Ten: Midnight Job

179 10 15
                                    

     Syempre, nag-alburuto ang nanay at tatay niya. Kaya nga siya nilipat doon ay para mapagdesisyunan niya ang kinabukasan niya, at hindi magtrabaho agad.


       'Nandyan ka para mag-isip isip kung sasama ka dito. Ilang beses ba namin kailangan sabihin sa'yo na mas magandang dumito ka na lang!' Sinigawan na siya ng tatay sa kabilang linya. 'Pero syempre ayaw mo. Sabi mo diyan ka maghahanap ng papasukan, may nagawa ka na bang makabuluhan, aba? Hindi ka pumasa sa UP, saan ka babagsak ngayon?'


       Hinayaan ni Hansel na pumutok ang ama, at nagpatuloy lang sa pagsigaw ang tatay niya. 'Sa totoo lang ang dating nito sa'kin may plano ka nang humiwalay sa'min! May sarili ka nang lugar, at nagpaplano ka pang magtrabaho ng full time! Trabaho! Gusto mo lang makaalis na talaga sa amin diba?'


       "Kayo ang nag-iisip niyan, hindi ako. Gusto ko lang makatulong dito at may magawa sa araw-araw. Buti nga't sinabi ko pa sa inyo para malaman niyo ang mga desisyon ko." Sa wakas ay sumagot na din si Hansel, kalmado dahil wala nang apekto ang mga sinasabi ng tatay niya sakanya, "And besides, kahit ano namang sabihin niyo, hindi niyo ako mapipigilan. Goodbye."


       Dumating ang kinabukasan at habang natutulog si Ingrid sa kaniyang kwarto ay nasa labas si Hansel, nakikipag-usap kay Tito Joey sa phone. Ala una ng hapon ay nagising si Ingrid sa amoy ng adobo, at kumain silang dalawa ng tanghalian na niluto ni Hansel. Tuwang-tuwa si Ingrid dito na napakanta siya, at walang nagawa si Hansel kundi magreklamo kanila Millany at Eric sa chat. Sa madaming message tungkol sa kung gaano kapabor sina Millany at Eric kay Ingrid, nagtatatalak si Hansel.


       Hansel Hernandez: kailangan niya ng mute button
       Hansel Hernandez:
halos siya na ang umubos ng adobo
       Hansel Hernandez:
UGH
       Millany Cruz:
Omg, Han!
       Millany Cruz:
Omg omg omg! Eric, nakikita mo ba ito!
       Eric Ty: bro!
       Hansel Hernandez: ano
       Eric Ty:
nag uppercase ka! ngayon ka lang nagcapslock after decades!
       Hansel Hernandez: ano ngayon
       Hansel Hernandez: nevermind


       Pagdating ng hapon, handa nang umalis si Ingrid papuntang Latteria Cafe, nang nakita niyang nakatayo sa pintuan si Hansel.


       "May lakad ka?" Tanong ni Ingrid na lumapit sakanya. "Lock mo na lang yung pinto ah? Mauuna na ako."


       Umiling si Hansel. "Papasok ako."


       "Papasok? Saan...?" Medyo naguluhan si Ingrid dahil sa pagkakaalam niya, hindi pa school days nor walang trabaho si Hansel.


       "Latteria."


       At parang nuclear bomb, the news dropped on Ingrid and caught her off guard. "ANO?" Sa sobrang gulat ni Ingrid ay napahiyaw ito, na syempre, ikinagalit ni Hansel. Hansel glared at her so hard she had to take a few breaths before saying something again, "An—Ano? Seryoso ka?! Sa Latteria? Bakit! Bakit hindi niyo sinabi ni Tito Joey!"


       Hansel shrugged as he went out of the door, Ingrid followed. "Didn't see it too necessary para sabihin." Sagot ni Hansel. Nilock nila ang flat at sabay na naglakad.


       "Kahit na! Anong oras shift mo niyan?" Ingrid grumbled, "Wag mo sabihing..."


       "Night shift." Sinabi ni Hansel as if madali lang ang pumasok hanggang 4 ng madaling araw.


       "Ano! ANOOO." Nagwawala na si Ingrid, "Bakit?! Sa ganong oras pa! Bakit hindi na lang sa umaga? Hindi mo naman kailangan gawin ito, kung naghahanap si Tito Joey ng tao pwedeng ako na lang maghanap!"


Hansel & Ingrid [JULNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon