Agaw-buhay na tinakbo ni Ingrid ang hallway papunta sa kaniyang flat. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa ulan na 'di niya inakalang bubuhos, nakadagdag pa sa bigat ng kaniyang pakiramdam ang kakaunting oras ng tulog at sakit ng lalamunan na nakapagpahina sa kaniyang boses.
She was so thankful to finally be home, and as Ingrid reach for the golden doorknob, she heard a voice coming from inside their apartment.
"Ha? Han!"Nanlaki ang mata ni Ingrid nang narinig niya ang Han na nanggaling mula sa isang babae. Ngayon lamang niya narinig ang boses na ito, ngunit sa Han palamang, she already knew who it could be. "Hindi mo pa kami tino-tour ah!"
Nanatiling nakatayo si Ingrid sa labas ng flat niya. Her hand froze a few inches from the doorknob—about to open the door—ngunit parang may nagmalfunction sa utak niya nang narinig niya ang Han na nanggaling sa loob ng flat. It was in no doubt, Millany Cruz.
'Oh... May tao sa flat.' Sabi niya sa kaniyang isipan. After a few seconds, saka lang nag-sink in ang lahat sakaniya. 'MAY TAO SA FLAT. S—Si Millany? Nasa flat?!'
Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit parang big deal ito sakaniya, na big deal na nandito si Millany. Probably because biglaan ang appearance niya at hindi ito napaghandaan ni Ingrid. In the first place, Ingrid thought Hansel wasn't sociable so hindi na niya kailangan pang problemahin ang pakikipag-usap sa ibang tao and telling them her identity, but maybe sinabi lang ni Clark and Tita Marie 'yon sakanya para i-accept niya bilang flatmate si Hansel.
Revealing herself to one too many people was risky. Ingrid was always careful. But in times like these, wala na siyang choice kundi makisama or else people will be suspicious of her. As if yung Jandy na babae ay dangerous pa lamang sa biglang paglitaw niya, paano pa ngayong si Millany na? Madami nang tao ang makakakilala sa kaniya. Kung pwede nga lang siya magsungit ay gagawin niya, pero wala talaga sa dugo niya ang pagsusungit. Hindi naman sa ayaw ni Ingrid makipag-usap sa ibang tao, or makilala siya nang ibang tao... It's just that, her job was—
Habang siya ay lunod sa kaniyang sariling thoughts, hindi na niya namalayan na nasa harap na pala niya si Hansel. Masyado siyang busy sa pag-aalala tungkol sa kaniyang pagkatao at pagtitig sa sahig para mapansin ang kaniyang flatmate na nakatigil sa pintuan. Bumalik siya sa real world at doon lang niya nakita si Hansel. Before she could say anything, hinawakan siya ni Hansel sa balikat at inasog habang sinasarado ang pinto sa kaniyang likod.
Sa unang pagkakataon, narinig ni Ingrid ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Hindi siya yung ...normal na pagkabog. Her heart pounded loudly, like drums in a marching band, repetitive and moving. Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit bigla itong kumabog ng ganon.
"Ha—Hansel? Anong meron?"Nang nakapagsalita na siya, she was surprised of how natural and clam it turned out, tila ba hindi siya nagpapanic internally at para bang hindi masakit ang kaniyang lalamunan.
"Nagulat lang ako. At..." At? Hinintay ni Ingrid ang susunod na sasabihin ni Hansel. "Nandiyan sina Millany at Eric."
BINABASA MO ANG
Hansel & Ingrid [JULNIEL]
RomanceBecause of the lack of trust ng parents ni Hansel Hernandez sa kanya, he had to move out of their own house kasabay ng pagpunta ng mga magulang niya sa America. He'll be living in his Tita Marie's flat for who knows how long-and he couldn't get anym...