Eto na po update. Enjoy minna! :D Thank you po sa mga nagbabasa nito. <3
(Sino ang may gustong makinig ng music habang nagbabasa? ==>)
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
Picture
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
(Amy's POV)
TIK. TOK. TIK. TOK.
Naririnig ko ang tunog ng paggalaw ng kamay ng orasan. Ilang minuto na ba kami dito? Isa? Sampu? Dalawa? O oras na ba?
Lahat ay tahimik. Walang nagsasalita, marahil hindi rin nila alam kung ano ang sasabihin o paano sisimulan. Lahat kami ay nasa labas lang ng comfort room, nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader. Natatakot ako. HIndi mawala sa isip ko ang nangyari. Pilitin ko man na ipikit ang mga mata ko pero iisa ang tanging nakikita nito.
Dugo. Dugo ni Mitch at ang katawan niyang walang buhay.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Pres. Muli, wala na namang emosyon na makikita sa mukha nito. Pero kahit na ganoon, nararamdaman ko ang kalungkutan mula sa kanya. "Magpapaalam ako sa kanya." Sabi niya at nagsimula na siyang maglakad ulit patungo sa loob ng comfort room. Nagtinginan kaming magkakasama, tila nagkaintindihan at tumango sila. Nagsitayuan na rin kami at sabay-sabay na tumungo rin sa loob.
Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako, nanlalamig at mabilis ang tibok ng puso. GUSTO KONG PUMIKIT! Ayaw kong makita siya sa ganung kalagayan. Pero dahil pinili ko rin namang makita siya ulit, gagawin ko na.
Pagkapasok ko sa loob agad akong napaiyak. "MItch.." Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Ang sikip sikip ng dibdib ko. Kahit napaiyak ako kanina parang hindi nauubos ang luhang lumalabas sa mata ko. Nawala ang nararamdaman kong takot pero pinaghalong lungkot, sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon. Kaibigan ko siya, pero bakit kailangan mangyari nito sa kanya?
Tiningnan ko ulit ang katawan niya. Naawa ako. Tiningnan ko rin ang mga kasama ko, kitang-kita sa mga mata nila ang lungkot pati na rin ang awa.
Hindi ko nga alam kung bakit ko nagagawang tingnan ang katawan niya. Ang kanyang bangkay.
Mandidiri ba ako? Matatakot? Magagalit? Ano?
Akala ko sa movie lang ako makakakita ng ganito, hindi pala. Kinikalabutan ako habang pinagmamasdan ang kanyang katawan. Binalot ito ng dugo na unti-unti nang natutuyo dahil sa paglipas ng oras. Ang kanyang damit na puti ay naging kulay pula. May sira ang kanyang damit dahil sa saksak sa kanyang dibdib. Nanginginig akong tumingin sa kanyang leeg. Meron din itong saksak. HIndi ko alam kung paano nagawang gawin at ano ang dahilan ng gumawa nito sa kanya. Ang sama niya.. Masama siya! WALA SIYANG PUSO! ISA SIYANG HALIMAW!!
Tiningnan ko ang kanyang mukha, kahit na puro dugo ito at may ilang sugat. May nakikita pa rin akong emosyon dito.
KALUNGKUTAN.
Bakit Mitch? Bakit ka malungkot?
Napakuyom ang kamay ko dahil na rin siguro sa galit. Huminga ako ng malalim. Hindi ko matanggap ang nangyari. Napayuko ako, Patuloy na dumadaloy ang mga luha ko palabas ng aking mata, pero ngayon, alam kong luha na ito ng galit. Nakita kong lumapit sa bangkay si Pres at Kyamii. Si Terrence naman ay nasa isang sulok lang, nakayuko. Sila ma'am pati ang iba ko pang kasama ay yakap ang isa't-isa.
Lumapit ako sa katawan niya..
..At agad ko itong niyakap.
Sabihin niyo man na isa akong baliw pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ngayon ay mahawakan siya sa huling pagkakataon. Hinigpitan ko ng yakap ang kanyang katawan. Nalalagyan na rin ako ng kanyang dugo. Patuloy ko itong niyakap kahit na ang nararamdaman ko na ay ang lamig nito.

BINABASA MO ANG
Bloodbath
Misterio / SuspensoMagkakaibigan hanggang kamatayan.. Kamatayan na dulot niya... SINO nga ba siya?