Chapter 11: ~Good Luck~

1.5K 22 5
  • Dedicated to Lei Duque
                                    

Chapter 11: ~Good Luck~

~ Trust only yourselves because from this moment on, you could not trust anybody else. - L.B.~

Paige's POV:

Ang nakangiting mukha ng ever gwapo kong asawa ang unang bumungad sa akin pagdilat ko ng aking mga mata. He was laying on his side of the bed, his head propped up on his hand. Pinagmamasdan nya lamang ako, may mumunting ngiting naglalaro sa kanyang mga labi.

"Good morning, handsome," nakangiti kong bati sa kanya.

"Mas maganda ka pa sa umaga, baby."

Napahagikgik ako. "Alam ko."

Napatahimik kami. Si Aries nakatitig pa rin sa akin, habang ako naman ay nakatingin sa kisame. Alam kong nag-aalala siya, kahit hindi nya sabihin. Iyan pa, masyadong over-protective yan. Sabi ko nga sa kanya minsan, hindi na ako magugulat kung maaga syang mamatay dahil sa atake sa puso. Pasalamat sya masaydong advance ang mga bagay-bagay dito sa BHO CAMP, kaya may magagawa kami kung sakaling mangyari iyon.

Of course, alam naman nating lahat na ang dyosang tulad ko ay may karapatan ding magbiro. Kaya lang ang dakila kong asawa ay biglang napasimangot at tinignan ako ng seryoso sabay sabi ng, 'Paige, it is my job to worry about your welfare. You are mine and I take good care of what is mine. That, and the fact that I love you so much.'

Ano pa bang ginawa ko? Eh di tumalikod ako sabay dial ng number ng Jollibee para magpadeliver. O, alam na this. Syempre ni-lock namin ang pinto, nasa bahay kasi ang kambal. Mahirap na, baka masyadong mapaaga ang pag-pollute ng inosente nilang pagkatao. SPG kasi. Hihihi.

"I know you're worried," basag nya sa katahimikan. "Lahat naman tayo nag-aalala. Pero magtiwala ka lang, baby. Ginagawa naman natin ang lahat para mahanap sya. Magtiwala ka lang."

"I can't help it. I guess, hindi mo naman siguro maiiwasang mag-alala para sa taong mahal mo."

"Yes, alam ko," tumingin ako sa kanya. "Lalo na kapag ang asawa mo ay isang super hot na secret agent."

"Che."

Hinapit ako ni Aries palapit sakanya. Ipinalibot nya ang mga braso nya sa baywang ko saka ako ginawaran ng magaang halik sa labi. "Your brother will be fine, Paige. Stop worrying."

Oo, si Kuya Andreige ang dahilan ng pag-aalala ko. Limang araw na ang nakakalipas mula nang sabihin ko sa kanila yung natuklasan kong clues na iniwan ni papa. Dalawang araw pagkatapos nun, umalis si kuya patungong....

Australia.

Queensland, Australia to be exact.

Yep. International na ang peg namin. Nagtataka kayo kung paano namin nalaman kung saan ang next location ng mission? Simple lang yan.

Magaling kami.

Pagkatapos kasi nung mumunti naming show sa meeting, inutusan ni Kuya Craige ang lahat na bumalik na sa kanya-kanyang trabaho. Translation: Balik sa Control Room. Bitbit ang mga gamit, kasama na yung mapa na nakuha ko sa bar ko. Take note, naka-frame pa rin iyon.Ibinalik ko kasi sa dati pagkatapos kong pakielamanan. Mahirap na, baka masira.

Anyway, pagpasok ko sa Control Room,  napahinto agad ako sa nakita ko. Yes, I know, matindi ang pagkabaliw ng mga agents pero ibang level na ito. Ang control room ay hindi na mukhang control room. Mukha na siyang camping site.

Literally.

May mga nakalatag kasing  mga sleeping bag, unan, kumot, at pati tent. Syempre mawawala ba naman ang sangkatutak na mga pagkain? Actually bukod sa mga nabangit ko kanina, may isang pang malaking addition sa kwarto.

The DeceptionWhere stories live. Discover now