Chapter 8 : Secrets of the Queen

1.7K 26 8
                                    

Pocante De Vista Del Beatrice

Hinila ko ang kwelyo ni Drake at hinalikan.Palihim akong ngumiti.Gumagana na yung plano ko. Kung kailangan lahat ng lalaki sa Hilldridge ay landiin ko para manalo gagawin ko!

Ang sabi nila nasa pinaka taas ay si Cheska. Sumunod si Amethyst. Si Fay at Ako.

Kung tutuusin mas maganda naman ako sa Cheska na yan kung hindi lang sya ang nobya ng hari ng Hilldridge. Kung maari lang nga kayang kaya kong landiin si Mark kaso delikado , Si Fay ang makakalaban ko.

Hindi ako nararapat bilang pang apat na reyna. Hindi , Hindi lang pang apat. Dapat ako ang nasa taas! Inayos ko ang damit ko at pumasok sa 4-E ngunit nagulat ako ng narinig ko ang pangalan ko

"Nakita ko si Drake. Kahalikan si Bea." Napatingin ako sa nagsalitang si Veronica. Bakit nya alam?!


"Una si Jazz sunod si Drake? May tinatago ka palang baho. Bakit hindi ka tumulad saakin? Hindi ako nag papaka plastik. Alam ng lahat na kahit papaano malandi ako" Mataray na pagsasabi saakin ni Fay

"Hindi lingid saakin na malandi ka kaya asahan mo na mas aangatan kita"Napanting ang tenga ko sa narinig ko mula kay Lex. Hindi pupwede! "Anong kabalbalan nanaman ang pinag sasabi niyo? Pwede ba tigilan niyo ko wala akong ginagawa eh!"

"Eh ano ito?" Halos isupalpal na ni Fay sakin ang cellphone nya na may video ng ginagawa namin ni Jazz. "H-hindi totoo yan! Peke yan!"

"Bitch alam namin ang nakita namin hindi ba Rachel?" Tumingin ako kay rachel na walang imik.

"Hindi totoo yan! Hindi ! Hindi yan totoo !" Halos nag wawala na ako. Hindi ,  ayoko ! Hindi pwedeng mangyari saakin ito!

Pocante De Vista DelFay

Lumabas si Bea ng umiiyak. Tss lalandi na lang yung sa halata pa. 

"Ano ba yang kahon na yan kanina pa yan dyan ah?"Pagtatanong ni Anastasia"Buksan mo kaya ng malaman mo" Maarte kong sagot. Tinignan niya ako ng masama kaya umirap na lang ako. 

Baka mamaya sirain pa niya mukha ko.

Hinayaan ko na lang na ibang kaklase ko ang mag bukas ng kahon. Umalingawngaw ang masangsang naamoy kaya napa ubo ako. "S-Sofia!" Sigaw nila. 

Nag silapitan ang mga wala kong kwentang kaklase sa kahon.Inilabas nila ang lasog lasog na katawan ni Sofia tanggal ang kanan nitong mata at may nakasuksok na chalk sa bibig nito

Umiiyak ang iba saamin? Himala. Sa pag kakaalam ko kasi Demonyo kaming lahat

Section 4-E is Guilty [Under Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon