Chapter 20
Russell's POV
nakakunot parin yung noo ni Andy habang naglalakad kami at hawak ko sya sa braso nya,samantala nasa
kabila naman nya si Dom na tahimik na nagtetext sa phone nya at si Ronby ay tahimik na nakasunod sa
amin. Sa totoo lang wala na akong galit sa kay Ronby, saka miss ko na sya bilang kaibigan ko na nakikilala
ko sa dorm kase hanggang ngayon di ko parin maalala yung nangyari 8years ago before the
accident,siguro okay lang yun,mas masaya siguro kung gagawa na lang kami ng bagong alaala ng
bestfriend ko.
Naupo muna kami sa upuan sa isang covered court malapit sa pamilihan.
Dom-Andy-Ako-Ronby
yan yung posisyon namin sa bench.
"Andy...ngiti na di ako sanay ganyan ka..." sabi ko habang nakahawak ako sa hinliliit na daliri nya. Kapag
nakikita ko kase sya, lagi sya nakangiti at maaliwalas yung mukha nya kapag ganun kaya ang sarap nyang
titigan.
"nakakainis yung ganitong pakiramdam na para bang laging may mang aagaw sayo sa akin..."bulong nya
habang nakatuon yung paningin nya sa mga batang naglalaro ng basketball, napangiti ako kaya ang
ginawa ko mabilis ko syang hinalikan sa pisngi,nagulat pa sya at napalingon sakin, tumaas pa yung isa
nyang kilay,
"ngiti na kase....." sabi ko
"kase panira ng araw yang katabi mo eh!" parang batang nagsusumbong sa akin.
"wag mo na lang sabayan kase yung balangkas ng utak nitong si Ronby...." mahinang pagalit ko sa
kanya....
Pagkatapos na kumalma na nitong si Andy ay napagpasyahan na naming mamili ng pagkain na dadalhin
namin sa camping kuno na gagawin namin sa tabing ilog mamayang gabi...sino may nagplano? Si Dom
ewan kung ano yung trip nya...nagpahatid lang kami kay mang Teban dito sa Pamilihan kase kung
gagamitin namin yung kotse nitong magpinsang 'to sigurado iyak-tawa tong dalawang 'to kase malubak
yung daan...kaya sa pag uwi namin ay mamasahero kami at magpapasundo na lamang sa entrada ng
hacienda. Ngayon, hindi lang si Andy yung tanung ng tanong! Pati itong si Dom gosh! Parang mga galing
sa outer space!
"Ei! Dom...ito yung kinukwento ko sayo na baklang isda na nakita ko sa palengke malapit sa
resthouse..." proud na sabi ni Andy at parang bata si Dom na nagnining yung mga mata habang nakatitig
sa mga isda sa harap nila
"Ang husay nga pala color pink...bakla talaga 'to???" tanong ni Dom kay Andy,di ko alam kung matatawa
ba ako o mahihiya sa sobrang kainusentehan nitong dalawang to kase nakuha na nila yung atensyon ng
mga tindera at mga namimili,
"parang mga tanga naman yung dalawang 'to" bulong ni Ronby sabay lapit sa tindera ng isda
BINABASA MO ANG
Falling Inlove With My Roommate Book1 Complete
Humorang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawang tao at parehas pang mga babae? kabaliwan ba o tinadhana na mangyare? this my story,nang magkaroon ako ng mga bagong roommates na nagpaba...
