Two: Multo

261 11 8
                                    

HANSEL



        "Ma! Pa!" Isinigaw ko, si Ate hawak-hawak ang braso ko. "Wala naman sa usapan natin na pati ako aalis ng bahay natin diba?!"


        "Oras na para matuto ka na mabuhay sa sarili mo. College ka na this year, pareho kayo ng Ate mo ang nasa college na kaya mahihirapan tayo na pag-aralin kayong pareho. Lalo na ang bayaran ang ilaw at kuryente ng bahay na 'to." Isinagot ni Papa sa akin firmly. "Papaupahan ko 'tong bahay, ikaw naman sa apartment ng Tita Marie mo, hindi na babayaran ang kuryente at tubig."


        "Hindi. Hindi yan yung iniisip ninyo eh. Para sa inyo, hindi ako mapagkakatiwalaan sa bahay natin. Hanggang ngayon hindi niyo parin makalimutan na nagbago na ako. Na hindi na ako bulakbol."


        "Hansel..." nagbugtong hininga si Mama na kanina pang hindi makatingin sa akin, nakasiksik lang kay Papa na parang linta.


        "Nagbago na si Hansel." Sinabi ni Ate. "Alam ko 'yun."


        "Edi sige! Tama kayong dalawa. Hindi namin pinagkakatiwalaan yang leche mong kapatid."


        "Inamin niyo din! Sawakas!" Sinigaw ko, nilalabas ang lahat ng galit. "Ano nga naman ang nirereklamo ko?! Libreng tirahan, libre na lahat, at higit sa lahat, walang bunganga ng madrama kong pamilya. Matatahimik ako. Mag-isa!"









        "GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH—!!!!!"


        Nabingi na ata ako sa pagsigaw. Itinaas ko ang bote ng Mountain Dew at napagtanto na kaysa na maubusan ako ng boses sa pagsigaw ay naririndi ako, kasi hindi pala ako ang sumisigaw. "WAG POOO!!! Kuhanin niyo na po lahat ng gusto niyo dito wag lang ako at ang buhay ko!!"


        Halos mabitawan ko ang bote nang sinubukan ko itong iwasiwas. Isang babae na nakatwalya ang biglang bumagsak sa sahig at inipit ang sarili sa corner ng pasukan ng banyo. Tinatakpan niya ang sarili niya ng mga kamay habang sumisigaw, "Wag po please may pangarap pa po ako!! Sino ka bakit mo ako kailangan ganitohin?!"


        Nagulat ako syempre! Sino 'to?! Hindi siya multo! Ang pamilyar niyang boses... Siya yung kumakanta kanina!


        "Si—Sino ka! Anong ginagawa mo sa apartment ko?!" Tinutok ko sakanya ang bote. Hindi ko siya aatrasan kahit babae siya ano.


        Agad niyang binaba ang kamay niya. Hindi ko mabasa ang ekspersyon ng mukha niya, nor kilala siya, pero... Nakangiti siya. Ba-Bakit niya ako nginingitian...?? "Apartment mo?"

Hansel & Ingrid [JULNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon