Russell's POV
2 months ang lumipas at magruroommates parin kaming tatlo. Hindi na lumipat sa ibang room si Ronby,
komportable na kase kaming tatlo sa isa't isa. At hindi parin nagbabago sa pagiging makulit yung dalawa,
sanay na ako. Naalala nyo yung gabing sinundan ni Ronby si Andy kase pasado alas nuwebe na eh wala
pa, oo nainis ako kase umuwi sila na puro galos sa mukha, ako naggamot sa sugat nila at sa inis ko idiniin
ko yung band aid sa mga galos at sugat nila. Nangako sila na hindi na sila makikipag away dahil ayaw na
raw nila ng band aid lalo kpag ako yung maglalagay.
Wala si Andy ngayon dahil pinauwi siya ng pamilya nya sa bahay nila,kaya dalawa lang kami ni Ronby
ngayon sa room. Ang lakas ng ulan sa labas, balak pa naman namin ni Ronby na magmall ngayong araw
pero naudlot dahil sa ulan, kaya ang ginawa namin nagfood trip kami habang nanunuod ng movie sa
laptop nya. Mga bandang 4pm, ganun parin yung panahon mas lalong lumakas pa yung ulan, naka indian
seat kami ni Ronby sa taas ng bed nya habang pinapanuod namin yung patak ng ulan sa katapat na
bintana ng bed nya.
"kanta ka Ronby......"
sabi ko at lumingon sya sa akin sabay ngiti.
"mahal ang bayad sa boses ko"
sabi nya
"dali na kase...."
Pangungulit ko
"kakanta ako kaso may kapalit..."
sabi nya habang nakangiti
"at ano naman yung kapalit?"
tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay
"ibinibigay lang yung bayad kapag tapos ng kumanta....mas maganda sasabihin ko sayo yung kapalit
kapag tapos na akong kumanta, ano okay ba?"
tanong nya habang nakangisi
"sige! Bibigay ko"
sabi ko kase di ko pa talaga naririnig yung boses nya
Kinuha nya yung gitara nya na nakasabit at muling tumabi sa akin
"Headline
Rumors and lights
Something's always going round
Cold eyes judging our lives
Like they know what's going down
They want to read us like a frontpage story
Up in their business like they're paparazzi
They think we're just another tabloid crush
In the end they don't know about us
If they wanna talk, let them talk
(hey)
If they wanna whisper, then so what [?]
(hey)
They don't know about us
They don't know about us
![](https://img.wattpad.com/cover/6672085-288-k148510.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling Inlove With My Roommate Book1 Complete
Humorang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawang tao at parehas pang mga babae? kabaliwan ba o tinadhana na mangyare? this my story,nang magkaroon ako ng mga bagong roommates na nagpaba...