Eighteen: Hansel

62 5 10
                                    



       The first thing Hansel felt was warmth. It crept on his back until it was warm enough for him to feel its presence through his eyelids. Ang kadiliman ay lumiwanag. Ang lamig ay naging init.


       Doon niya narandaman nang dahan-dahan ang kaniyang katawan mula ulo hanggang paa. Slowly, he breathed in and opened his eyes.


       Pagkalito ang unang sumalubong kay Hansel. Pagkamulat ng mata niya ay malayo sa natatandaan niya ang kaniyang nakikita. He remembered everything clearly—the sky was dark, the streets were nothing but street lamps glowing, tahimik ang cafe and all the lights were dim. Ingrid would be right in front of him, face on the table, humming Pangarap Lang Kita while struggling to stay awake.


       But now, there he was, sitting on the same place, staring at the same person.


       Except the sun was rising behind him and engulfed the whole, empty, cafe in golden hue.


       "Oh shit." Binulong ni Hansel, tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya. "Nakatulog kami?"


       Nag-groan si Hansel, cursing himself again and again trying to remember kung pa'no siya nakatulog. Nakapag-tapat ba siya? O habang lutang siya at binabalak mag tapat doon pa sila nakatulog pareho?


       "Hansel?"


       Sa gitna ng katahimikan, isang mahinay na boses ang tumawag sa kanyang pangalan. Kumabog ang dibdib ni Hansel nang narinig niya 'to—wala nang ibang pang-gagalingan 'yon.


       Binaba ni Hansel ang kaniyang mga kamay at doon ay nakita niya si Ingrid.


       Nakatingin na agad ang babae sakanya. Her drowsy, brown eyes staring back at him. With her hair a little bit messed up, pauli-ulit siyang nagbi-blink, her eyelashes fluttering and kitang-kita ni Hansel ang bawat lash.


       Walang masabi si Hansel. Ingrid looked even more unbelievably, crazy, beautiful in the morning—after magising. Hansel just couldn't stop gawking at her. Lalong wala siyang masabi dahil sa golden lighting ng araw na tumatama sa babaeng nasa harap niya ngayon. Once again, Ingrid managed to look surreal.


       "Anong... nangyari?" Tinanong ni Ingrid, sitting up straight habang nag-iinat na sinabayan niya ng hikab.


       Lumunok si Hansel kahit sobrang dry ng lalamunan niya. "Uh, nakatulog ata tayo?" Sinabi niya pero masyadong mahina kaya nilakasan niya. "Nakatulog tayo."


       Nag-inat ulit si Ingrid. "Nakatulog tayo?" Huminga ng malalim si Ingrid, bago nanlaki ang kaniyang mga mata. "NAKATULOG TAYO?" Tsaka lang nag sink in sakanya yung sinabi ni Hansel.


       "NAKATULOG TAYO." Tsaka lang din nag sink in kay Hansel yung sinabi niya. "Hala, shit, seryoso ba 'yon?"


       "Hala, pa'no na yan oh my god," Tumayo si Ingrid at nagmadaling pumunta sa likod ng counter. She saw her phone, still connected to the aux cord playing whatever song there was to play. Agad siyang lumipat sa cashier register at chineck ang laman and nagpasalamat siya sa lahat ng santong pwede makarinig dahil intact parin ang pera doon.

Hansel & Ingrid [JULNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon