The offer

8.2K 200 4
                                    

Chapter 22  

Andy's POV

Mabilis kong pinatakbo yung kotse ko papunta sa bahay ni Ronby, mag isa lang syang nakatira doon  

dahil yung pamilya nya nasa New York na nakabase dahil nandoon na yung negosyo nila.

Pinarada ko kaagad yung kotse ko sa gilid ng gate nya. Sa may tapat ng pintuan nya kakatok sana ako  

kaso nagbukas iyon at may babae syang hawak sa braso at pilit nyang pinapalabas kaya tumabi ako sa  

gilid para di ako nakaharang at abala sa kanila habang nagtatalo sila.

"HINDI KA NAGPAKITA SA AKIN NG ILANG ARAW AND THEN YOU'RE DECLARING NA TAPOS NA TAYO!!!!  

MATAPOS LAHAT GANUN GANUN NA LANG!!!!" galit na hiyaw sa kanya nung babae

"You know what Camile....." magpapaliwanag sana si Ronby sa kanya kaso sinampal sya nung  

babae....napangiwi ako sa nakita ko kaya binaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko! Uso sampalan  

ngayon???

"THE F**K!!! I'M NOT CAMILE!!!! SA LIMANG ARAW NA NAGING TAYO YOU THOUGHT IM CAMILE????  

FRANCE YUNG PANGALAN KO!!! AT SINO YUNG PINALIT MO SA AKIN??? ITO BA?" hiyaw ng babae  

sabay turo sa akin pero di sya nakatingin sa akin dahil galit syang nakatitig kay Ronby

O.O---•  

ako

Napalunok ako...baka mamaya sampalin ako ng babaeng to maga na yung mukha ko sa daming sinapong

sampal ng pisngi ko sa nanay ko! Mapapatay ko tong si Ronby kapag nagkataon!

"PAPALITAN MO NA LANG AKO SANA MAGANDA NAMAN HINDI YUNG MUKHANG....." sabi nung babae

ng mapalingon sya sa akin ay natahimik sya at titig na titig sa mukha ko

"ANO? DYOSA?" natatawang sabi ko pati si Ronby nagpipigil ng tawa

"ano kase....France ba? Ikaw lang nag assume na tayo....actually I'm hanging out someone else right now  

and I think....gusto ko sya..." sabi ni Ronby at saka nya ko hinila palapit sa kanya at sabay akbay sa akin  

kaya napataas na yung kilay ko! Lecheng babaeng 'to ginawa pa akong isa sa mga babae nya na pang  

dispatya sa mga babae nya na nagkakandarapa sa kanya,

"masyadong abala ka na sa 'LAMBINGAN SESSION' namin nitong....sexy chicks ko?..." dagdag pa nya

Shit! Nakakakilabot yung session thing na pinagsasabi nitong kurimaw na to! Sige lang Andy sakyan mo  

lang yung trip nitong si Ronby dahil sasakit bungo nya sa favor na hihingin mo sa kanya!

"PAGSISIHAN MO TO RONBY ESPINOSA!!!!" at nagwalk out yung babae pero pagtapat nya sa kotse ko

pinukpok nya yung high heels nya dun!!!! Shemay! Di ako nakahinga sa pagkabigla dun! Y-yung sports

car ni daddy!!! nagkalamat yung wind shield!! Pagkatapos mabilis na sumakay ng kotse nya yung  

babae....peste sya! Papahunting ko talaga sya!lintik na kamalasan yan! Sunud sunod ang dating sa akin!

Nanlulumo akong lumapit sa kotse ni Dad....parang gusto kong maiiyak....Mercedes Benz SLR McLaren

kaya to!!!

Falling Inlove With My Roommate Book1 CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon