Pocante De Vista Del Avril
Sinuklay ko ang buhok ng manika ko..muli akong napangiti. Isinuot ko sakanya ang damit na tinahi ko para sakanya.
Avril
Yan ang pangalan na ibinigay ko sakanya.Ang pangalan ko. Tunay na pangalan. Ang manikang ito ang sumisimbolo sa pagkatao ko.
Iniupo ko sya sa katabi kong upuan ng makarinig ako ng pag katok sa pinto. Andyan na sila.
Pinapasok ko sila at pinaupo. Pag nakaganti na kami . Dun lang matatapos ang laro
Muli ay sinara ko ang kurtina "Ilang inosenteng tao na ba ang pinatay nila?" pag sisimula nya habang humigop ng kape. Nag patuloy lang sila sa pag uusap habang ako ay natulala. Muli ay bumalik sa isipan ko ang gabi na namatay ang nanay nanayan ko
-
"Hindi ako ang tunay mong Ina.."hinawakan nya ang kamay ko at nakita ko syang lumuluha.. Sumikip ang dibdib ko..
"Hindi totoo yan! Ikaw ang nanay ko! Ikaw ang nag palaki saakin" pinisil nya ang kamay ko at nag simula uling lumuha
"Hindi kami mag kaanak ni Romulo kaya inampon ka namin..P-pero tandaan mo na minahal ka namin at inalagaan na parang tunay naming anak." hinaplos nya ang mukha ko at umubo
"Nanay mag paka tatag ka..Wag mo muna akong iwan.."ngiti na lang ang sinagot nya..
"Nay.." pumikit sya at napabitaw sa kamay ko..
"Inay!"
Patuloy akong humagulgol ng hindi na tumitibok ang puso nya..Wala akong pakialam kung sino ang tunay kong ina..Si Nanay Lorna ang nag palaki saakin..Sya ang nanay ko.
-
Pagkatapos ng pagkamatay ni Nanay Lorna ay naging lasenggo na si Tatay Romulo.Sinasaktan nya na ako at ginagawang katulong.Nagtiis ako..Pero isang gabi ang dahilan kung bakit halos masira na ang buhay ko..
Muntik nya na akong gahasain..
Suot suot ko noon ang puti at pulang damit na tinahi mismo ni nanay lorna..
Natutulog ako ng naramdaman kong may humahaplos sa binti ko..
Nagulat ako ng makita ko si Tatay Romulo. Ang akala ko ang may sasabihin sya kaya umupo lang ako at nag tanong..Ngunit pilit nyang tinanggal ang damit ko..Sinampal ko sya pero sinikmuraan nya lang ako..
Muntik nya na akong mahalikan ngunit kinuha ko ang gunting na nasa lamesa na katabi ng kama ko at ginupit ang bibig nya..
Napamura sya pero hinabol nya pa rin ako..Nakarating ako sa kusina na mangiyak ngiyak..Kinuha ko ang kutsilyo at tinapat ito sakanya
"W-wag kang lalapit..S-sasaksakin kita pag lumapit ka.."paurong ako ng paurong
binalaan ko na sya pero ngumisi lang sya susunggaban nya sana ako muli ngunit nasaksak ko na sya..
Sinaksak ko sya sa . Sinaksak ko ang mata nya at ang pag ka lalaki nya.Sinaksak ko sya ng sinaksak kung saan saan . wala ako sa sarili ko noon..
Mailigtas lang ang sarili ko.
Yun lang ang tumatakbo sa isip ko..Nang napagod ako sa pag saksak ay tsaka nag proseso sa utak ko ang ginawa ko..Tinignan ko si Tatay romulo na walang buhay. Nagpabalik balik ang tingin ko sa walang buhay na si tatay romulo at sa kamay kong may bahid na ng mga dugo..
"N-nakapatay ako ng tao!"
nanginginig akong umiyak..N-nakapatay ako ng Tao!
-
Ngunit simula ng araw na iyon , Tumatak sa isip ko na ako at sarili ko lang ang makakapagtanggal sa sarili ko. Kung demonyo sila mas demonyo ako.
Papatay ako. Maipagtanggol lang ang sarili ko..
BINABASA MO ANG
Section 4-E is Guilty [Under Construction]
Mystery / ThrillerStory will be continued// currently on hold update: november 2019