Chapter 15: ~A Father's Betrayal~

614 9 2
                                    


Hello beautiful people!!!

Sobrang salamat sa inyo, ang taas ng ranking natin sa Adventure last week (?). At dahil sobrang natuwa ako, here's my gift for you. Matagal pa sana ako bago mag-upload ulit (as usual) pero natuwa kasi ako ng bongang-bonga kaya hetooo.

Sage and Greg on the side. :D

Sana magcomment kayoooo.

All mistakes are mine.

Thank you!

Love,

~A <3

CRAIGE'S POV

Napaupo na lamang si Craige at napahilot ng kanyang sentido matapos panuorin ang pag-alis ng bunsong kapatid. Sa totoo lang, kahit siya ay naguguluhan na rin sa mga nangyayari. Hindi nya akalaing posible pa palang maging mas komplikado ang isang bagay na komplikado na.

Hindi sya makapaniwala sa mga natuklasan nila. Gusto nya sanang pigilang umalis si Paige, pero hindi nya ginawa. Alam nya kasi, naiintindihan nya kung ano ang nararamdaman ng kapatid. Alam nya kasi iyon mismo ang nararamdaman nya.

Their own father betrayed them. And after all that happened, he was the one person they trusted the most.

Ilang beses na rin naman nyang naranasang mapaglaruan ng tadhana. Una na riyan nang mamatay ang dati nyang nobyang si Raine. Nang mga panahong iyon akala pakiramdam nya pinagtaksilan sya ng tadhana. Itinaboy nya ang lahat ng taong malapit sa kanya dahil sa sakit at lungkot. Laking pasasalamat na lamang nya na hindi sya sinukuan ng kanyang pamilya.

Akala nya iyon na ang una at huling beses nyang mararamdaman ang sakit na iyon. Sadyang mapaglaro nga yata talaga ang tadhana.

Dahil ngayon ay muli na naman silang pinaglalaruan nito.

"Kuya, ano nang gagawin natin ngayon?"

Pinagsalikop nya ang kanyang mga kamay at saglit tinignan si Andreige bago dumako ang kanyang mga mata sa nakangiting larawan ng kanilang ama. "We continue the missions."

"Continue the missions? Pero kuya, hindi nga tayo sigurado kung ano saan tayo dadalhin ng mga clues ni papa."

"Exactly," ani nya. "Hindi natin alam kung ano ang nasa dulo ng daang ito. We may find our father and ask him ourselves, or we may find something else. Something worth protecting."

Oo, tama si Andreige, hindi nga nila alam kung ano ang hinahanap nila. Isang malaking sugal itong kanilang ginagawa. Isang sugal na hindi pera o anumang materyal na bagay ang nakataya kundi buhay at pamilya nila.

But despite their recent discoveries, Craige can't help but follow the trail their father left them. Hindi nya alam kung bakit pero parang may kung anong boses ang nagsasabi sa kanya na hindi pa sila dapat sumuko.

"Marv, hanapin mo si Paige. Kailangan nating maghanda."

Whatever their father was hiding, he made damn sure nobody else could find it. Masyadong pinag-isipan at pinaggugulan ng oras ng kanilang ama ang pagtatago ng kung anumang bagay ang matatagpuan nila sa dulo nito. Alam nya na ang daang tinatahak nila ay hindi patungo sa kanilang ama. Umaasa sya oo, pero handa syang mabigo sa huli.

Kilala nya ang kanyang ama. Magaling na agent ito kung kaya't makakagawa ito ng paraan upang makabalik sa kanila. After all, marami itong kailangang ipaliwanag simula na sa pagkakasangkot nito sa Tartarus lalo na ang pagsisinungaling nito sa kanila.

The DeceptionWhere stories live. Discover now