Rain

30 1 3
                                    

x.x.x.x.x.x.x.x.x

Rain

x.x.x.x.x.x.x.x.x

(Amy's POV)

Mula sa nakakabinging katahimikan, nakarinig nalang kami ng malutong na tunog.

Napahawak si Kyamii sa pisngi niya.

Blangkong tiningnan siya ni Pres at sinabi, "Di lang sampal ang bagay sa'yo Kyamii. Nagawa mo pang magsabi ng ganyan sa kalagayan natin ngayon. Sana alam mo ang oras para sa biro." Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ni Kyamii. "Akin na 'yang phone."

Inabot niya na ang phone kay Pres. Umirap si Kyamii. "Tingin niyo ba makakaalis pa tayo ng buhay dito?!" Sabi ni Kyamii at tumawa ng peke. "Di ba kayo natatakot?!" Nanginginig ang mga kamay niya habang nagsasalita. "Kasi ako.. oo! Bakit niyo ba kasi sinama ako dito!" Galit niyang sigaw.

Agad siyang niyakap ni Yuuki si Kyamii para kumalma. "Makakaalis tayo dito kaya manahimik ka nalang." Walang emosyon na sabi ni Pres.

"Darryl samahan mo ako sa kwarto." Sabi ni Pres at humarap kay Darryl. Tumango naman si Darryl at sumunod na sa kanya. "Sa pagkakaalam ko may kopya ako ng mga contact numbers ng school sa notebook ko."

Humarap muna ulit sa amin si Pres. "Kayo wag kayong aalis. Huwag kayong magtangkang may umalis. Dito lang kayo sa sala." At tinuro niya ako. "Ikaw Amy, mamaya may pag-uusapan tayo." Tumango nalang ako. Alam ko ang tinutukoy niya, at iyon ay yung phone ni ma'am. Sasabihin ko ba sa kanya yung mga nabasa ko? Binaba niya sa isang end table ang phone ni ma'am. "Walang gagalaw ng bagay na 'yan. Pag may nag ring, wag niyong sagutin. Kailangan kumpleto muna tayo. Okay?" Maawtoridad na sabi ni Pres.

Tumango nalang kami. Umalis na sila papunta sa kwarto. Tahimik lang kaming lahat, tila napakabigat sa pakiramdam ng bawat segundo na lumilipas. Tumabi naman sa akin si Terrence. "Okay ka lang?" Tanong niya sakin at napabuntong hininga ako. Masyadong marami na ang nangyayari. "Ewan, hindi ko alam." Nanlalata kong sabi. Hindi ko na alam ang totoo, naguguluhan na ako. Ubos na din ang mga luha ko, nakakapagod. Pagod na ako. Bakit ba kasi nangyari ang mga bagay na 'to.

Tahimik lang kaming lahat habang naghihintay, tila mga wala sa sarili. Dalawa. Dalawa agad ang nawala. Sino nga kaya ang gumagawa ng lahat ng 'yan?

"Eto yung number." Sabi ni pres at pinapakita ang isang maliit na notebook. Ni hindi ko namalayan na nakabalik na pala sila. Kinuha niya nag cellphone niya. "Kaso walang signal dito sa loob. Lalabas ako." Sabi niya.

"P-pero.." Sabi ni Angelica. "W-wag ka na lumabas. Nakita mo naman ang nangyari kay ma'am diba." Natatakot niyang sabi at humawak kay Light.

"Kung lalabas ka, dapat lahat tayo." Sabi naman ni Terrence at tumayo na mula sa sofa. "Para sure tayo na walang mahihiwalay."

CUCKOO. CUCKOO. CUCKOO.

Napatigil kami nang marinig namin ang tunog ng isang cuckoo clock. Ito yung uri ng orasan kung saan may lumalabas na ibon. Halos ng lahat ng orasan dito ganon ang disenyo, puro cuckoo clock.

CUCKOO. CUCKOO. CUCKOO.

"6PM na. Dalian na natin, kailangan na natin makaaalis hangga't maari." Sabi ni pres.

Ganun na nga ang nangyari, nagpakasunduan namin na lahat kami ay lalabas para macontact niya ang school. Ayaw namin magkaroon ng bagong biktima.

BloodbathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon