x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
Surprise Letter
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
Isang gabing madilim. Nakita ko ang lahat.
"Waaaaaahhh! Tigilan mo ako! Please tama na!!" Nakita ko kung paano umiyak ang babae, ang mukha niya ay takot. Puno ng takot.
Tumakbo siya. Pilit niyang tinatakasan ang humahabol sa kanya.
Pilit siyang tumakbo kahit pagod na pagod na siya. Puro siya galos at pasa. May mga mantsa ng dugo sa kanyang damit.
Ngunit.. sa kasamaang palad ay napasubsob siya sa lupa. Pilit siyang tumayo. Umaasa na maari pa siyang makatakas.
Ngunit huli na ang lahat. Nandito na ang kanyang kinakatakutan. Ang lalaking iyon. "Masama ka!!! Nakita kong pinatay mo ang aking ina!" Sinigawan niya ang lalaki.
Niyakap siya nito. "Patawad." Malungkot na sabi ng lalaki. Niyakap din siya nung babae pabalik. "Patawad... Patawarin mo ako.." huminto ito sandali. Itinutok nito ang isang patalim sa likod ng babae na walang kamalay-malay. Bigla itong tumawa at may binulong sa kanyang tenga. "Ngunit ito na rin ang iyong katapusan..." Dugo, umagos ito mula sa katawan niya.
"WAHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako. "WAHHHHHHHHHHHHH!" Sumigaw nanaman ako. "BROWNOUT BA?" Tanong ko sa sarili ko at tumingin sa paligid.
Grabe, nagulat ako doon. Wrong timing naman oh. Halos patay na yung babae sa may pinapanood ko saka biglang nagbrownout! Ang dilim pa tuloy!
Lumabas ako ng kwarto. "Mameng?" Pagtawag ko sa nanay ko. Pero walang sumagot.
Kinuha ko mula sa aking bulsa ang isang cellphone. "9:06 pm?" Bulong ko sa aking sarili at in-on ang flashlight nito.
Lumibot ako sa bahay. Nagpunta ako sa kwarto nila Mameng pero blangko. Hindi ko sila nakita. Teka, saan naman kaya sila pupunta eh gabing-gabi na?
Naglakad ako pabalik ng kwarto ko nang may maapakan ako na... parang medyo malamig na basa?
Itinutok ko dito ang flashlight.
Napasigaw ako. "DUGOOOOOOO!!" Grabe! Meron pala ako ngayon! Kaya pala masakit yung puson ko kanina!
Pero napatigil ako bigla. Pero imposible.. Kanina naman wala ito pero bakit ngayon? Itinutok ko ulit yung ilaw. Napalunok ako, bigla akong pinagpawisan ng malamig. "Dugo...." Mahina kong sabi habang pinipigilan ang aking panginginig.
Huminga ako ng malalim. Baka imagination ko lang to dahil sa pinanood ko! Tiningnan ko ito. Kahit madilim, malinaw ko talagang nakita na may mga dugong nagkalat sa sahig. Mula sa kinatatayuan ko hanggang sa hagdan.
Ayaw ko man itong sundan, tila may sariling buhay ang aking mga paa at sinundan ito. Akala ko sa hagdan lang namin ito nagtatapos pero nagkakamali ako.. hindi pala.
Umihip ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. Kinakabahan talaga ako ngayon. Para ba na yung hanging dumaan ay sinabing tumingin ako sa likod.
Dahan dahan akong lumingon.
Dahan-dahan....
...Pero....
Pero bago pa man ako makarating doon ay nakarinig ako ng isang ingay, ingay na parang may isang metal na bagay ang nalalaglag sa sahig at pagkaluskos. Paglingon ko ay may nakita akong isang.. anino.
Kahit madilim alam kong tama ako na may nakita akong anino. A-anino nga ba o isang silhouette?
Gustuhin ko man na sumigaw pero natuyo ang lalamunan ko, walang boses na lumalabas. Tumakbo ako pababa ng hagdan. Halos malaglag na ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Huminga ulit ako ng malalim. Pinagpatuloy ko na ang aking pagtakbo at ngayon dinadala ako ng paa ko sa sala. At may nakita rin akong dugo papunta rito.
Mas lalo akong lumalapit. Mas lalo akong kinakabahan.
Humakbang ako. Nakarinig din ako ng isang paghakbang. Humakbang pa ulit ako. Pinapakiramdaman ko ang aking paligid. Tahimik... tanging paghinga ko lang ang aking naririnig.. sa ngayon.
Pagkapasok ko sa sala ay napapikit ako sandali. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Pagkadilat ko ng mata ko..
Isa ang tumambad sa akin.
"HAPPY BIRTHDAY AMY!" Sigawan sa paligid ang narinig ko. At biglang nabuhay ang ilaw sa buong bahay. Tumingin ako sa paligid, hindi ako makapagsalita. May hawak silang banner na nakalagay ay happy birthday. Andun din si Mameng at yung iba ko pang kakilala. May hinahanap na tao ang paningin ko.. pero wala sila.
"A-anong m-m-meron?" Nauutal kong tanong sa kanila. Sa pagkakaalala ko. April 27 ang birthday ko. Pero June 12 ngayon. Paanong?
"Haha. Anak. Kasi.. ito ang araw na napunta ka sa amin." Huminto sandali sa pagsasalita si Mameng. "Kaya itinuring namin ito na birthday mo! Para masaya, naisip namin na gabi ito gawin! Nagustuhuan mo ba yung surprise namin?" Napanganga ako. Oo nga, 1 year na pala ako sa kanila. Pero surprise?! Aba bwiset! Halos mamatay na ako sa kaba!
Biglang lumapit sa akin si Jude. PInsan-pinsanan ko. Siniko niya ako. "Takot ka no? Hehehe" Tapos tinawanan niya ako Tiningnan ko siya ng masama. Biglang may inaangat siya na isang clear container na may lamang... dugo? "Fake blood. Made of cornstarch at food color." SIYA BA ANG MAY DAHILAN NG DUGO SA SAHIG?! Eh paano yung nakita ko? Yung narinig ko? Kasama din ba 'yon sa 'surprise' kuno nila?
Nagsimula na yung 'party' sa bahay namin. Wala akong nagawa kundi makisakay nalang sa trip nila kahit hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa nangyari. Lumapit sa akin si Mameng. May inabot siya regalo sa akin. "Bukas mo nalang buksan." At nagpakita siya ng isang makabuluhang ngiti,
Aalis na sana ako pero bigla ulit akong tinawag ni Mameng. "Amy! May nakalimutan akong ibigay sayo!" May kinuha siya sa table na isang bouquet ng bulaklak. Teka, bulaklak? "May nagpadala nito ehhh. Kaso walang nakalagay kung sino. Basahin mo.. May letter siyang kasama. Hindi ko nalang binasa baka kasi galing sa boypren mo eh!" Tapos parang kinilig pa siya. Napailing lang ako. Malabong magkaboyfriend ako.
Binuksan ko ang red envelope. May letter na nakalagay sa loob.
Kinilabutan ako. Isang papel lang siya na may bahid ng dugo. Handwritten.
Tiningnan ko ito na ako lang at walang iba na makakakita. Sa harap nito ay may nakasulat meron din sa likod. Pero magkaiba ang penmanship nito.
Sa harap na part ay eto ang nakasulat:
I'll kill you. I will. and I really will. I HATE EVERYTHING ABOUT YOU. And if killing you is the only way for me to feel happiness, why not? Then i'll gladly do it. I Just want to let you know, that it's me.... YOUR NIGHTMARE.
- A (Hahahah. Now, what are you feeling? )
Kinilabutan ako. Pinagpapawisan ako ng malamig ngayon. Bakit? Basta.. mahirap ipaliwanag. Gusto ko nang sumigaw ngayon sa takot pero hindi pa tapos. Nakatingin lang din sa akin yung iba marahil napansin nila na kinakabahan ako. Nginitian ko lang sila. Tapos ay binalik ko na ang atensyon ko dito sa sulat. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil hindi pa tapos...Meron pang nakasulat sa likod:
Kill them before they could kill you. THE GAME HAS STARTED. Every mistake corresponds to a life. And there's no way out. Can you guess who I am before I could even kill you? Consider yourself lucky if you can guess who I am because you'll get a chance to be saved.. Uh wait. Do not just guess. BUT KILL ME. YEAH! KILL ME! IT'S YOUR ONLY CHANCE TO BE SAVED!
BUT IF YOU FAIL.. Expect.. DIE.
You shall be enjoying the bloodbath.
- Still missing, X.
Note: Who's the first one to die? You or I? :))
Biro man ang lahat ng ito o isang katotohanan. Isa lang ang alam ko, dito nagsimula ang lahat.
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
Shattered Note: Hahahahhahaha. Sabaw ba? Sorry sa mga nagexpect. XP Patawad. Pers taym lang gumawa ng story na ganito ang genre. XDD Saka sorry sa errors, pasabi nalang sakin kung meron lalo na sa grammar at spelling para maiedit ko.
Ano masasabi niyo? XP
Wag po sana kayong matakot. lol XDDD
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x

BINABASA MO ANG
Bloodbath
Mistério / SuspenseMagkakaibigan hanggang kamatayan.. Kamatayan na dulot niya... SINO nga ba siya?