x.x.x.x.x.x.x.x.x
Confused
x.x.x.x.x.x.x.x.x
(Amy's POV)
Nabalot kami ng katahimikan. Tanging takot ang aking nararamdaman. Patuloy lang na umiihip ang hangin sa mukha ko habang nakatitig ako sa kawalan.
Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng kamay ko. Pinagpapawisan ako pero nanlalamig ang pakiramdam ko.
"H-umingi kayo ng tulong k-kahit kanino!!" Dahil sa pagsigaw ni Pres kaya ako natauhan. Kaagad ako nakaramdam ng pagpapanic at kaba. "Kayo!" Sabay turo niya sa laging magkakasama na sina Light, Angelica, Benz at Dhanica. "Lahat kayo! Mag isip kayo ng paraan kung paano tayo makakahingi ng tulong kahit kanino!"
Nauutal akong nagsalita. "T-tumawag tayo sa school o sa kahit s-----"
At nang bigla akong may maalala.
"Shit! Bwisit naman oh!" Mukhang naintindihan naman ni Terrence yung nasa isip ko kaya ginulo niya yung buhok niya.
"Pero p-president.. yung phones po n-natin. Pina-surrender po ni ma'am k-kanina. N-natatakot a-ako..." Naiiyak na sabi ni Yuuki habang niyayakap niya si Kyamii.
Bakit ganun? P-parang planado ang lahat?
Una. Ang pagkuha ng phones namin. Kinuha ito ni Ma'am para daw sigurado na walang maicontact na ibang tao. Mas ligtas daw kung siya na ang gagawa ng paraan. Dahil nga rin na kami lang ang magkakasama mas okay kung kami lang ang nag-uusap. Hindi rin kasi alam na baka ang isa sa amin ay may kasabwat na iba sa labas.
Pangalawa. Itong pagkamatay ni Ma'am.
Huminga ng malalim si Pres. Halatang pinipilit niyang kumalma. "D-darryl at Blue, pumasok kayo sa bahay. Sa pagkakaalam ko. Doon lang sa drawer sa living room iyon nakatago. D-doon ko kasi nakita si Ma'am kanina. Siguraduhin niyong wala kayong gagalawin na kahit ano. Basta kunin niyo lang."
"Kayo naman." Sabi ni Pres sa amin. "Tulungan niyo ako na ibaba ang katawan ni Ma'am dito. Pero walang kahit sino sa atin ang aalis. Dito lang tayo."
Sumunod nalang kami. Kahit nakakaramdam ako ng takot pati na rin ng pagkaawa ay mas gugustuhin kong tumulong kaysa walang gawin.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Terrence at inalalayan ako. Muntikan na akong matumba nung sinubukan kong tumayo. Nginitian ko nalang siya at tumango. Nanghihina pa rin ako dahil sa nangyari. "Sila na muna ang asikasuhin mo. Kaya ko pa naman ang sarili ko." Sabi ko at tumango nalang siya.
Pinunasan ko yung luhang nanggagaling sa mata ko. Nagiging iyakin na talaga ako. Naglakad na ako palapit sa kanila. Nandoon na silang lahat at nagtutulungang ibaba yung katawan ni Ma'am.
Nang mapansin ko na may kung anong bagay na umiilaw sa mga damo.
Nagulat ako sa nakita ko.
T-teka.. Cellphone ni Ma'am 'to ah?
Palihim ko itong kinuha. Nanginginig ang kamay ko nung pinulot ko ito. Sinubukan ko itong buksan. Wala man lang itong kahit anong pass code o kahit ano. Bumungad sa akin ang isang note.
'Ikaw. Kung sino man ang nagbabasa nito ibig sabihin ay may kailangan kang malaman.'
Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba habang tinutuloy ang pagbabasa dito.
'Ako ito. Si Coralyn Santos. Ang teacher niyo.'

BINABASA MO ANG
Bloodbath
Mystery / ThrillerMagkakaibigan hanggang kamatayan.. Kamatayan na dulot niya... SINO nga ba siya?