~Hurry, you're getting closer but so are they. -L.B.~
PAIGE'S POV
Sinong may sabing madali ang buhay ng isang dyosa? Ikaw ba? Pwes, let me tell you my dear, mali ka. Hindi madali ang buhay ko kasi kahit naman dyosa ako, may mga problema pa rin ako sa buhay. For example, masyado akong maganda kasi nga dyosa ako, kaya madalas ay pinagkakaguluhan ako kahit saan ako magpunta.
Minsan naman may mga patay na bumabangon sa hukay para balikan ako at patayin.
Parang ngayon.
Or at least, parang ganon.
Technically, hindi naman talaga zombie ang kalaban namin ngayon, mukha lang daw syang zombie na mistiso sabi ni kuya Andreige. At dahil nga sa kwento ni mama nalaman namin na hindi talaga namatay ang mistisong zombie na yun at sa halip ay nagtago lang sya sa kasuluksulukan ng Latin America.
Sosyal na zombie, 'no?
"Hindi ko lang talaga maintindihan," sabi ko kay Kuya Marv. Nakatitig ako sa kisame ng control room kung saan kami naroroon. "Ay kung bakit hindi sya nagpalit ng pangalan? Kung ako naman kasi ang magpa-plano ng ultimate revenge ko syempre buburahin ko ang kahit anong impormasyon ng dati kong buhay. Well, ako naman kasi yun, at matalino ako. Not to mention dyosa pa. Obviously si Landolf hindi."
"Matalino ka kasi kapatid kita," nakangiting sabi ni kuya.
"So ikaw ang batayan ng katalinuhan? E di wow, kuya." Tinawanan nya ako. "Seryoso nga kasi! Wala akong maisip na dahilan."
"Baka naman naisip nyang wala nang maghahanap sa kanya dahil ang alam ng lahat ay namatay sya sa pagsabog ng warehouse nila almost forty years ago."
Umiling ako. "Knowing Papa, i-tse-check nya ang lahat ng ebidensya bago sya matahimik. Though, something tells me alam ni Papa na mangyayari ito."
"So alam nyang buhay si Landolf?"
Nagkibit balikat ako. Iyon din ang hula ko pero para kasing may mali. Kung alam ni Papa na buhay si Landolf, sigurado akong babalikan nya ito. Tulad nga ng sabi ko kanina, hindi si Papa ang tipo ng agent na magbabakasakali lang. Hangga't maaari ay i-tri-triple check nya ang mga bagay bago sya matahimik. At isa iyon sa mga bagay na tinuro nya sa amin.
Kaya paanong nangyaring buhay si Landolf at walang ginawa si Papa para mabago iyon? May mali talaga sa mga bagay-bagay, at hindi na sila nakakatuwa!
Tulad na lang ng mga nalaman namin pagkatapos ng mga revelation ni Mama kahapon. Lahat kami ay nagkanya-kanyang alisan para i-absorb ang mga pangyayari pero bago matapos ang gabi ay nagkita-kita rin kami sa HQ. Nagkagulatan pa nga kami nang makita namin ang isa't-isa roon. At oo, kasama si Kuya Andreige na nagmakaawang madischarge na.
"Hindi rin kayo makatulog?" tanong ko sa mga kapatid ko. Naririto kami ngayon sa opisina ni Papa. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, basta na lamang akong dinala ng mga paa ko sa lugar na ito.
Tumango si Kuya Craige at binuksan ang ilaw. Si Kuya Andreige ay bahagyang ngumiti saka tumango.
"Hindi ko kayang matulog, pakiramdam ko may kailangan akong gawin," sabi ni Kuya Marveige.
Alam ko kuya, pare-parehas lang tayo ng nararamdaman. At habang tintignan ko sila, alam kong iisa lang ang iniisip namin. Kailangan naming mapigilan si Landolf. At para magawa iyon, kailangan naming malaman kung sino sya- kung anong mga ginawa nya para magbunga ng ganito ang mga pangyayari noon.
Pero higit sa lahat, kailangan namin si Papa.
At isang lugar lang maari naming puntahang magkakapatid para mahanap ang sagot sa mga katanungan namin.
YOU ARE READING
The Deception
AksiFan fiction story about MsButterfly's BHO and The CAMP series. Formerly: He's Our Secret Agent Father and He's Gone.