Russell's POV
Nakakainis hindi na matuloy tuloy yung kiss namin TT^TT asar! Tagal ko kayang pinagpapantasyahan
yung lips nya...tapos nung ayun na...na mangyayare na....eish! kung may malapit lang na crocodile farm
dito sa Botanical Garden....itatapon ko yung cellphone nya dun!!! Abot ng ring....ang daming tumatawag
sa kanya....seryososo? basketball player ba sya o call center agent? Grabe kakapikon... malaman ko lang
kung sino yang abalang tumatawag na iyon...idu-donate ko lahat ng organs nya!!! Ako galit? Hindi....hindi
ako galit! Kalmado nga ako eh! Wala talaga sakin yung nangyare...kiss lang naman yun! Hindi sya big
deal!!! Sa taong mahal na mahal mo lang naman manggagaling yun!!! Di ko sya pinangarap ng matagal!!
Nagyaya na syang umuwi ng resort , habang nagdadrive sya...ayun sagad ang ngiti...ako...di ako stress..di
nga makangiti!!!
"uhmmm..bakit ganyan mukha ng baby ko? Smile..." sabi nya habang palipat lipat ang paningin nya sa
daan at sa akin habang nagdadrive
"wala...." Walang ganang sagot ko
"anong wala eh hindi maipinta yang mukha mo....ano nga?" kulit nya sa akin
" so sinasabi mong panget ako!" sabay hampas ko sa braso nya
"awww! ......maganda ka... eish! Bawal idiomatic expression ngayon baby?...." mayamaya pinarada nya
sa gilid ng daan yung kotse.
"anong problema? " tanong nya habang hawak hawak yung kamay ko at kapag ganito syang tumitig sa
akin sira dipensa kong magdrama at hindi ko magawang magsinungaling na okay ako.
"sino ba kase yung tumatawag sayo....?" Halos pabulong kong tanong ...totoo? Nagseselos ako..baka
mamaya may iba na sya
Natawa sya ng mahina, "ei sina Dom lang naman yung tumatawag...minamadali tayong umuwi ng rest
house.....may surprise daw sila..." mayamaya ay marahan nya kinabig yung batok ko papalapit sa
kanya...gosh! Kala ko marereceived ko na yung kiss ko pero sa pisngi nya lang ako hinalikan.
At pinagdikit nya yung noo namin
"ano kaya yun..." bulong ko at natawa sya.
"gagawin natin yun ng espesyal at walang interruption...sa ngayon babaliin ko muna yung leeg ni
Dominique sa abalang dulot nya..." sabi nya at pinakawalan na nya yung batok ko at inaayos na nya yung
seatbelt nya
"talaga?" tanong ko ,gagawin namin yun ng espesyal. Ang saya ko
"oo..babaliin ko talaga leeg ni Dominique...buwiset sya!" natatawang sabi nya, ang kulit din ng isang to
eh.kurutin ko nga yung braso nya...asar to ang layo ng sagot!
"ouchhh! O-oo....hi-hindi na----di ko na babaliin leeg nya promise.....awww! baby masakit...." Di nya alam
kung matatawa sya o maiiyak, kaya itinigil ko na yung pagkurot sa kanya
Nang makarating kami ng resthouse,pinagbukasan pa nya ko pintuan ng kotse para makababa.
BINABASA MO ANG
Falling Inlove With My Roommate Book1 Complete
Humorang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawang tao at parehas pang mga babae? kabaliwan ba o tinadhana na mangyare? this my story,nang magkaroon ako ng mga bagong roommates na nagpaba...
