Eleven: Fire In The Rain

180 10 12
                                    

       Hindi na magsisinungaling pa si Hansel. Inaamin niya na madaming kung anu-anong kababalaghan ang sumagi sa utak niya nang sinarado ni Ingrid ang pinto at sinabihan siyang pumunta sa back room.


       Isipin niyo kasi yung sitwasyon: ang coincidental nung sensual song na nagplay, biglaang tinigil ni Ingrid yung kanta, sinarado ang buong Latteria, and inaya si Hansel sa tagong kwarto ng cafe. Pero don't get Hansel wrong! Inosente siyang tao at talagang masasamang gawain lang ang unang sumagi sa utak niya na agad namang nawala nang namatay ang lahat ng ilaw ng cafe.


       Hansel stood there in the dark, completely drowned in his own thoughts up to the point na nakalimutan na niyang nakatayo lang siya sa kadiliman. Umiling siya, kinokolekta ang kaniyang sense of humanity. No, no. Hindi gan'ong babae si Ingrid. She's not that type of girl!


       Bumalik lang sa katotohanan ang kaniyang utak nang nakarinig siya ng sunod-sunod na kalampag at isang ungol na nanggaling mula sa kwarto na pinasukan ni Ingrid. Agad niyang hinugot ang kaniyang cellphone na nasa kanyang bulsa, binuksan ang flashlight, at nagmadaling pumunta sa back room.


       "Ingrid?" Ani niya, frantically waving his phone around in search of Ingrid. "Ingrid!"


       He heard a faint sound of whimper coming from his right, and when he turned the light sa kaniyang tabi ay nandoon si Ingrid, scrambling up to get on feet from a pile of boxes na nakakalat sa sahig. "I am—Okay lang ako—I am okey dokey!"


       Huminga ng malalim si Hansel na ngayo'y malapit na kay Ingrid at tinulungan siyang makatayo ng maayos sa pagkakatumba niya, "Ano nanamang nangyari?" He gritted out, almost accusingly.


       "Tss, nagbrownout, ano pa." Pinagpagan ni Ingrid ang kaniyang katawan, "Sakto kung kailan tumalon ako."


       "Tumalon?"


       Tinuro ni Ingrid ang kisame at itinutok ang phone ni Hansel sa taas, "Dadalhin sana kita sa roof ng Latteria—ayan yung daan, hahatakin mo yung handle para ibaba yung hagdan." She sighed, a frown fell upon her face. "Pero mukhang hindi plano ng ulan 'yon. 'Yan, lumakas pa at tinanggalan tayo ng kuryente."


       Naalala ni Hansel ang mga iniisip niyang kababahalaghan kanina, and now that he knew what Ingrid's intention was, nahiya siya sa sarili niya for even thinking one bit that Ingrid would do something foul or unruly to him.


       "Wala ba kayong generator dito?" He pushed the thoughts aside, scanning the room with his flashlight, getting a better look of the back room. Isang simpleng stock room lang naman ito na nasa far back ng counter, puno ng boxes of coffee mix, storage ng coffee grounds, baking ingedients, at iba pa. Itinapat niya ang flashlight kay Ingrid who squinted at the light, before shaking her head as a response while the frown on her face darkened.

Hansel & Ingrid [JULNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon