^Year End Speech

1K 15 3
                                    

Ang daming nangyari sa Bangtan ngayong 2015.

May mga magagandang event na ikinatuwa at ikina-proud natin,at syempre ,meron din namang mga panahon na natest yung pagmamahal natin sa Bangtan. /deep word lels

Andyan yung first win,pangba-bash ng VIPs kay Taehyung,andyan din yung MV ng Dope na ikinabaliw nating lahat,pati na din yung GOT7 x BTS collabortion na inaawitan ko since february (akalain mo magkakatotoo nga?) Pati na din yung special award nila sa MAMA2015 bilang World Performance.Big award yun! World na yun guys,World.At syempre ang sariling rapsong ni JHope na 1Verse na nagpabaliw sa lahat ng nagmamahal sa ating Hobie (kasama na ako dun) at bukod pa dun yung iba't ibang covers nila like yung Lost Stars at Paper Hearts ni Kookie,yung Mom ni Jin na lss ako ng ilang linggo lels at ngayong gabi,ang Fools ni RM at Kookie na nagwala ako at di ko maplay-play ng diretso dahil natutunaw ako sa english singing voice nya.At marami pang iba! Not to mention yung pagkakacancell ng concert sa Japan dahil nasugod ang Taegi sa ospital dahil sa nuesea.At kay RM na na-injured kaya hindi nakasama sa KBS Gayo performances.

Basta madami! At bilang ARMY na nakilala ang Bangtan noong February 2015,masasabi ko na di ako nagsisi na ini-stan ko sila.Nagsisi ako na naging hater nila ako dahil loyal exo-l ako last year.Pero who cares? Atleast ARMY na ako ngayon.Di man official dahil sa napakahirap sumali sa fancafe,ARMY padin naman sa puso.Lol.

First time ko mag-abang ng comeback nila sa I Need U.Yun din ang era na nasimulan ko as an ARMY.Dumating kasi ako sa fandom na tapos na ang promotions ng WOH.Di ko makalimutan yung time na unang unang beses ako nag-antay ng comeback nila.Nagsimula sa intro ni Yoongi na nirelease nung nasa bahay ako ng lola ko.Sobrang pigil na pigil ang pagfangirl ko nun dahil kaharap ko yung pinsan ko.Hinahampas ko lang sya hahaha.Tapos ayun,sumunod na yung teaser photos,tapos teaser MV na inabangan ko talaga ng 11:00pm (actually lahat to inabangan ko ng 12kst except sa intro dahil biglaan yun di ako na-orient) tapos BAM! MV naaa!

Actually dapat talaga di ako makakapagabang sa release ng MV dahil sinu-surrender namin kay mama ang phones at iPad every night.Buti nalang talaga at nakakwentuhan ko si mama nung gabing yun at may bigla syang gustong ipakita sakin sa fb.Binigay nya yung phone ko sakin at sya pa talaga nag-open ng wifi.As in sya talaga.10:55 na nun kaya sobrang natuwa talaga ako nun.Naabangan ko yung MV.At dalawang bese ko pa sya napanuod.

Hanggang sa nag-stream ako ng first comeback stage nila dahil nacurious ako sa dance step at kinabukasan nagfangirl kami ng kaklase kong nagpakilala sakin sa Bangtan.Nabaliw kami sa wave dance.I mean sino ba namang hindi diba? Jikook na yun eh.Hahaha.

Hanggang sa nakuha na nila yung first win.Actually eversince naging kpopper ako,laging first comeback stage lang nila ang inii-stream ko.Gusto ko lang kasi makita yung dating nung comeback kapag live.Kaya nung nalaman ko yung first win,pinanuod ko nalang sa yt.Sobrang saya ko nun na naiiyak na ewan kasi ang saya lang na naabutan mo yung first win nila.Buti nalang talaga ARMY na ako nung panahon na yun.Tandang tanda ko pa yung date nun,05052015.Tapos ayun,tuloy tuloy na hanggang fifth win.

Tapos ganun din sa Dope.Nung araw binalitang Dope yung gagawan nila ng follow up promotion,tuwang tuwa ako nun kasi yun talaga yung na-lss ako pati nadin sa Hold Me Tight.Kaso nung araw mg release ng mga teasers at MV,sinarili ko nalang yung feels.Sa IG ko nalang nilalabas lahat.Kasi di ko na kaklase yung kaspazz ko.College na kami eh.Buti nalang bakasyon pa ako nun kaya nagstream din ako nung first stage nila.

At nung October,ang saya saya dahil may ka-spazz na ulit ako.Hahah yung pinsan ko na naging ARMY din.Pfft.Kaya nung sa Run,ayun may kadamay na ako.Kahit may nagmamay ari na kay taehyung at may kahati ako kay Kookie,pagbigyan na.Atleast akin ang yoonmin hahaha!

Ang bilis ng pangyayari.Parang kahapon lang napanuod ko si yoongi sa Bangtan bomb at natuwa ako sa gummy smile nya,ngayon di na maalis sa isip ko.Boom.Hahahahahaha pero seryoso,nagpapasalamat ako sa kanila at naging active ulit ako.Nag 50:50 kasi ako sa EXO last year.

Pero anyway,thankyou sa mga nagsave nitong walang kwentang songbook na to.Nagulat ako kasi di ko inexpect naabot sa 3.5k+ to.Dinaig pa yung mga story ko haha.Ginawa ko lang talaga to actually kasi para may nababasahan ako ng lyrics nila kahit walang wi-fi.Nagugulat nalang ako kada mag-oonline ako dito puro "blah blah added your story in his reading list blah blah". Di naman sa nagmamayabang o ano,pero mga nasa 25-30 yung lumabas na ganun sakin.Yung iba pa nga floodvotes hahaha.

Thankyou ARMYs!

-;Reynxxi

BTS Song Lyrics(2015-2019)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang