Chapter 11
Nagpunta kami ni Andy sa isang Botanical Gareden siguro mga 30 minutes yung layo nya mula sa Resort
na pinag stayan namin. Pagpasok namin naamazed ako sa sobrang ganda. Ang gaganda ng mga halaman
at bulaklak. Nakacategorized yung mga bulaklak according sa kulay nito.
"madalas kami ni Dom dito..."
sabi ni Andy habang hawak nya yung mga kamay ko.
"si Dom lang yung lagi mong kasama parati?"
tanong ko, "nasaan mga kaibigan mo?"
"uhmmm...
they left me, when they knew that my Mother left us because of her ambition...si Mamita na
yung nagpalaki sa akin....dahil di raw maganda ang idudulot ko sa samahan nila,kase I came from a
beautiful broken family and that time naglalaseng si dad kase sa nangyare, yung kumpanya namin that
time nasa alanganin kaya lahat ng kaibigan ko nawala at wala ni isa ang tumulong....ang meron lang ako..
si Dad, si kuya Adam,si mamita and Dominique...nahirapan akong magtiwala ulit sa iba kase baka iwan
lang nila ako ulit, nung 1st year college ako, I enter women's basketball team just for fun at hindi ako
nagsisi kase nakilala ko sina Anderson, cortez at Tan..."
sabi nya, "okay na ko kase nakakangiti na
ko...naibangon na ni kuya yung kumpanya yun nga lang..they need to move in London dahil nandoon
yung kumpanya namin. At may mga kaibigan na ko at dumating ka sa buhay ko...:"
sinserong
pagkakasabi nya. Grabe heto na naman yung puso ko....pinipigilan kong kiligin sa harap nya kase
nakakahiya
"Gisado....."
bulong ko. At natawa sya. Hindi ko sya masisisi kung bakit ganun yung pakikitungo nya sa
iba dahil na rin sa pinagdaanan nya,yung kakaibiganin lang nila ko dahil sa pera tapos kapag wala na
iiwan ka na nila...
"hinding hindi kita iiwan Andy...."
Sabi ko at ngumiti sya at nagrereplika sa mga mata nya na masaya sya
sa sinabi ko.
Mayamaya ay dinala nya ako sa isang section ng Botanical Garden, na hinihiwalay ng parang
kulambo.pag pinasok mo yung loob sobrang luwang at maamoy mo yung sobrang bangong mga
bulaklak.
Mayamay ay pinaharap nya ko sa kanya at kalahating hakbang lang yung agwat nya sa akin. Sobra ang
ngiti nya sa akin.
"di ko kayang ibigay sayo yung paraiso pero sa tingin ko kahit katiting na part nun kaya kong ipakita sa
yo...."
Sabi nya sabay tingala kung kaya sinundan ko ng tingin yung tinitingnan, tumingala din ako.
Sobrang amaze ko sa nakita ko...pinakawalan nila yung sobrang daming paru-paro . yung iba dumapo na
sa braso ko, sa balikat ko at sa daliri ko. Pagtingin ko kay Andy...natulala ako kase sobrang cute nya
noong dumapo sa ilong nya yung paru paro kung kaya kinuha ko yung phone ko at pasimple ko syang
kinuhanan ng picture. Sa lahat ng ginagawa nya sa akin lalo lang akong napapamahal sa kanya.
Napapangiti ako sa pagmamasid sa mukha nya..di ako makapaniwala na kahit papaano may part ako sa
puso nya..nabigla ako noong nagsalita sya at malungkot yung mga mata nya.
"If
someone gave you a bouquet of flowers...Russell, I will give you a garden....and if someone offers you
the ocean...I'd rather give you an aquarium with 3 to 5 fishes....and if someone offers you expensive
things.... I will give you precious moments that you can think everywhere you go...I'm sorry because I
can't
offer you impossible things...yung lang yung kakayahan ko ang ibigay sayo lahat ng posible....i want
you to know..."
lumapit pa sya sa akin, ako tumutulo na yung mga luha ko sa saya dahil sa mga sinasabi
nya. Hinawakan nya yung mga kamay ko at tumitig sa mga mata ko..
"that I'm so sorry....because I love you roommate....."
sabi nya at naglandas na rin yung mga luha nya
Napaiyak na ako sa sobrang saya....mahal nya ko!....yinakap ko sya ng mahigpit...hindi ako
makapaniwalang mahal nya ko...
"b-bakit ngayon mo lang sinabi.....?"
tanong ko habang nakayakap ako sa kanya at ayaw lumubay ng
pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko
"ei nilalamon kase ako ng hiya,takot at selos kay Ronby..."
pag aamin nya,
"hayaan mo lang akong mahalin ka...kahit walang kapalit..."
sabi nya
"Andeng...mahal kita...."
Bulong ko
"talaga?!!!"
sabi nya na hindi makapaniwala, batay sa boses nya masaya sya..at tumango ako...
Simula ngayon, akin lang si Andy...sa kanya lang ako...ipaglalaban ko sya kung sakaling ayaw sa kanya ng
pamilya ko....sya lang yung kailangan ko...masaya ako sa piling nya. Di yata kakayaning mawala sya sa
akin...
........................................................................................................................................................................................
Sorry antok na ko kaya ganito lang to pero next chap seryoso babawi ako...pagod kase sa school eh

BINABASA MO ANG
Falling Inlove With My Roommate Book1 Complete
Humorang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawang tao at parehas pang mga babae? kabaliwan ba o tinadhana na mangyare? this my story,nang magkaroon ako ng mga bagong roommates na nagpaba...