar na'to ngayong umaga na e." Kwento niya.

"And so? Pake ko. Gisingin mo na yun si Arc at pupuntahan natin si Canary." Sabi ko at sinarhan siya ng pinto. Narinig ko kasing bumukas yung pinto ng banyo. Baka makita pa ni Austin na nakatapis si Kaz, mahirap na.

"Sino yun?" Tanong ni Kaz habang nagpupunas ng buhok.

"Si Austin. Bilisan mo dyan. Gutom na ako." Sabi ko sa kanya at nagsapatos na.

*****

Austin Minoru Point of View

"Hoy Kupal! Gumising ka na!" Paggising ko kay kupal. Tang'na ayaw paawat sa pagtulog e.

"Hoy Arc! Gising!" Sigaw ko at hinila ang kumot niya.

"Ano ba! Istorbo." Sabi niya at pilit hinihila ang kumot.

"Tang'na. Gusto mo bang buhusan ka pa ng tubig ni Rika d'yan?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.

"Nandyan ba siya?" Tanong niya at tinitignan ang paligid.

"Wala." Sagot ko.

"Edi mamaya na--"

"Pero papunta na." Singit ko sa sasabihin niya. Babalik pa kasi siya sa pagtulog.

"Sabi ko nga tatayo na ako." Kupal talaga. Tatayo rin pala. Hinagis ko naman sa kanya yung susuutin niya.

"Uniform daw. Geh iikot muna ulit ako." Sabi ko sa kanya ng makapasok siyang banyo.

4 no DensetsuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon