Chapter 20: When the past haunts

1.2K 27 14
                                    

Pocante De VistaDel Tia 

Minadali ko ang paglabas ng bahay habang inaayos ang gamit sa bag ko. "Evilyn paki buksan po yung gate" Utos ko habang sumakay sa back seat ng sasakyan namin. Dumiretso kami doon at pakiramdam ko nanginginig na ang lahat ng laman loob ko at pinag papawisan na ako.

"Kilala ko na kung sino ang anak mo Tia. Kilala ko na kung sino si Avril"

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi niya saakin. "Manong pakibilsan naman ho oh" Tumango na lang si manong at mas binilisan ang pag papatakbo ang sasakyan. Inip na inip na ako at sabik na sabik na malaman kung sino si Avril.

"Estudyante siya sa paaralan mo" Naalala ko pang dagdag niya. Gusto niyang sabihin sakin ngunit mas gusto kong maitanong sakanya ng personal. Pagkatapos ng napakaraming taon sa wakas makikilala ko na ang anak ko.

Alam niya kaya ang tungkol sa pagkatao niya? Tanggap niya kayang isa  syang Dirham? Ngunit mas matatanggap niya kaya kung magiging Shen siya? Makukuha ko ba siya agad? Napaka raming tanong sa isip ko.

Nasa gitna kami ng daan ng bigla kong napansing nakatigil kami "Flat ho ma'am eh" Sabi nito. "Flat? Paki-Check nga ho ulit" Tumingin ito sa ilalim at inangat ang mukha saakin "Ma'am Tia flat ho talaga eh. Lahat ho ng gulong mukha hong binutas eh" Anong ibig sabihin ng binutas? Hindi ko na lang inintindi iyon at bumaba. 

Kung minamalas nga naman oh. "Nako mang berting ilang oras ho kaya bago mapalitan yan?" Tanong ko "Hindi ko ho alam pero baka matagal bago makarating yung mag papalit" napa palo ako sa noo ko at may kinuha sa bag ko. "Manong tuamawag na lang kayo ng gagawa at mag tataxi na lang ako kailangan ko na talaga makarating doon eh"

Tumango ito at agad akong nag hanap ng taxi. Ilang minuto na akong nag hihintay ngunit wala pa rin napatingin ako sa relo ko nako late na ko. Sa wakas pag katapos ng sampung minuto ay nakahanap rin ako.

Huminga ako ng napaka lalim ilang minuto na lang. Malalaman ko na kung sino ka.

Pocante De Vista Del Stacy

Pagkarating ko ng bahay ay nanibago ako. Hindi maingay gaya ng parati , Wala ba si mama? Binuksan ko ang pintuan ng kwarto nya at nagimbal ako sa nakita ko. Nakasabit sya sa dingding at puno ng sak sak.Putol ang dila nya at halos kapusin na ao ng hininga ng makita kong tila nakatingin sya saakin.

Napasigaw ako ng napakalakas ng maramdaman ko  ang matalim nyang kutsilyo na gumigilit sa leeg ko. Nandito siya nanginginig na ako na nagsalita "Papatayin mo na rin ba ko?" Tumawa pa siya na ikinainis ko lalo

"Bakit kailangan mong idamay ang nanay ko?!" Galit na sigaw ko na halos magkautal utal ako dahil naiiyak na ko sa pinag samang lungkot at galit. "Tinatanong mo kong isusunod na kita? Hindi ba halata? Wag kang tanga" Isang napaka pamilyar na boses iyon.

"I-Ikaw?!" Itinigil niya ang dahan dahan nyang pag hiwa sa leegko at iniharap ako sakanya "Oo ako nga. Pasensya na ah hadlang kasi nanay mo eh alam mo bang ayoko na nilalantad ang mga pagkatao namin eh." Bumuntong hininga pa siya "Kailangan ko na siyang patahimikin. Napakarami niya ng alam tungkol sa buhay ni Avril"

Hindi ko alam pero tila napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Siguro sa pag kabigla na rin. Bakit siya pa? Akala ko kaibigan siya. Akala ko kakampi ko siya. Akala ko..Akala ko lang talaga.

"Wala naman talagang akong balak traydurin ka. Kaya lang naisip ko ano nga bang silbi mo? Naging napaka walang kwenta mo rin namang kaibigans akin. Nasilaw ka lang sa pera ko." Tumayo na sya at ibinigay saakin ang nakakgaan loob nyang ngiti "Kaya pasensya na , kaibigan" May pinatugtog siya sa mp4 niya. Ang tunog ng musica mortis. Ang tunog ng kamatayan.

Ang tunog na sumisimbolo sa buhay at pagkamatay ni Chelsea.

At napaka tanga ko dahil ko man lang nagawang tumakbo kaya sa isang idlap parte na rin ako ng musikang iyon. Nakuha rin ako ng tunog na iyon. Akala ko sapat na ang lahat ng katapangan at kagalingan ko. Pero sa huli maduduwag din pala ako. nararamdaman ko ang pag tagos ng kutsilyo nya sa ngala ngala ko. May kinuha siyang martilyo at itinapat sa ulo ko.

Tama pinag handaan niya ito. Pero  atlis makakasama ko din agad ang nanay ko.

Pocante De Vista DelScarlet

Mag kasabay kaming nag lalakad pauwi hawak hawak ang kamay niya masyado akong kinikilig peor hindi ko ito pinapahalata. Nag bago ang aura ng mukha ni Joshua ng may nakasalubong kaming isang babae. Lagpas balikat ang buhol nya at napakaganda niya.

 "Oh ? Kamusta ka na ? , Amyvelle " Mag kakilala sila? Nakita ko ang pag peke ng ngiti ni Joshua. Alam na alam ko kung kelan totoo ang mga ngiti niya at kung kelan niya ito pinepeke. "Ah Amy , Si Scarlet. Scar , Si Amy" Pinutol nya ang sasabihin ni Joshua at nag salita

"Ako si Amyvelle , Girlfriend ni Joshua" Sandaling gumuho ang mundo ko sa pag karinig ko ng iyon. Ngumiti siya ng nakakaloko at tinignan ako mula ula hanggang paa. "Amy!" Singhal ni Joshua. "What? Didn't you tell her?" Tumawa ito ng mapakla at tumingin saakin.

"We didn't broke up actually. Lumipat lang ako ng US kaya nawalan kami ng connection. But since mukhang may pumalit na sa pwesto ko I'll consider us na mag Ex" Nakangiti nitong dagdag. "Unless papayag ka na may kahati" 

Pakiramdam ko umakyat na lahat ng dugo ko sa ulo ko sa sobrang inis. Ngumiti na lang ako at nag peke ng tawa. Naramdaman ko ang pag hawak ni Joshua sa kamay ko ngunit inalis ko ito. "Biro lang naman. Aalis na ako susunduin ko pa yung magaling kong ate." 

Pagkaalis niya ay siya ring pag alis ko nag lakad ako paalis dun sobrang inis. Tinawag pa ako ni Joshua ngunit mas binilisan ko ang pag takbo. Nakarating ako sa bahay ko at naririnig kong kumakatok si Joshua. "Scarlet buksan mo itong pinto!" 

"Doon ka na sa Amy mo!" Sigaw ko. Nakakainis! Sobrang nakakainis talaga! Napasabunota ko sa buhok ko sa sobrang inis. "Bakit nag seselos ka ba?" Narinig ko ang napakalakas na pag tawa nya at ang napaka mapang asar nyang boses

"Hindi yun eh. Hindi mo man lang sinabi na may girlfriend ka pala. Nag mumukha akong third-wheel." Inis na sagot ko "Buksan mo na kasi yung pinto" Sambit nito saakin habang iniikot ikot pa rin ang naka lock na door knob ng apartment ko.

"Hindi! Mag paliwanag ka muna!" Narinig ko ang pag buntong hininga niya at at nag salita "Kagaya ng sabi niya matagal na kaming walang koneksyon pero wala rin naman kaming balak mag usap gaano dahil hindi naman naging kami. Ganoon ang ginagawa niya sa lahat ng nagiging nobya ko. Sadyang palaasar lang talaga si Amy. Pinsan ko iyon wag kang mag alala. Ikaw langa ng mahal ko" 

Pasimple muna akong kinilig at tumikhim. Inayos ko rin ang itsura ko bago buksan ang pintuan. "Talaga?" Abot tainga kong tanong sakanya. Ngiti lang ang sinagot nya sakina t hinalikan ako sa labi. 

Ngunit iba. Hinalikan ko rin siya pabalik ngunit naging matagal iyon sa hindi malamang dahilan ay nag init ang buong paligid namin. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg nya habang hinihimas nya ang likuran ko. Naramdaman ko ang pag angat ng kamay niya sa T-Shirt ko ng bigla kaming napatigil ng may pumasok sa pintuan.

"Ay. Bukas niyo na ituloy yan manonood pa ko ng TV" Sambit ni Anastasia. Istorbo naman oh

-

SPELL BITIN? HAHAHAHAH ayan sige pilitin nyo pa ko XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Section 4-E is Guilty [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon