Chapter 9 : Crime of Passion

1.5K 25 15
                                    

"If you prick us do we not bleed? If you tickle us do we not laugh? If you poison us do we not die? And if you wrong us shall we not revenge"-William Shakespeare 

-------------------------------------------------------------------

 Pocante De Vista Del Mark

Napatingin ako sa orasan ko..Mga ganitong oras nag prapractice na ng swimming si Cheska

Nag intay pa ako ng konti ngunit ikinalaki ng mata ko ng makita ko ang isang babaeng may tama sa ulo na lumulutang sa tubig..

Tang ina kung di ako nag kakamali taga 4-E to!

Tumalon ako sa tubig at dali dali ko syang inakyat

Halos bagsakan ako ng langit at lupa ng mapag alaman kong ang babaeng hawak ko ngayon..

Ay si CHESKA

"T-TULONG! TULUNGAN NYO KAMI!"

may mga dumating na tao..karamihan ay 4-E hindi ako pwedeng mag kamali..Alam nilang isa nanaman saamin ang namatay..

Niyugyog ko si Cheska ngunit hindi pa rin ito humihinga

"CHESKA!"

"Para kang tanga patay na yan may tama na nga sa ulo oh" tinignan ko ng masama ang nag salitang si Elisha ngumisi lang sya at umalis

B-bakit si Cheska pa?

Naalala ko yung nangyari kagabi..

Tandang tanda ko iyon...Si Cheska ang pinili ko..Si Cheska ang nag papasaya saakin..Sya lang

inilabas ko sa bulsa ko ang isang bagay na dapat ibibigay ko sakanya pag naka tapos na kami ng kolehiyo..

Isang singsing

Pocante De Vista Del Cara

"Patawarin mo na ako" pag mamakaawa ni Justine ngunit nanatili akong nakatingin sa kawalan..

Andito ako sa rooftop para mag pahangin hindi ko alam na sinundan nya pala ako..Tss

"May mapapala ba ako kung papatawarin kita?"

hinablot ko ang bag ko at umalis.

Tsk..Bakit saakin sya humihingi ng tawad?

Nakarinig ako ng sigaw kaya nagmadali akong pumunta kung di ako nag kakamali sa pool area nangagaling yung sigaw

Nang makarating ako doon tsaka ko napagtantong tama ang hinala ko..

Isang parte nanaman ng 4-E ang namatay..

Pocante De Vista Del Rachel

Section 4-E is Guilty [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon