Paige's POV
"Autumn, kelan ka pa natutong humawak ng suklay?"
"Kanina lang. Mga one minute ago."
"Kung sino man ang nagturo sayo, iharap mo sa amin at nang mabaril sa ngala-ngala."
pfft---bwahahahaa
Binelatan lang ni Autumn si Quin at ipinagpatuloy nya ang pagkain ng piatos habang nakahiga sa sofa. As usual, para na namang pugad ng kung ano man ang buhok niya dahil nga raw hindi sya sanay magsuklay not until one minute ago.
Nandito kami ngayon sa laboratory ni Rain, at tulad ng isang ordinaryong araw, magulo ang ayos ng lab nya, Kung anu-anong kalat at laruan ng mga chikiting ang nasa sahig. Yung mga table naman puro basyo ng pagkain.
Kasalukuyang ikinakabit ni Sophie yung listening device sa akin nang pumasok sa lab sina Aries, Warren at Kuya Craige. Katatapos lang akong ayusan ng mga babaeng agents kahit sinabi kong ako nalang. Pero haleeer, sino bang makaka-awat sa mga baliw na to kapag may napagtripan sila? Kahit nga mga asawa nila walang magawa, ako pa kaya?
Hinayaan ko nalang sila kaysa magtalo pa kami. Bored lang ang mga yan at naghahanap mg pampalipas oras at nagkataong ako ang napagdiskitahang gawin manikha.
LITERALLY.
Bakit ko alam?
Natural, isa ako sa kanila eh.
Mas matino nga lang ako.
^________^
Anyway, saktong pag-abot sakin ni Wynter ng black garment bag ay syang pagpasok naman ni Kuya Craige, Warren at Aries sa loob. Tahimik na umupo lang sya sa isa sa mga bakanteng upuan doon habang ako naman ay pumasok sa na make-shift dressing room sa isang sulok ng lab.
Isang sulok lang yun na tinakpan ng mga kurtina para maging dressing room. Ayos lang naman kahit walang ganon. Kahit kasi maghubad ka sa harap ng mga lalaki dito, hindi ka nila papansinin, not unless asawa nila yun. Pero dahil nga sa pagka-"SELOSO" at "OVER PROTECTIVE" ng mga asawa namin ay naisipan narin naming maglagay ng ganto.
Binuksan ko yung garment bag at inilabas ang isang black laced floor length dress na tiyak ay galing kay tita kat.
-____- yun nga lang hindi ko maabot yung zipper.
Pero dahil sadyang maganda ako, lumabas ako sa dressing room at nilapitan ang ever gwapo ang yummylicious kong asawa na agad namang tumayo at isinara yung half-closed na damit ko. His fingers lingered on my skin. PInabayaan ko nalang dahil kahit tahimik si Aries, alam kong nag-aalala yan.
Umikot ako at humarap sa kanya. I cupped his face inside my hand pagkatapos ay binigyan ko sya ng magaang halik.
“I’ll be fine, Aries. Ilang beses ko na bang ginawa to?”
‘*sighs* Alam ko, Paige pero hindi mo naman sakin maaalis ang pag-aalala. You’re still my wife.”
“ Your beautiful, gorgeous and hot secret agent secretary and wife.” –Me
Napangiti sya. “And the love of my life.”
>////////////< ayiiee, ang sweet.
“Ehem, bago ka pa sagpangin ng kapatid kong uhaw at hayok, lumayo muna kayo sa isa’t-isa. Paige, ang mga gadgets mo.” –Kuya Craige
-____- panira talaga ng moment tong si kuya kahit kailan “Kuya, parang hindi ka ‘Uhaw at Hayok’ pagdating kay thea.”
“Wala akong sinabi.”
YOU ARE READING
The Deception
AçãoFan fiction story about MsButterfly's BHO and The CAMP series. Formerly: He's Our Secret Agent Father and He's Gone.