Chapter 18.
Pocante De Vista Del Julia
Pag-Kaapak ko sa bahay ay napabitaw agad ako sa bag ko sa sobrang pagod. Hirap na mag hanap ng sasakyan na jeep buti na lang maagang natapos ang practice ni Drake at sinundo nya na ako sa sauyo pauwi dito sa Faustina. Napapalo ako sa ulo ko sa inis at isa isang nilagay sa ropera ang nag kalat na damit sa lapag.
Eto ang suot ni Laura kaninang umaga sigurado nanaman akong may lalaki nanamang iniuwi yun. Pag kalagay ko ng ropero sa labahan ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Habang tinatanggal ko ang unang dalawang botones ng suot ko uniporme ay narinig ko na ang mapanghibok na boses ng nanay ko na kinadahilan at dali kong binuksan ang kwarto ko.
Puta. Hindi nga ako nag kakamali lumalandi nanaman ang nanay ko. "Ano ba Laura kung kikire ka wag sa kwarto ko ayokong nadudumihan ang kwarto ko ang dudumi ninyo" Ano pang silbi ng pag tawag sakanya ng mama kung siya mismo di nya ako maituring bilang anak.
Tinignan ko ang lalaki sa tabi niya, nakayuko ito at nasa ilalim ng kumot. Ngunitmas kinagulat ko ang polo na nasa ilalim ng kama ngayon. Isang estudyante sa Hilldridge? Ganun na pala talaga kalandi nanay ko ultimo mag aaral pinapatulan. Tss
Lumabas na ako agad ng kwarto at naupo sa sofa sa sobrang pag kapagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Alas Nuebe
"Julia" Rinig ko "Julia gumising ka , Gising" naramdaman ko na tila may yumuyugyog saakin at tila ginigising ako ngunit hindi ko ito pinansin at sa halip ay n\kinuha ko an throw pillow sa tabi ko at itinakip ito sa mukha ko.
"Juliana Lea! Gumising ka sabi , Ano ba !" Galit na turan ng nanay ko. Napakamot ako sa ulo ko at napaupo. Ibinato nya sakin ang cellphone ko at sumigaw "Kanina pa may tumatawag sayo. Istorbo" Tumalikod na ito habang itinatali ang buhok nya.Tumunghay muna ako at kumuha ng itlog sa ref at iprinito iyon.
Padabog kong inihanda ang sinangag at itlog na iprinito ko. Mukhang hindi naman ito pinansin ng nanay ko dahil abala ito sa pag lalagay ng kolorete sa mukha niya. Nag simula na akong kumain habang pasimpleng umiirap sakanya.
Napakagaling. Imbis na sya ang nag hahanda ng pagkain ko dahil sya ang nanay dito ako pa ang nag hahanda. Kahit kailan talaga napaka walang kwenta niya. "Julia pag katapos mong kumain hugasan mo itong pinggan at mag ayos ka may darating na bisita gusto kong maayos kang tignan"
"Ano? Sino ? Bago mong kalandian?" Walang gana kong sagot sakanya. "Ayos-Ayusin mo ang pananalita mo Hulya" Seryosong tingin nito saakin. Nakipag sukatan ako ng tingin sakanya at sumagot "Julia , Hindi hulya. Wag mo akong tinatawag na Hulya si Papa lang ang tumatawag sakin na ganyan" Maya maya pa ay nakarinig kami ng katok sa aming pintuan.
Tumayo ako upang kunin ang mga plato at hugasan. Pinag buksan ni Laura ang pinto at narinig kong pinaupo nya ang bisita nya kasunod pa nito ang tawa nyang pinipilit nyang maging tunog sopistikada. "Juliana , Anak"
Pag karinig ko ng noong itinawag nya ko noon ay halos isang libong boltahe ang dumaloy sa katawan ko. Nakakakilabot. Itinatawag nya lang naman ako na Juliana kung naiinis na siya o may kailangan siya sakin. At ang mas nakakakilabot pa nito ang pag tawag nya saking Anak. Nakakasuka.
"Umupo ka anak" Umupo ako sa upuan na katabi nya at doon katapat ko ang isang lalaking may edad na. At sa hula ko mukhang nasa singkwenta'y anyos na ito. Kung pag mamasdan ang kutis nito ay halatang mayaman ito may suot pa itong tuxedo at nakangiti sa nanay ko.
BINABASA MO ANG
Section 4-E is Guilty [Under Construction]
Mystery / ThrillerStory will be continued// currently on hold update: november 2019