Chapter NINE
Habang naghihintay kami ng next teacher namin, biglang lumapit sa’kin sina Maan at yung iba pa, nagform sila ng circle para maayos kaming makapagchikahan sa isa’t isa.
“Haaayyy, grabe nakakapang-gutom yung mga tanong ni Sir Jayver”-Ien
“Naku sinabi mo pa, halos mamilipit na nga yung utak ko eh kakaisip ng isasagot”-Erika
“Anu ba kayo, ang dali-dali lang ng mga tanong ni Sir ahh, di nyo pa masagutan yun”-Bea
“Ou nga noh, mga sets sets lang naman yun eh, napag-aralan na natin yun diba?”-Ako
“Naku, wag nyo na kaming tanungin! Kayo na matatalino”-Maan
Nagtawanan lang kami, medyo mahirap nga yun pero dahil sa hindi pa naman ako masyadong makakalimutin kahit papano naman may natandaan ako sa mga tinuro nya nung nakalipas na mga araw.
Habang nasa gitna kami ng pagkekwentuhan, biglang may lumipad na eraser ng blackboard sa amin, at dahil ako ang nakaharap sa may blackboard ako ang natamaan at take note! SA MUKHA!
“*cough* a-ano ba naman *cough* sino ba yun ah?!? Takte! *cough*” tuloy-tuloy lang ako sa pag-ubo habang pinapagpagan yung mukha ko.
“Liah, okay ka lang?” Erika habang hinihimas yung likod ko.
“Hoy! Ano ba! Kita naman ninyong may tao eh, tapos mangbabato kayo ng eraser! Walanghiya naman oh!” nagwawala na si Maan sa sobrang inis.
Lumapit sa kanya si Jed (gangster prince)
“Hey dude! Watch your words! Or do you want me to cut off your tounge”
Maan’s POV
“Hey dude! Watch your words! Or do you want me to cut off your tounge” bungad sa’kin ni Jed ng lumapit sya sa’kin.
“Shut up! Or do you want me to cut off your head! Bastard!”
“So lumalaban ka na ahh” sabi sa’kin ni Jed habang finoform yung fist nya.
“Bakit hindi!? Anong gusto mo suntukan tayo!? Game!?” nag aakto na ko na susuntukin sya ng biglang bumukas yung pinto.
“Ano na namang kaguluhan yan ah, Ms. Villafuerte at Mr. Vilante!?” napatingin ako sa likod ko kung nasan ang pinto at tumambad sa’kin ang pagmumukha ni Mrs. Santos.
“A-ahh wala po, naglalaro lang po kami ni Ms. Villafuerte ng bato-bato pick, diba?”sabi ni Jed habang akbay-akbay ako.
“Uhh, o-opo Mrs. Santos, sige nga Jed laro na tayo, bato-bato pick gamot sa addict, antibiotic” naglaro kami ng kunwari ni Jed.
“Okay! Stop that nonsense thing! Go back to your own seat! Now!” gaya ng sabi ni Ma’am Terror, pumunta na kami sa kanya-kanya naming upuan.
Si Tukmol (Jed) Pinandilatan pa ko ng mata nang makrating na sya sa kinauupuan nya.
Naku ang sarap mong sapakin!! Ang gwapo mo pa naman xDD
Liah’s POV
Natapos na ang lesson namin kay Mrs. Santos ng puro pasulat ang pinaggawa sa’min. kanina nga si Asungot tulog eh, di naman nagsulat, and the WORST! Nagtulo pa yung laway kanina! Yuck! Nakakabawas ng pogi points nya :D
BINABASA MO ANG
My Best Friend Boyfriend
Teen FictionBestfriend ko sya noon. Nagmahalan kami noon Pero bakit mortal na mag-kaaway na kami ngayon? Ano nga ba ang nangyari NOON na naging DAHILAN kung bakit malayo na ang loob namin sa isa't-isa NGAYON?