Pocante De Vista Del Tia
Pinaikot ikot ko sa harapan ko ang hawak kong baso na may lamang alak. Napangiti ako ng napakatamis tuwing naalala ko ang pag uusap naming iyon.
Isang maulang hapon iyon ng pumunta ako sa bahay nila "Tao po. tao po may tao ho ba riyan?"
Isang babaeng nakasoot ng bestida at may dalang sanggol sa kanang kamay nya ang iniluwa sa pintuan. Ngumiti ako ng matamis at tinignan sya ng maigi siguradong sigurado ako na dito yung bahay na iyon.
"Ano hong sadya niyo?" Inilapag ko ang payong ko at nag pakilala.
"Ako ho si Tia Hilldridge" Inilahad ko ang kamay ko at ginamit niya ang kanyang kanang kamay upang makipag kamay sakin. "Si Lorna Crisostomo ho ang sadya ko dito maari ko ho ba syang makausap?" Tuluyan nyang binuksan ang awang ng gate at inaya ako sa loob.
Simple lang ang bahay dalawang palapag ito ngunit ang mga gamit na laman nito ay mukhang pang mayaman dito siguro nila iginastos ang pinang bayad ko sakanila noon. Pinaupo nya ako sa upuan sa sala at sya naman ay pumunta sa kusina.
Ng makabalik sya ay nilapag nya sa harapan ko ang isang kape. "Kape ho" ngumiti ako sakanya at nag pasalamat. Umupo sya sa kabilang upuan at nag simulang mag salita.
"Ako si Loreta Dimaano kapatid ako ni Lorna Crisostomo matagal ng patay ang ate iilang taon na rin ang nakakaraan" Patay na si Lorna? Tumango ako binuksan ko ang bibig ko para mag tanong ngunit nag salita syang muli kaya kinuha ko na lang ang kape ko at sumipsip ng kaunti.
"Ng mamatay ang ate ang hipag ko na lang na si Romulo at ang anak anakan nilang si Avril ang natira dito. Araw araw na nag lasing si romulo at bali balita na din ang muntik na pag gahasa nya kay Avril" Nasamid ako bigla sa narinig ko , Hindi magagawa ni Romulo ang agay na iyon naging mabait sya papa ko.
"Saksi ako sa pangyayaring iyon ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa ni Avril" Yumuko sya sandali ngunit nakita kong ngumiti sya ng kaonti.Kinakabahan ako..Anong ginawa ni Avril?"Pinatay nya si romulo" Tila tumigil ang pag tibok ng puso ko sa narinig ko.
"Katanggap tanggap naman ang ginawa ni Avril self defense na rin yon kung baga ngunit labis kong ikinatuwa iyon.Namatay na rin siya, Si romulo." Bumuntong hininga sya at nag salita muli
"Mas mabuti na iyon kesa ang anak namin ang gahasain nya..Oo nag kaanak kami ni romulo kasing edad ni Avril. Minsan ng makasalubong ko sya sa kanto narinig kong balak nyang gahasain ang mga anak nya. Gusto kong ilayo ang anak ko ngunit may isa pa syang kasalanan saakin kaya nag balak akong kitilin ang buhay nya." Humagikgik pa sya ng kaonti at nag patuloy sa pag sasalita,
"Pero naunahan na ako ni Avril kaya malaki ang pasasalamat ko sa batang iyon. Bilang ganti pinatakas ko sya sa ginawang nyang pag patay"Tinuro nya ang isang cabinet. "Andoon ang bangkay ni romulo"
"Alam kong hindi mo ito ipag sasabi kaya sinabi ko na saiyo" Umupo sya ng pormal ng biglang may pumasok na babae sa pintuan tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at napansin ko rin na sa hilldridge ang suot nyang uniporme.
"Natalya andyan ka na pala." Nanlaki ang mga mata nung dalagita ng makita ako "Magandang hapon po Ms.Hilldridge" Yumuko ito saakin at tumakbo sa paitaas.
BINABASA MO ANG
Section 4-E is Guilty [Under Construction]
Mystery / ThrillerStory will be continued// currently on hold update: november 2019