Chapter 16: ~Savior~
Dahil Holiday ngayon, heto ang regalo ko para sa inyo. Sana magustuhan nyo at sana rin huwag nyo akong huntingin pagkatapos nyong mabasa ang UD. Mamumundok ako at magatatago sa inyo. Hahaha.
Merry Christmas and Happy New Year everybody! Salamat sa pagsubaybay
All mistakes are mine.
Enjoy!
~A
PAIGE'S POV
Sunod-sunod ang suntok na pinakawalan ko, at sa bawat pagtama nito ay maririnig ang kalansing ng kadenang nagkokonekta sa punching bag at sa bakal na sabitan nito. Tagaktak rin ang pawis ko pero hindi ko iyon ininda. Maging ang pananakit ng mga kalamnan at ang bahagyang pagsikip ng didbdib ko dahil sa paghingal ay binalewala ko lang. Ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman akong choice kundi ito.
Ay, meron pala pero mas pipiliin kong magpakapagod dito kaysa sumama sa kanila.
Saglit akong tumigil sa pagsuntok at naghabol ng hininga. Hawak ko sa magkabilang gilid ang punching bag habang nakasandal ang noo ko rito. Ang bilis ng tibok ng puso ko, daig pa ng kotseng nagkakarera.
"What are you doing here?"
Hindi ako lumingon at sa halip ay nanatili lang sa pwesto ko. "Nagha-heart to heart talk kami ng sarili ko. Try mo minsan, nakakapawis."
Narinig ko ang paglakad nya papunta sa akin. Mahina syang tumatawa. "Nah, I think I'll pass."
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Tumuwid ako ng tayo saka kinuha ang twalyang inabot nya sa akin. Malamang ay nakuha nya ito sa gym bag ko nang pumasok sya. "Hindi ba dapat nasa HQ ka kasama nila?"
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang twalya habang nag-iintay sa sagot nya. Isinampay ko ito sa balikat ko nang matapos ako.
"They can survive. Besides, your brothers are there. Craige is fully capable of handling them."
Tinalikuran ko sya at nagpunta doon sa gilid kung saan ko inilagay ang gamit ko. Kinuha ko ang bote sa tabi ng gym bag at uminom rito. Ang towel naman sa balikat ko ay inilapag ko sa ibabaw ng bag.
"But I doubt if they can survive this fight without you," dugtong nya.
"They can," ani ko habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang likod ng aking kamay. "Like you said, they are my brothers. They can handle it."
Hindi sya sumagot. Ibinalik ko ang bote sa pinagkuhanan ko at muling pumunta sa tapat ng punching bag. Dalawang beses akong sumuntok bago sya pumunta sa likod at hinawakan ang ito para sa akin.
"I never pegged you to be a weakling, Paige," sabi nyang seryoso ang mukha, nakatitig sya sakin. "You gave up too quickly.
Naiinis na sumuntok ako. Sino ba sya para pagsalitaan ako ng ganoon? Wala syang alam sa mga nangyayari sa akin. "Bumalik ka nalang doon, Warren. Sigurado akong hinahanap ka na nila. Kuya Craige will need your inputs."
"Hindi ba dapat ako ang nagsasabi sa'yo nyan?"
Bilang tugon ay mas lalo ko pang nilakasan ang suntok ko. Hindi natinag si Warren at nanatili lang sa pwesto nya na para bang wala lang sa kanya ang pwersang pinakawalan ko. Oo, siguro nga balewala lang iyon sa kanya. Alam ko kasi isa sa pinakamagaling sa pakikipaglaban si Warren, hindi na nakakapagtaka dahil boss naman sya ng BHO.
"Your brothers need you, Paige," pagpapatuloy nya. "Each one of us has our own strength. Alone, yes, we are all rightfully strong in our own ways. But Paige, if there is something I learned from this life, it's that we are stronger when we're together."
![](https://img.wattpad.com/cover/5269208-288-k594829.jpg)
YOU ARE READING
The Deception
ActionFan fiction story about MsButterfly's BHO and The CAMP series. Formerly: He's Our Secret Agent Father and He's Gone.