Paige's POV
Napangiti ako nang may maramdaman akong yumakap sakin mula sa likod. Kasabay non, may nagpaulan ng mumunting halik sa leeg ko.
My insatiable husband.
Tumingala ako at tinignan ang langit na ngayon ay parang black cloth na binuhusan ng sandamakmak na sequins. Hinayaan ko nalang si Aries na mag-ala bampira at papakin ang leeg ko. He loves nuzzlling my neck. Hindi ko alam kung bakit.
"Aries."
"Hmm?"
"*laughs* hindi ikaw ang kinakausap ko. I was referring to the constelation up above." Itinaas ko yung isang kamay ko at itinuro yung constelation.
"Baby, mas gwapo ako dyan."
Tsk tsk, wala naman akong sinabing hindi sya gwapo. Minsan may pagka-abnormal din tong asawa ko.
Tama nga si Thea. Minsan walang alam sa mundo si Aries.
Napatawa nalang ako nang maalala ko yung sagot nya nang sabihin ko sa kanya yon.
"Anong nakakatawa?"-Aries
Tinignan ko sya at ngumiti. "Wala. Nalala ko lang yung sinabi ni Thea at yung sagot mo."
"hmm, it's true, Wala naman talaga akong alam sa mundo, most of the times dahil.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ikaw lang ang laging laman ng isip ko."
>///////////////<
Bolero.
Tinawanan ko lang sya at tatayo na sana ako nang parang sawang kumapit sya sakin. Haay, ilang araw na syang ganya. Three days to be exact, daig pa nya ang anino ko sa pagkapit sa akin. Hinayaan ko nalang dahil alam kong sinusulit lang nya ang unexpected vacation namin.
Yup. Bakasyon.
Unfortunately nang malaman ni Aries ang proposal ni papa sa aming magkakapatid, hindi na sya nag-aksaya ng panahon at nag-empake agad. Muntik pa nga ako kaladkarin sa private jet nya sa sobrang excitement.
Mabuti nalang napigilan ko sya dahil unang-una kawawa kami kapag si Aries ang nagpiloto sa ganyang state nya.
So instead na sya ang magpiloto, ako na ang nagprisinta. Ang kaso, matatalino nga pala ang mga kapatid ko. Natalikod lang ako sandali...
.
.
.
.
.
.
.
nakasakay na sila sa jet at natutulog. -________-
Anyway, hindi na ako nagreklamo dahil pwede namang mag-auto pilot yung jet. Pumunta lang ako sa cockpit kapag maglalanding kami at para i-check kung okay lang ang engines. Salitan kaming magkakapatid dahil masyado naman yata silang madaya kung hindi sila kikilos.
Sa Greece napagtripang magbakasyon nila kuya Craige at Thea, don't ask me why dahil hindi ko rin alam, while sila kuya Andreige at Cass ay sa Paris dahil gustong magshopping ni Cassie doon at last but not the least, sila Kuya Marv at Kate ay naisipang bisitahin si Queen Elizabeth at magpaka-duchess ang dakila kong hipag kaya sa England sila pumunta.
YOU ARE READING
The Deception
AksiFan fiction story about MsButterfly's BHO and The CAMP series. Formerly: He's Our Secret Agent Father and He's Gone.