Russell's POV
Yung lungkot sa mga mata nya mabilis na nawala,at saka sya ngumiti sa amin. Bumangon ako sa kama
habang si Ronby naman ay hihikab hikab na nakaupo sa kama ko at yakap ang unan nya. Tinabihan nya
ako matulog sa kama ko kase natakot ako nung nagblackout kagabi. May phobia ako sa dilim dahil sa
aksidenteng kinasangkutan ko 8 years ago.
"
A-Andy ano kase.....yung nakita mo....."
hindi ko n natapos yung sasabihin ko ng humirit sya
"wala kang dapat na ipaliwanag sa akin Russel...bakit ka magpapaliwanag sa akin? Mag ano ba tayo?"
nakangiti nyang sinabi sa akin. Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit parang piniga yung puso
ko ng marinig ito mula sa kanya. Oo nga,bakit ako magpapaliwanag sa kanya eh wala namang TAYO sa
pagitan namin.di ko alam kung bakit nag init yung gilid ng mata ko, napasinghap ako ng hininga ko para
hindi mahulog yung mga luha ko na kung tutuusin walang sense kung bakit papatak sya ngayon.
Napatango lang ako bilang tugon sa mga tanong nya na masakit sa loob ko yung sagot. "ligo lang ako..."
paalam ko, kinuha ko yung towel ko at saka ako lumapit sa locker ko para kumuha ng underwear ko.
Narinig ko yung kaladyaan nilang dalawa doon sa kama ko.
"Kala ko ba bestfriend tayo bakit di mo sinabi sa akin na may something na pala sa inyo ni Russell? I
hate you Kamote! Roommate nyo akong naituring bakit naglihim kayo sa akin...."
Naghihinampong turan
ni Andy
"Ano ka ba Kamote aksidente yung nakita mo kanina? Linis linis din ng maberdeng utak pag may time..."
natatawang sabi ni Ronby na halata din sa boses nya na tense sya sa nangyare. Dumiretso na ako sa loob
ng banyo at nilock iyon. Pesteng luha na to! Kumawala na sa mga mata ko.Asar kang Andy ka!
Simula ng dumating sila sa buhay ko,hindi na naging stable yung relasyon namin ni Silver. Kagaya
ngayon,mag iisang buwan ng hindi tumatawag sa akin at kasalanan ko kung bakit, nakalimutan ko kase
yung anniversary lang namin. Ilang beses ko sinubukang magsorry sa kanya...wala deadma. Kung bakit
ko nakalimutan? Masyado na akong stress sa pag iisip sa feelings ko sa dalawa kong roommates.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi naman ako ganito dati, na maattract sa kapwa ko babae at ang
malala sa dalawang tao pa!di na tama to eh. From now on.....papatayin ko na yung feelings ko sa
dalawang yun...simpleng pagkacrush lang to!
Andy's POV
Kasama ko ngayon yung pinsan ko, si Dominique,nagmomodelo sya habang nag aaral. Na sa isang party
kami ngayon ng kaibigan nya,isinama nya lang ako dahil naramdaman nyang malungkot ako. Husay ng
instinct nya kase totoo. Nasa labas kami ng bahay ng kaibigan nya at nakasandal kami sa bagong kotse
na regalo ni Kuya Adam sa akin, Lamborghini Aventrador na kulay Green.may kakayahan akong mag
condo pero di ko kayang di makasama si Russell lalo na ngayong malapit na sya sa akin. Mahal ko na sya,

BINABASA MO ANG
Falling Inlove With My Roommate Book1 Complete
Humorang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawang tao at parehas pang mga babae? kabaliwan ba o tinadhana na mangyare? this my story,nang magkaroon ako ng mga bagong roommates na nagpaba...