Tulala akong nakatitig sa duguan kong mga kamay habang lahat ng tao sa paligid ko ay nagkakagulo. Kinakain ako ng galit, paghihinagpis at sakit. Sakit na hindi dulot ng sugat na natamo ko sa aking tagiliran na kasalukuyang ginagamot ng isa sa mga nurse dito sa clinic. Sa totoo lang ay ni hindi ko nga maramdaman ni katiting ng sakit na iyon. Daig ko pa ang tinurukan ng isang drum na anesthesia dahil sa pagkamanhid.
Sana nga ay ganoon na lamang ang nangyari.
Yung sugat na iyon, konting gamot lang at alaga maghihilom na agad.
Iniwan na ako ng nurse noong matapos sya sa paggamot ng sugat ko. Hindi ko naman sya pinansin at nanatiling nakaupo doon sa gurney.
Hindi ko pa sila kayang harapin ngayon. Hindi ko pa kayang makita ang mga mukha nila matapos ang ginawa ko. Hindi ko pa kayang harapin ang galit nila. Galit sila sa akin. Alam ko iyon kahit hindi nila aminin kasi kahit ako, galit ako sa sarili ko.
Alam ko naman kung ano ang nagawa ko. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi sana ako nagpadalos-dalos ay hindi sana mangyayari lahat ito.
Tama lang itong sakit na nararamdaman ko. Kung tutuusin ay kulang pa ito kumpara sa sakit na naidulot ko kay Mama. Kulang pa ito...wala pa ito sa kalingkingan ng nararamdaman nya.
"Please forgive me, anak. Alam kong galit ka sa akin, at hindi...hindi kita masisisi dahil...alam ko namang mali ang mga ginawa ko. I love you, okay? Everything I did was for you... for y-you and your brothers...and your mother. I'm sorry. Tell your mother I love her...y-your b-brothers too."
Hindi dapat ako nagalit sa kanya. Napakasama kong anak dahil nagawa kong pagdudahan ang sarili kong ama. Kinamuhian ko sya at hinusgahan dahil lang sa mga nagawa nya noon. At ang sakit dahil hanggang sa huli, kapakanan ko pa rin ang inisip nya.
Alam kong masakit sa kanyang malaman na galit ako sa kanya. Huli na nang marealize ko iyon. Kasi siguro kung ako ang nasa katayuan ni Papa, kung balang araw ay kamuhian rin ako nina Enyo at Eris dahil sa mga nagawa ko noon, sobra-sobrang sakit ang mararamdaman ko.
Pero si Papa...sa kabila ng lahat ay nagawa nya pa akong iligtas. Sinalo nya ang balang dapat sana ay sa akin. Buhay ako at humihinga dahil sa kanya.
Kung sana lang ay hindi ako nagpadalos-dalos. Kung sana lang ay hindi ako nilamon ng galit at nagpadala sa emosyon... baka sakaling nasagip ko pa sya.
Mabilis na nagpunta ako sa tabi nya, hindi ko na ininda ang kirot sa tagiliran ko. Agad ko syang dinaluhan nang makitang may tama sya sa tiyan. Malakas ang agos ng dugo kaya't agad kong inilagay ang dalawang kamay ko doon sa sugat upang subukang pigiln ang pagdurugo.
"N-no...Papa"
Naramdaman ko ang mga daliri nya sa mukha ko. "Shh... don't cry, baby doll."
"Huwag ka nang magsalita Papa, please," sabi ko sakanya. "Tatawag ako ng tulong."
Umiling sya at ngumiti. "It's too late."
"Wala akong pakelam! Hindi ako papayag na mawala ka!" pagmamaka-awa ko sa kanya. Pilit ko pa ring pinapahinto ang pagdurugo. Kinapa ako ang suot nyang pantalon at kinuha ang cellphone nya mula rito. "Damn it!" hiyaw ko nang hindi magbukas ang telepono.
"It's okay, Paige. You're safe. You'll be okay. That's what matters."
Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Wala akong pakielam kung ligtas ako. "Huwag ka naman ganyan Papa oh, please. Hindi ka pa pwedeng mawala, kailangan ka pa namin."
Ang mga kamay nya ay dahan-dahang pinunasan ang mga luha ko. Hindi sya nagsalita at sa halip ay pinagmasdan lang ang mukha ko na para bang kinakabisa nya ito. Lord, please, huwag ganto. Ako na lang ang kunin Nyo, please po huwag lang sya. Hindi ko kaya...hindi dapat ganito ang nangyari. Hindi dapat ganito ang pagkikita namin.
YOU ARE READING
The Deception
ActionFan fiction story about MsButterfly's BHO and The CAMP series. Formerly: He's Our Secret Agent Father and He's Gone.