Sorry dahil ang tagal ng UD. Enjoy minna~
Dedicated sa kapatid ko pang diyosa. Hello @CertifiedOtakuHime!! Kaway naman diyan oh! XD
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
Puzzle
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
(Amy's POV)
Nakayuko lang ako. Hind ko masyadong nagalaw ang pagkain ko. Paano ba naman kasi, feeling ko sobrang gulo ng buhay ko. Hindi ko na nga alam ang susunod kong gagawin eh. Kinuha ko ang baso na may lamang tubig at ininom ito. Patuloy pa rin kasi akong ginugulo ng mga sinabi ni Kyamii.
Mauubos kami... Ang totoo sa hindi totoo... nagtitiwala pero hindi sapat para maniwala..
Ano ba ang gusto niyang sabihin?
Napakuyom ang kamao ko. Naguguluhan ako. Kailangan mabigyan ng kasagutan ang mga tanong ko, kailangan. Tumayo ako bigla, nagtinginan sila sa akin. Tulad ko, halata sa mga mukha nila ang pagkalito except kay Pres na poker face pa rin hanggang ngayon. Ngumiti ako pero halatang pilit ito. "Salamat sa pagkain, sige mauna na ako." Sabi ko at umalis na doon.
Naglakad-lakad ako. Nag-iisip isip at hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa labas ng bahay. Nagulat ako nang nakita ko si Kyamii at Yuuki. Mula sa pwesto ko, nakaharap sa akin si Kyamii at nakatalikod naman si Yuuki. Nakita ko na may binulong si Kyamii kay Yuuki. Kahit nakatalikod si Yuuki, naramdaman kong nagulat ito.
Nagulat ako ng biglang napatingin sa akin si Kyamii, may kakaibang tingin sa mata nito. Nanlaki ang mga mata ko.
"PERO... HINDI! HINDI IYON TOTOO! HINDI KO SIYA PI---" Napatigil si Yuuki sa sasabihin niya at napalingon sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Pareho na silang nakatingin sa akin. Napalunok ako, agad akong tumakbo palayo sa kanila.
Napadpad ako sa likuran ng bahay, kung saan kami kumain ng hapunan kagabi. Mapuno dito. Agad akong umupo sa damuhan at hinabol ang aking paghinga. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Kainis! Ano ba ang pumasok sa utak ko at pinanood pa sila doon! Humiga na ako dito at napatingin sa mga ulap, makulimlim na naman.
Sumigaw ako, "Waaaaaah! Kainis talaga!"
"Ugh. Ang ingay mo talagang babae ka." Nagulat ako ng marinig ang boses niya. Kilala ko yung malalim na boses na 'yon ah! Lumingon ako sa kanan, wala naman siya. Puno damo at halaman lang ang nakikita ko. Sa kaliwa, wala pa rin at sa baba... wala pa rin naman. Eh nasaan siya?
"Sa taas kasi." At tumingin nga ako sa taas. Nakita ko si Blue na nakaupo sa isang sanga ng puno. Agad siyang tumalon pababa dito at nagpagpag ng damit.
Agad akong nakaramdam ng pagkailang, pero nakatingin lang siya sa akin. Napayuko ako. "P-pwede ba akong m-magtanong?" Kinakabahan kong tanong. Dapat ko nga ba itanong ang bagay na tungkol doon?
"Tungkol saan?" Tanong niya sa akin na tila naiinip sa mga nangyayari.
"....A-ano... tungkol doon sa... letter..." Sabi ko habang nakayuko. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko, hindi ako maaring magkamali.
I'll kill you..
Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya at patuloy lang akong tiinitingnan. "Bakit?" Maikling tanong niya. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanyang mata. Haay, ang ikli niya talagang sumagot. Masyado siyang matipid.
It's me..
"Bakit bigla mo 'yung natanong?" Pagpapatuloy niya na tila naiinis na sa nangyayari..
Your nightmare..
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tumingin ako sa paligid, hindi ako komportable, pakiramdam ko may nanonood sa amin. Nagsalita siya ulit, "Bakit mo ako ngayon tinatanong tungkol sa letter na ik----"
BINABASA MO ANG
Bloodbath
Mystery / ThrillerMagkakaibigan hanggang kamatayan.. Kamatayan na dulot niya... SINO nga ba siya?