Chapter 2: The Inemical One

3.1K 40 15
                                    

Chapter 2: 

Pocante De Vista Del Murderer

 "Avril" Pag tawag nya sa pangalan ko.Lumingon ako sakanya at tinignan ang kabuoan ng taong ito. Siya lang pala. Iniupo ko ang manyika ko sa upuan kanina at humarap sakanya."Anong kaylangan mo?" Seryoso kong tanong

Ibinigay niya saakin ang isang papel. Listahan. Itinuro nya ang nasa ikalawang guhit. Ah. Nabasa ko ang pangalan niya at tinignan ang taong nasa harap ko suot ang nagtatakang itsura, "Siya na" Tumango at bahagya na lang akong napangiti. Sya na ang susunod.

Ininom ko ang juice na nasa lamesa sa gilid ko at naramdamanko ang pag kirot ng dibdib ko. "Ayos ka lang ba?" Tanong nito. Kinabahan ako sa mga titig niya ngunit hinayaan ko na lang iyon. Mabuti na lang at nandito Sila sa tabi ko. Mabuti na lang talaga.

Hinawakan ko muli ang Maniyakang nasa harapan ko.Sinuklayan ko ang buhok nito dahan dahan habang kinakantahan. Kung hindi sana nangyari iyon. Wala sanang laro. Pagkatapos nito tatakas kami. Isa't isa na lamang ang mayroon kami.

Binitawan ko ang manyika at tinignan ang dalawang kamay ko. Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa mga buhay na aalisin ng mga kamay na ito. Mali man , Kailangan lang. Hindi ko hahayaang masaktan muli ang sarili ko.

Masyado na akong nadala sa mga nangyari noon at ayoko ng mangyari muli iyon. Ayokong ibalik ang nakaraan. Masyadong masakit at hindi ko pa rin matanggap. Kinuha ko ang kutsilyo sa lamesa at inilagay sa bag ko. Lumabas na ako sa kwartong iyon at huminga ng malalim.

Isa nanamang araw para bawasan ang isa sa 4-E

Pocante De Vista Del Scarlet

"Aira"Tawag ko sa bagong pasok na estudyante pag dtaing ko sa upuan ko na nasa harapan lamang niya."Yes?" Nakangiting sagot niya saakin. Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Justine Castro ng Section A Itinuro ko iyon at sumagot sakanya

"Hinahanap ka ng boyfriend mo"Tumango na lamang siya at mas lalong tumamis at lumapad ang mga ngiti sa labi nya ng makita niya ang nobyo niyang nakatayo sa pintuan.Minadali nyang ilagay ang notebook nya sa kanyang bag at tumakbo papunta sa pintuan at niyakap ang nobyo nya

"Mahal ko "Tawag nya.Napangiti ako na lamang ako sa nasisilayan ko. Nakakainggit talaga sila.Bumuntong hininga na lang inayos ang mga gamit sa lamesa ko. Tila may dumaang anghel at nag sitahimik ang lahat ng pumasok si Amethyst,

Tumingin siya ng nag tataka kung bakit ganoon na lamang ang tingin sakanya ng mga kaklase ko. Umirap na lang siya at binalibag ang bag niya sa upuan niya. "Si Nadine natagpuang patay sa CR"kalmadong kalmadong sambit nito.

Nagulat ako sa presensiya nya. Minsan lamang siya pumasok sa klase kaya naman nasa 4-E siya ngayon. Tumingin na lamang ako sa bag ko ng napatahimik ang lahat. Teka , "Patay?!" Gulat na sigaw ng isa saamin

Mukhang ngayon pa lamang pumasok sa isip  at naintindihan ng mga kaklase ko ang mga nangyayari dahil s sinabi ni Amethyst. Sari't saring reaksyon ang mga binigay ng bawat isa saamin. May mga nagulat , Naiyak at nandidiri,

 Halos nag kagulo ang buong 4-E at nag siksikan palabas ng pintuan. Na sitakbuhan kaming lahat papunta sa nataguriang banyo may mga nag kukumpulang mga tao doon at nakipag siksikan pa kami para lang makita ang sinasabing bangkay.

Ng tumayo ako sa harap ng pinto ay doon namin nakita ang nakakadiri at nilalangaw na duguan na bangkay ni Nadine.Dumating na ang ibang mga lalaking guro at  binuhat ang bangkay ni Nadine. Muli ay napatahimik kaming lahat ng nawala na sa paningin namin si Nadine.

Nabasag na lang ang katahimikan ng mag titili si Fay at tila ba nanginginig at parang may epilepsi kung mandiri."Yuck , Kadiri talaga! Sobrang nakakadiri!" Pag rereklamo ni Fay at inispray-an pa nito ang sarili niya ng alcohol.

"Tumigil ka mukha kang tanga"Sita sakanya ni Amethyst. Inirapan na lamang ito at umalis. Kahit gaano pa talaga kademonyo si Fay hindi siya makapalag kay Amethyst. 

Pocante De Vista Del Cara

"Mga Seniors Section E bumalik kayo sa klase nyo bilis!" Rinig na rinig ko ang sigaw ng guro namin mulo sa banyo ng mga babae. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng libro habang nag sasalita ng mga walang kakwentakwentang bagay ang guro namin. 

"Graduating kayo! dapat alam nyo na ang tama! dapat kayo ang ginagaya ng mga juniors nyo!"Napangiti ako ng wala sa oras. Mukha syang tanga. Sapo sapo niya ang no nya at nag labas ng kung anong gamot mukla sa bag niya.

Ininom niya ito kasabay ang isang basong tubig tsaka muling sinapo ang noo niya. Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili niya. "Umuwi na kayo" Seryoso at kalmado na niyang sabi saaamin

"Tatlong araw kayong walang klase. Ngunit kailangan nyong bumalik dito bukas, may mga pulis na darating gusto ko kumpleto kayo may sakit man kayo o wala. wala akong pakialam sa dahilan nyo basta ang gusto ko nandito kayo lahat bukas nag kakaintindihan ba tayo?"

Tahimik na tumango na lamang ang iba saamin at nagsilabasan na. Tumayo na rin ako at binitbit ko ang bag ko at lumabas na sa walang kwentang silid na yon. Napatigil na lamang ako ng makita ko si Justine. Isa nanamang walang kwentang tao "Cara nakita mo ba si--"

"Wag mo sakin hanapin ang nobya mo hindi ako hanapan ng mga nawawala" Sinadya kong putulin ang sasabihin niya. Ayoko siyang kausap, Ang dahilan kung bakit ganito. Isang manloloko

--

Pocante De Vista Del Justine

Lumabas ako ng klase ng ideklara ng guro namin na wala ring kaming klase dahil sa pag kamatay ni Nadine. Pagkalabas ko ay  dumiretso ako sa klase ng 4-E maaga rin naman akong makakuwi pero mas pinili kong pumunta roon para makausap siya.

Hindi naman talaga si Aira ang ipinunta ko dito.Si Cara. Hindi ko ginusto ang nagawa kong kasalanan sakanya Nakita ko syang palabas ng pinto kaya tinawag ko sya tila nawawala na ako sa sairli ko aya napalunok na lang ako at nag isip ng maitatanong.

"C-Cara nakita mo ba si..." 

"Wag mo sakin hanapin ang nobya mo hindi ako hanapan ng mga nawawala" Putol nito sa sinabi ko. Shet. Sabi na eh mali nanaman sinabi ko. Hahabulin ko sana sya pero..

"Mahal ko"Napaharap ko at doon ko nakita si Aira. Ngumiti ako sakanya at hinawakan ang kamay nya. Napaka sama ko talagang  tao sya ang kasama  ko pero iba ang nasa isip ko.

Siguro nga tama si Cara. Isa akong manloloko

Section 4-E is Guilty [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon