Kazumi's Point of View
"Muli, binabati ko kayong lahat." Sa isang iglap ay napunta kami sa opisina ni Mr.Canary. I am still not getting used at this magical things. Ang cool, oo, pero nakakapanibago pa rin talaga.
" Ang unang parte ng pagsusulit niyo ay tapos na. Sinu-sukat nito ang inyong pag-iisip kung makakayanan niyo ba ang matinding mga bagay na inyong makakaharap. Sunod naman ay ang pinaka importante sa lahat. Susukatin natin kung anong mahika ang mayroon kayo." May pinindot naman na buton si Mr.Canary at mayroong babaeng pumasok na may tulak na karitilyang natatakpan ng tela. Yumuko naman saglit yung babae matapos maidala yung karitilya sa tabi ni Mr.Canary at siyaka umalis. Tinignan naman namin si Mr.Canary habang unti-unti niyang hinihila ang telang nakatakip dito. Apat na makikinang na bato ang nakalagay doon. Clear na clear ang mga bato at sobrang kinang.
" Simple lang ang proseso na 'to. Kailangan niyo lamang hawakan ang mga ito at matapos mag-liwanag ay siyaka natin malalaman kung anong mahika ang mayroon kayo at kung gaano ito kalakas." Paliwanag ni Mr.Canary at isa-isa kaming binigyan. Pero teka..
"Eh teka. Hindi ba't ang pointless nito? Eh kasi naman. Normal na mga estunyante lang kami." Ngumiti naman si Mr.Canary.
"Walang normal na estudyante ang makakabukas ng portal na inyong nabuksan." Huh? Ibig sabihin may magic kami?
"Malay mo, yung ninuno pala natin ay may dugong magician kaya ayun. Hayaan mo na ang minor details, Kaz! Haha! Tara simulan na to!" Carefree as always,Austin. Carefree as always. Pero fair point. Tinignan ko naman si John at Rika. Wala silang reaction or so. Tinitignan lang nila yung bato. Well I expect na it would be Rika who'll do the questioning, but I guess she gave up already.
"Sino ang gusto mauna?" nagtinginan naman kami. Well..
"Ako na lang po muna Mr.Canary" pagpiprisenta ko. Humudyat naman siya na lumapit.
"Ngayon, hawakan mo ito ng mahigpit at pilitin mong ituon ang isip mo dito." Sinimulan ko namang gawim ang sinabi ni Mr.Canary at kasabay non ay isang parang magic circle ang pinagigitnaan namin ang lumiwanag sa sahig.
Hindi ko ito inintindi at nagpatuloy sa pagffocus. I wonder what kind of magic will I get. Habang patuloy ako sa pagcconcentrate ay unti-unting lumiwanag ang bato hanggang sa..
"Maari ka ng tumigil." Unti-unti namang nawala ang magic circle at nagawa ko ng tignan ang bato.
"Wooow! Blue na blue ah!" Komento ni Austin. Oo nga. Asul ito, na para bang.. tubig.
"May roon kang kapangyarihan ng tubig. At base sa liwanag at kulay na ipinapakita dito. Mayroon kang malaking talento sa mahika ng tubig Kazumi." Napangiti naman ako. Wow! Seryoso?
"S-seryoso?" Ngumiti naman si Mr.Canary at tumango. Hindi ko naman maiwasang matuwa. Omaygod! I can't believe it! Water Magician ang peg ko! Bongga!
"Whaaaa! Water magician ako guys! Whoo!" Nakipag-apir naman ako sa kanila isa isa at muling tinignan ang bato na hawak ko. Ang galing talaga!
"Nice one! Ako naman Dretroit!" Sabi ni Austin at pumunta sa harap ni Mr.Canary.
"Rika! Shems! Parang dream cometrue para sa akin 'to! Ang galing!" Sabi ko kay Rika at niyakap siya. Ngumiti naman siya at yumakap lang pabalik. Anong meron? Bakit tahimik siya? Gutom nanaman kaya 'to?
"Auughhhhhhh!" Napatingin naman kami kay Austin. Sumisigaw kasi siya. Pero agad kaming napatakip ng mata dahil sa sobrang liwanag.
"Ihinto mo na Austin. Tama na 'yan." Rinig kong sabi ni Mr.Canary. Maya-maya, ng makumpirma nanamaning hindi na masyadong maliwanag ay muli kaming tumingin.
"Woooow! ANG COOL! Naging puti!"
Lumapit naman kami kay Austin at oo nga. Sobrang puti at napaka kinang nito. Tinignan naman namin si Mr.Canary upang malaman kung anong ibig sabihin pero nakatulala lang siya sa bato.
"Canary?" Sambit ni Rika. Natauhan namang muli si Mr.Canary at ngumiti.
"Light magic ang mayroon ka, Austin. Binabati kita. Kaunti lamang ang mayroon na ganyang kapangyarihan." Nakangiting sabi ni Mr.Canary.
"Okay. Ako naman--"
"Arc, ako muna." Tinignan ko naman si Rika. Sa ekspresyon niya. Parang may gusto siyang malaman.
Ginawa naman niya ang ginawa namin nung una at makalipas ng ilang minuto ay siya na mismo ang huminto.
"Pula.." rinig naming sambit ni Rika. Tinignan ko ito. Isa itong bilog na pula na may orange at yellow at puti sa gitna. Halo-halo?
"Kapangyarihan ng apoy. At hindi lang yan, tatlong uri ng apoy ay nasayo. Hindi tulad ng nauna, buong bato ay mayroong kulay. Pero sayo, nakabilog. Ibig sabihin ay nahasa mo na ito.." napatingin naman kami kay Rika. Ibig sabihin dati pa lang alam na niyang may magic siya?
"Nagkakamali ka. Ngayon ko lang.. ngayon ko pa lang nalaman na apoy ang kapangyarihan ko." Sabi ni Rika at tinignan ng masama si Mr.Canary.
"Ganun ba. Baka nagkakamali lang ako. Kung gayon, ikaw naman." Lumapit naman si John kay Mr.Canary habang si Rika ay umupo at tinignan ang bato na hawak niya.
Ano bang nangyayari kay Rika? Sobrang gutom na ba siya?
"Rika.. okay ka lang ba?" Tanong ko at tinapik siya sa balikat. Tumingala naman siya sa akin.
"Oo, Kaz. Gutom na gutom lang talaga ako." Sabi niya at ngumiti. Sabi na e.
Tinignan naman namin si John upang malaman ang sa kanya at hinintay ito pero..
"Teka. Sira ata tong bato na bigay mo sa akin e." Sabi ni John habang nagkakamot at tinitignan ng mabuti ang bato.
"Maari o kaya namay.." kinuha naman ni Mr.Canary ang bato. Maya-maya pa ay nagliwanag ito ng kulay puti at asul.
"Kung gumagana yan.. ibigsabihin.." tinignan naman namin si John. Base sa ekspresyon niya, malamang pare-parehas kami ng naiisip.
"Wala kang kapangyarihan." Sabi ni Mr.Canary at itinabi ang bato na hawak niya.
W-walang kapangyarihan si John? Pero impossible. Lahat kami may kapangyarihan atsaka... pero posibleng dahil magkakasama kami nung nangyari yun ay.. nadamay lang si John..
-------------------
NOTE! DYARAAAANN! UPDATE MADERPADEERRRSSZ! HAHAHAA hope you like it and would deeply appreciate the feedbacks minna! That's all! Ciao!
BINABASA MO ANG
4 no Densetsu
FantasiFour students who discovered a portal going to a mystical world where anything happens.