Russell's POV
Pasado alas-nuwebe na ng gabi at wala parin si Andy. Kasama ko ngayon si Ronby na tahimik na nakaupo
sa bed ni Andy. Kita rin sa mga mata nya na nag aalala din sya kay Andy. Paano ba naman 10pm yung
curfew, sigurado masasabon sya ng sermon sa admin namin na bantay ngayong gabi. Narinig ko
napabuntong hininga si Ronby sabay lakad papunta sa locker nya at kuha ng isang black jacket na may
nakaprint sa likod na MECHANISM. Humarap sya sa akin
"hahanapin ko lang sya....dito ka muna, ako ng bahala"
sabi nya at saka sya umalis.
Isang oras yung lumipas at wala parin yung dalawa,malas lang wala akong cellphone number nilang
pareho.sa pagkatulala ko sa pag aalala, Nagulat ako ng magring yung phone ko
(Silver calling)
Sinagot ko agad yung tawag nya
"hello....."
sabi ko
"hi baby? Kamusta ka na? pasensya ka na nagyon lang ako nakatawag sobrang busy sa school eh"
sabi ni
Silver sa kabilang linya.
"okay lang....ikaw kamusta?"
sagot ko
"okay lang din......miss na kita...."
Sabi ni Silver, sa di ko maintindihan yung sarili ko kase mukha nina
Andy at Ronby yung nagflash sa isip ko,napailing ako. Hindi nag aalala lang ako sa kanilang dalawa.
"m-miss na rin kita....ingat ka parati dyan huh....sige na pahinga na ako at ikaw rin..."
sabi ko
"sige.... I love you..."
sabi nya, hindi agad ako nakasagot kase parang may kung ano sa lalamunan ko na
pumipigil para tugunin yung ilove you ni Silver sa akin. Buti nalang at ini-end nya kaagad yung
conversation namin. Ano ba itong nangyayare sa akin?
Andy's POV
Heto kami ngayon ni Ronby sa may gilid ng Building ng Business Department habang naglilinis ng sugat
sa mukha namin. Bakit? Napaaway kami kina Lian, yung captain ng women's basketball team ng school.
Ng bandang 9pm kanina hinarang nila ako habang papauwi na ako ng dorm, pinasukan ko na kase yung
panghapon kong klase at nung uwian inabangan nila ako. At iyon nag abot kaming pito, si Lian ayun....sya
yung pinuruhan ko, bengga na kase sakin yun,dami na nyang atraso sakin. Buti na lang din dumating si
Ronby at tinulungan nya ko..kaya pati sya nagkapasa at gasgas sa mukha. Yung grupo ni Lian ayun
sigurado di makakaharap sa tao yung mukha nila bukas...nuknukan kase ng nakayabangan.
"Andy...
I hate you!"
sabi ni Ronby habang pinupunasan nya ng yelo na nakabalot sa panyo yung gilid ng
lips nya. Napailing lang ako. Mas putok nga yung gilid ng lips ko eh. Tapos may gasgas pa yung sa
bandang kaliwa ng kilay ko at sa may bandang baba ko may gasagsa din maka I hate you sya.
"tsk! Bigyan na lang kita chocolates mamaya sa dorm...."
Pangsusuhol ko
"di naman sayo yun...yabang mo makaalok...."
Bulong nya kaya natawa ako kase lahat ng chocolate sa
locker ko galing kay Russell.
"uwi na nga tayo....."
yaya ko at sumunod naman sya sa akin.
Habang naglalakad kami tahimik lang kami pareho marahil sa pagod. Naisip ko si Russell, ang weird ng
feelings ko kapag malapit sya sa akin,lalo na nung una kaming nagkita.....hindi iyon nung naglipat ako sa
dorm, anim na buwan na ang nakakaraan noong una ko syang nakita, ito yung nagsemminar yung school
nila sa school ko dati. Yun nga lang ngumangawa sya sa may garden ng school namin, but the moment
na hinawi nya yung buhok nyang nagkubli sa mukha nya doon ko naramdaman yung paghinto at
pagkawala ng sound ng paligid ko,may sound nga pero iyon ay ang heart beat ko,napasinghap ako para
matauhan ako at simula noon lagi na kaming nagkakasalubong sa mall at madalas sa coffee shop malapit
dito sa school pero di nya ko pansin AWWW! Sa cute kong to.....ano ba tong feeling ko na to toward her?
Kung tutuusin mas maganda ako sa kanya,kahit nasa women's basketball club ako , hindi naman maton
tong katawan ko,ang sexy ko compare sa kanya,pwede nga daw akong magmodel, hay! Marami akong
naging boyfriend,yun nga lang may expiration silang lahat.okay aaminin ko, ngayon lang ako na attract
sa isang babae at kay Russell yun, sya yung dahilan ko kung bakit ako lumipat dito sa school na ito at
hindi ko na man akalain na magiging mag roommate kami. Ang saya sa feelings kase malapit na sya sa
akin at desperada na akong maging kaibigan nya. Willing na akong magtiwala ulit sa ibang tao, handa na
akong papasukin sina Russell at Ronby sa buhay ko.
"ANDREA!!!!!"
hiyaw sa akin ni Ronby
Ano ba tong babaeng to makasigaw wagas eh ang lapit ko lang kaya sa kanya!!!!
"Ano ba Ronby!!!!!!???"
inis na hiyaw ko rin sa kanya
"kanina pa ako salita ng salita dito tapos ikaw parang aning kung makangiti dyan!!! Trip mo ding
maglakad noh? Utang na loob lagpas na tayo sa dorm! San mo ba balak magpunta huh? Gutom na ako
at sigurado ganun din si Russell kanina ka pa namin iniintay para sabay sabay na tayong kumain"
inis na
sabi nya.
Naku! Patay!
Dali dali kaming umuwi ng dorm,di naman ako pagagalitan ng admin kase malakas yung pamilya namin
sa school at sa dorm na iyon. Hala hindi pa sya kumakain! Ang tanga ko.!!
Pagkadating namin sa may tapat ng pintuan ng dorm,nag uunahan pa kami ni Ronby sa pagbukas ng
pintuan, pagkapasok namin ng room namin, mapatigil kami ni Ronby ng makita namin si Russell na
natutulog sa sofa sa gilid ng bed nya, nabigla na lang ako noong magkabanggaan yung kamay namin ni
Ronby na sabay pala kaming hahawak sa balikat ni Russell para gisingin sya,kahit sya nabigla din at
nagkatinginan kami at saka baling nya ng tingin kay Russell na mahimbing na natutulog. Doon ako
nakaramdam ng takot.....hindi kaya gusto nya si Russell?
......................................................................................................................................................................................
Comment kayo....para maimprove ko yung writing skill ko hahaha first time ko lang gumawa nito sorry sa
wrong grammar...
salamat sa pagbabasa
![](https://img.wattpad.com/cover/6672085-288-k148510.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling Inlove With My Roommate Book1 Complete
Humorang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawang tao at parehas pang mga babae? kabaliwan ba o tinadhana na mangyare? this my story,nang magkaroon ako ng mga bagong roommates na nagpaba...