Pocante De Vista Del Amethyst
"Anak"
napairap ako at itinaas ang dalawa kong paa sa ibabaw ng lamesa ng nanay ko. Inikot ko ang tingin ko sa opisina nito. Sobrang pormal kung titira ako sa ganitong kwarto mas gugustuhin ko pang matulog buong araw.
"Natutuwa ako at pumasok ka" Nakangiting sambit nito saakin. Sa halip na sumagot ako ay inilabas ko ang ipod ko at sinalpak ang earphones sa tainga ko. "Bawal yan dito Amethyst. Rules are rules kailangan mong sundin" Seryosong utos nito saakin.
"Oo pero yung Anak anakan mong malandi kung ano anong kolorete nilalagay sa mukha , kung ano anong kagaguhan ginagawa hindi mo sinisita. Ang galing mo rin eh noh? Palibhasa mas importante pa sayo yang si Fay kaysa sa tunay mong anak." Matapang na sagot ko sakanya.
"Hindi totoo yan! You know how much I love you and how much I care for yo--"
"Yeah right , I don't give a shit. You care for me? Since when? Kailan pa ma , simula ng nawala ang daddy ni batiin ako ng magandang umaga hindi magawa! Kinakausap mo lang ako ngayon para pumayag na ako sa kasal niyo ni Tito! Well listen , Mag pakasal kayo kung gusto niyo pero hinding hindi ko aalisin na si Romeo Dirham ang tatay ko! "
"Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na mahal ko ang tito mo? Nag mamahalan kami hayaan mo naman kaming sumaya! Wala kang karapatang sbaihin kung ano ang gusto o hindi sa buhay ko dahil anak lang kita!" Sigaw nito saakin.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan . Wala ka namang ibang ginawa para saakin. lahat ng galaw ko at lahat ng kung ano ako ngayon ay dahil sa daddy. Kung hindi mo siguro alam , alam kong gusto mo akong ipalaglag noon. Napilitan ka lang dahil kay lola diba? Kaya nga nung pinanganak ako ayun , nag punta ka sa america para kumerengkeng"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo --"
"Tama na , walang patutunguhan tong usapan na to. Hindi naman tayo mag kaano ano kaya wag mo kong kausapin. Hindi tayo close" And with that, sinarado ko ang pintuan ng opisina niya at lumabas.
Hindi ko naman ginustong sabihin yon. Mahal ko siya dahil nanay ko siya. Ngunit hindi naman niya ako mahal. Tila may kutsilyong paulit ulit akong sinaksaksak. Huminga na lang ako ng malalim at dumiretso sa 4-E.
Labis na lang ang pag kairita ko ng marinig ko ang tawanan nila Fay at Veronica. "Anong tinatawa tawa nyo?" Nakita kong napasimangot si fay at bumulong kay Veronica "Bitch talaga"
Tangina wala rin akong mapapala dito. palabas na sana ako ng pintuan ngunit napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko sya
--Pocante De Vista Del Fay
BINABASA MO ANG
Section 4-E is Guilty [Under Construction]
Mystery / ThrillerStory will be continued// currently on hold update: november 2019