Sunset

216 13 10
                                    

Dedicated sa kanya, hello po. Salamat sa pagbabasa. <3 <3 Natuwa ako sa mga comment mo. <3

Hahaha, Makakatulong ang chapter na ito? O hindi? xD

x.x.x.x.x.x.x.x.x

Sunset

x.x.x.x.x.x.x.x.x

(Jasmine's POV)

Dahil hindi ako nakakain ng maayos, agad akong pumunta sa room namin. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. I closed my eyes. I'm tired, too tired. Masyadong maraming nangyari at yung mga nangyari na iyon ay dahil sa akin.

Oo tama, dahil sa AKIN.

Agad kong pinunasan ang na luha na umaagos mula sa mata ko. Naguguilty ako, at ngayon pakiramdam ko ang hina hina ko. Ang hina ko. Isang araw palang ang lumipas, isang araw palang mula noong namatay si Mitch, ang best friend ko, dati. Isang araw na rin akong hindi makatulog. Isang araw na akong hindi mapakali, natatakot sa kung anong pwedeng mangyari.. bakit.. bakit nga ba ako natatakot? Saan...?

Idinilat ko ang mga mata ko. I can't sleep. Pag nakapikit ang mga mata ko, naalala ko kung ano yung nangyari. Naalala ko kung ano ang ginawa ko sa kanya. Naalala ko na napakasama kong tao.

I KNOW THE TRUTH.

Agad akong bumangon. At mula sa isang drawer dito sa room ay kinuha ko ang isang bagay na nagpapatunay ng kamaliang nagawa ko, a knife. Yeah, pero hindi ko ginusto ang mga nangyari....hindi ko talaga ginusto.. HIndi ko rin ito sinadya. Pero ano pa ba ang magagawa ko dahil nangyari na? Right now, kailangan ko itong itago. Kailangan walang makakita nito.

Pero ano nga ba ang nangyari?

Kahit ako, na nakita ang nangyari, naguguluhan ako. Alam ko ang katotohanan... alam ko nga ba? O pinaniniwalaan ko lang ang ginawa ko? Ang nakita ko? To see is to believe nga di ba?

I was happy. Masaya ako na kahit papaano ay natauhan kami sa sinabi ni Kyamii. Nag-usap kami nung araw na iyon. Kahit papaano ay nagkaayos kami.  But yesterday, nagtalo na naman kami. Nagtalo na naman kami dahil sa isang mababaw na dahilan. PInagpapahinga ko kasi siya pero ayaw niya, masama daw kasi pakiramdam niya tapos inaway niya pa ako. Sinabihan ng masasamang bagay, siguro hapon na noon, mga 5PM. Ilang oras ang lumipas at nakapag-isip isip ako, makikipag-ayos nalang ako sa kanya. Ang iba kong mga kasama ay nasa labas ng bahay at nagsasaya. Pumasok ako sa loob ng bahay. Hinanap ko agad si Mitch. And I saw her, mag isa siyang naglalakad papunta kung saan na parang may malalim na iniisip. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kamay niya, may dala siyang patalim. Huh? She was holding a knife!

My heart was beating fast. Agad akong nagtago. Ano ba dapat ang gawin ko? Sabihin sa kanila ang nakita ko o solusyunan ko ito mag-isa? Kinakabahan ako and at the same time, natatakot. Bakit naman siya may dala-dalang kutsilyo?! Ano ba ang nasa isip niya?! Wag mong sabihin na.. balak niya akong patayin..? Napatingin ako sa gawi niya, nakatingin siya sa akin. Agad akong nakaramdam ng takot. Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Nanginginig ang kamay ko. Tahimik akong nagpunta sa kitchen. Oo, kabisado ko ang lugar na ito. Madalas kami magpunta ni Mitch dito noong mga bata pa kami. Her grandmother owns this house. Pero nandito kami ngayon para sa isang documentation. Kaso, nagkaroon ng kaonting pagkakamali. Nauna kami ng isang araw dito.

At hindi ko rin inexpect na dahil doon ay makakagawa rin ako ng pagkakamali. Pagkapasok ko sa kitchen ay agad akong kumuha ng isang kutsilyo mula sa isang maliit na kitchen drawer. Wala akong balak na gawaing masama, mas mabuti na kung may mangyari man sa akin, handa akong i-defend ang sarili ko.

Naglakad ako, dahan dahan. Hindi alintana sa akin kung naglalakad ako sa loob ng bahay na may hawak na kutsilyo. Nakapatay ang mga ilaw at sana walang ibang tao na nasa paligid ko. Agad kong nilibot ang bahay para hanapin si Mitch. Naglakad lakad ako at dinala ako ng paa ko sa harap ng comfort room.

BloodbathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon