The Joker

460 25 22
                                    

Eto po ang update! Hope you enjoy minna! :)

x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x

The Joker

x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x

(Mitch Sandoval’s POV)

It’s already August! Napabuntong hininga ako, ang bilis ng panahon!  And yeah, nabawasan na rin sa wakas ang mga activities namin sa school! Since it’s August na nga.. it means.. OUTING! Yey! Naeexcite na ako lalo na 2 days nalang,  outing na~!

I hurriedly went to Amy. And sakto naman na I saw a flirt sitting beside her, Jasmine. Uh oh, ang ganda pa naman ng mood ko ngayon, mukhang masisira na! ”Hello Amy!” Binati ko siya sabay singit na rin sa usapan nila. Sabihin niyo man na wala akong manners pero I don’t care! Parang may manners naman kasi yung babaeng kausap ni Amy. I looked at Jasmine. She’s glaring at me! Kung nakakamatay lang siguro ang tingin niya, malamang nasa sahig na ako ngayon. Pero kahit na ganon, nakakatawa ang pagmumukha niya. Ang sarap pilasin.

Napansin naman yata agad ni Amy na may namumuong tensyon sa pagitan namin. “Oh Mitch! Hehe!” Tapos tumayo siya at hinatak niya ako palayo sa direksyon ni Jasmine.  “Bakit nga pala?” Tanong niya.

Then I remembered, ”Uhhhhh yeah! Gusto ko sana na sabay tayong pumunta sa school para sa outing!” I smiled at her. Nakita ko naman na galit na naglalakad papunta sa lugar namin si Jasmine. “But I asked her first!” Singit niya. I rolled my eyes upward. Duhhh, mukha niya, wala akong pakialam.

“I don’t care.” I said coldly. Lumapit siya lalo sa akin at nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang buhok ko. That hurts! “Hey you! Stop that flirt!” Pagrereklamo ko.

“Bastos  ka talaga no? Wala ka ba talagang manners? Nagsisisi tuloy ako na naging best friend kita!” Galit niyang sabi sabay sabunot sa buhok ko. The moment I heard that, instantly, nagalit na rin ako. Aba, kung nagsisisi siya, mas lalo namang ako! Inabot ko na rin yung buhok niya at hinatak ito. Kaya ayun, nauwi na naman sa sabunutan ang usapan namin.

I hate her so much. Akala ko totoo siya, hindi pala. Isa siyang sinungaling! Kahit siguro araw-araw kaming magsabunutan eh hindi ako magsasawa!  Mas masaya nga ‘yon para makalbo ko na siya!

Tumingin ako sa paligid, animo’y nanonood ng fighting scene ang mga kaklase ko. Tch. “Uyyy. Please! Tumigil na kayo! Nakakahiya naman oh, lagi nalang kayong nag-aaway!” Pag-aawat sa amin ni Amy. We ignored her. Bwisit kasi ang babaeng’to! Halata naman na sa mukha niya na gusto na niyang sumuko! “Tumigil ka na nga!” Galit niyang sabi sa akin. “Edi mauna ka.” Sagot ko sa kanya. Hmp, siya nag-umpisa tapos siya agad ‘yung susuko? Ang hina niya naman.

Napansin ko naman na nasa harapan na namin si Yuuki. “Mga onee! Tumigil na kayo.. please?” Napatigil kami bigla nang makita siya. Tiningnan niya kami gamit ang kanyang oh-so-innocent-looking face. Grabe! Isama mo pa ang nangingilid niyang luha, sobrang cute! She looks like an angel! Ugh, that’s the reason why I can’t resist her.

"Okay, you win. "Tumigil na  kami ni Jas, agad akong tumaiikod sa kanila at lumayo ng kaonti sa lugar nila para ayusin ang buhok ko.

"YUUKI!" Nang marinig ko ang pagsigaw na 'yon, instantly, it sent chills to my spine. Yung tono ng boses niya ngayon, nakakakilabot. Napalingon kami at tama ako. Si Kyamii pala. Kyamii is so pretty. No, scratch that. She's a goddess! Pero hindi tulad ng dati. Inis siyang naglakad papunta sa amin. "Diba sinabi ko na sa iyo na 'wag mo na silang pakialaman?!" Napayuko lang si Yuuki. Tiningnan niya kami ng matalim. "Hindi ba kayo nagsasawa ha?! Araw-araw nalang kayong nag-aaway! Para kayong mga bata!" Napayuko na rin ako. Tinatamaan ako sa mga sinasabi niya. Mabait naman si Kyamii at madalas siyang kalmado pero ngayon mukhang nareach niya na ang limit niya, at dahil pa iyon sa amin. Nakakahiya, sobra.

BloodbathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon