Chapter 7
Russell's POV
Nagising ako ng bandang 6:30am, wala akong katabi at biglang nagflashback sa akin yung kiss,tama!
Naconfirmed ko na sa sarili ko na mahal ko sya,na hindi dapat ako matakot sa feelings ko,hindi ko
naramdaman ito kay Silver. Iba yung sayang dulot kapag sya yung kasama ko at lalong napatunayan ko
iyon sa halik na pinagsaluhan namin kagabi. Tama, bakit ipipilit ko yung feelings ko kay Andy kung wala
naman syang pakielam sa akin. Aaminin ko,noon mas matimbang yung feelings ko kay Andy pero
nagbago kagabi noong halikan ako ni Ronby at pinaramdam nya sa akin na mahal nya ako at hindi nya
ako papabayaan kahit walang isang salita ang lumabas sa bibig nya. Kontento na ako doon. Laging nasa
tabi ko si Ronby, inaalagaan nya ako at hindi nya ako iniiwan. Hindi tulad ni Andy...
Bakit ka nag aasume na may feelings sayo si Andy!!!???
Hiyaw ng isang part ng utak ko!
Bakit ko nga ba sila pinagkukumpara? Sa lahat ng kaibigan ni Andy ganun sya...sweet sya...namiss
interpret ko ba yung lambing at pagkecare nya sa akin ng babaeng yun? Oo! Tama! Namiss interpret ko
lang yun! Di ko maiwasang malungkot at magselos kapag naiisip kong sweet at caring si Andy sa iba
nyang kaibigan,mapababae o mapalalake man....ang selfish ko na! bakit gusto ko yung atensyon nilang
dalawa sa akin lang!? tama. Si Ronby...kay Ronby ko na lang ibibigay to...itong puso ko...nasabi nya sa
akin na gusto nya ako...walang masasayang kung si Ronby...
Naputol yung pagmumuni ko noong nagbukas yung pintuan ng kwarto namin, Si Ronby at may hawak na
take out na pagkain.
"Good morning!" masaya at nakangiting sabi nya sa akin sabay sara ng pintuan. Imbis na sumagot
ako,patakbo ako lumapit sa kanya at yinakap sya. Naramdaman kong nabigla sya noong una pero
yinakap nya din ako.
"may problema ba?" nag aalalang tanong nya sa akin.
Isinubsob ko yung mukha ko sa balikat nya at umiling ako, "a-akala ko di mo na ako babalikan eh....akala
ko hahayaan mo akong mag isa dito..." sabi ko, natawa sya ng mahina
"di ko hahayaang mangyari yun...tara kain tayo ng breakfast..." sabi nya kaya bumitaw ako ng
pagkakayakap sa kanya. At sumampa kami sa kama ko, nagkukwentuhan kami habang kumakain ng
magbukas yung pintuan namin, niluwa noon si Andy na hihikab hikab, at nanlalatang ibinaba yung bag
nya sa may bed nya at saka umakyat din ng kama ko para saluhan kaming kumain.
"welcome back" masayang sabi ni Ronby sa kanya. Kinuha ni Andy yung burger at sabay kagat
"miss me?" sabi nya habang ngumunguya ng burger at nangingiti pero halata sa mata nya na sobrang
kulang sya ng tulog
"text mo sa akin kagabi na uuwi ka ng dorm...." Sabi ni Ronby
Hindi nya sinagot imbis tumingin sya sa akin...yung tingin nya naman na iyon na para bang ako lang yung

BINABASA MO ANG
Falling Inlove With My Roommate Book1 Complete
Humorang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawang tao at parehas pang mga babae? kabaliwan ba o tinadhana na mangyare? this my story,nang magkaroon ako ng mga bagong roommates na nagpaba...