Update agad. xD Naiinspire eh <3 nga pala POV ng dyosa. :3
Dedicated naman sa kanya. <3
(Paki-play yung music sa gilid kung gusto ==>)
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
Words
x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x.x
(Kyamii's POV)
Idinilat ko ang mga mata ko. Nagising ako dahil sa ingay ng mahinang pagpatak ng ulan. Bumangon agad ako at tumungo sa living room. Bukas pa rin ang ilaw nito. Katahimikan. Wala man lang akong ingay na naririnig sa paligid ko. Huminga ako ng malalim. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Bakit? Para makapag-isip ako ng maayos. Tumingin ako sa paligid. Ako palang pala ang nandito. Sabagay, ako yata ang unang nagising eh.
At ngayong mag-isa ako, ang alam ko ay nasa panganib na ang aking buhay.
Agad akong tumungo sa frame na nasa sahig, pinagmamasdan ko ang dugo nito. Bakit nga ba ako hindi natatakot? Simple lang, wala kasi iyong maiitulong. Lumuhod ako at hinawakan ko ito, ang bawat sulok ng frame. inaaral ko ang dugo na makikita dito. Tuyo na ito. PInagmasdan ko naman ang dugo sa sahig, ganoon din. Tuyo na rin ito. Ilang oras na nga ba ang nakalipas? Maliban dito, may isang bagay akong hindi maintindihan, bakit may nawawala sa frame na ito? Bago pa man ako maunahan ng iba, kailangan ko na itong mahanap.
.
"Shit." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang namatay ang mga ilaw. Inilibot ko ang tingin sa paligid ko. Ang dilim, wala akong makita ng maayos. Agad kong binitawan ang hawak kong frame.
Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Pinipilit kong makiramdam sa aking paligid kahit ang tangi ko lang na naririnig ay ang paghinga ko. Napaisip ako, kapag umalis ako dito, maaring lumaki ang chance na may mangyaring masama sa akin.
Napatingin ako bigla sa aking likuran ng makarinig ako ng isang ingay, tunog ng pagbagsak ng isang metal sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko. Kung hindi ako nagkakamali, ang ingay na iyon ay mula sa kusina.
Ngayon pa lang, alam ko na. Ang pumatay ay isa sa amin.
"Please. Please. Please." Nanginginig ako habang pinipilit na igalaw ang aking katawan. Nanginginig lang ito pero kahit anong gawin ko ay ayaw nitong gumalaw. Tumulo ang luha ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman na sobrang hina ko.
Namamanhid ang buo kong katawan. Hindi ako makagalaw. Pinipilit kong pigilan ang panginginig ko pero hindi ko ito magawa. Pumikit ako sandali. Kyamii, kailangan mong kumalma. Walang mapapala kung magpapanic ka.
"Lumabas ka!" Sumigaw ako. Alam kong maari ko silang magising pag sumigaw ako. "Nasaan ka?! Lumabas ka! Natatakot ka ba?" Sumigaw ulit ako. Kung makikita ko siya ngayon, magiging madali na ito. Yumuko ako. "...Sa akin ka ba natatakot?" Napabulong ako.
Kung matatapos na ang buhay ko ngayon, wala na akong pakialam. Pero ang gusto kong munang malaman.. SINO?
Ilang minuto akong naghintay. Pinikit ko ang aking mga mata. Naghihintay ng pwedeng mangyari sa akin. Sabagay, I failed. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magiging mahina, pero ano ang ginagawa ko ngayon?
"Kyamii.." Napadilat ako, si Yuuki. Binitawan niya ang hawak niyang flashight at agad niya akong niyakap. "What happened onee-chan? I heard you screaming." Umiling lang ako. Ngayon ko lang namalayan na tumutulo ang mga luha ko. PInunasan ito ni Yuuki gamit ang kanyang panyo. "Don't cry onee-chan." Malungkot niyang sabi.
"Yuuki.." Sabi ko at tuluyan nang nawalan ng malay.
x.x.x.x.x.x.x.x
Idinilat ko ang mga mata ko at bumangon mula sa aking pagkakahiga. Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit niya. Sobra. Parang may pumapalo dito. Ngayon ko lang ulit naranasan ito. Napabuntong hininga ako. Ano na ang gagawin ko ngayon?
BINABASA MO ANG
Bloodbath
Mystery / ThrillerMagkakaibigan hanggang kamatayan.. Kamatayan na dulot niya... SINO nga ba siya?